JOSH CULLEN.
Dalawang oras matapos naming isugod dito sa ospital si Alliah, wala pang results. Hindi pa lumalabas ang doctor at kada minutong lilipas, hindi ako makalma. Bawat oras, kinakabahan ako.
"Love, kain ka muna." Napalingon ako at nakita ang gurlfriend ko na inabot 'yung plastic na may lamang pagkain sa akin. Ngumiti ako sa kanya saka hinawakan ang kamay nya. I know she's hurting too. Tinuturing n'yang maging kapatid si Alliah kaya kung nasasaktan ako, nasasaktan din sya.
"Kain ka na," marahang sabi nya pero umiling lang ako at sumandal sa balikat nya. I don't have the appetite to eat at hindi rin ako gutom.
"Love, kain ka na. Sige na," sabi niya na may pagmamakaawang tono pero yumakap lang ako.
"Hindi ako gutom, love," sagot ko at isinubsob ang mukha ko sa leeg niya. I tried calming myself and I slowly did. I tried calming myself while I'm embracing her.
Nilapag niya yung pagkain sa tabing upuan nya saka yumakap sa akin. Ramdam ko ang paghalik nya sa noo ko kaya napapikit ako.
"Love, kanina ka pa nakaupo dito. Ni hindi ka uminom ng tubig kaya alam kong gutom ka na," sabi nya. Umayos ako ng upo at humarap sa kanya.
I'm lucky to have her in my life. She's my everything and I promise to keep her forever. I knew from the very start, siya na ang para sakin.
"Hindi ako gutom, okay? Ikaw ang kumain dahil kanina ka pa sa bahay iyak nang iyak," sabi ko at hinawi ang buhok niya.
She's been crying mula kaninang umaga. Bago pa bumisita si Reign, iyak na sya nang iyak.
"Kumain na nga ako. Ikaw ang kumain," sabi nya bago muling kinuha ang plastic na inilapag niya kanina.
"Ang kulit, mamaya na nga," tumatawang sabi ko.
"Hays, bahala ka," sabi nya saka umayos ng upo.
Umakbay lang ako sa kanya at nanahimik. Wala pa rin bang doctor na lalabas?
"Josh! Roshan!" Lumingon kami at nakitang paparating sila Justin, Ken at Stell pati ang kaibigan ni Alliah na sina Daria, Celine at Keicy.
"Si Alliah?" Bungad na tanong ni Stell. Huminga ako ng malalim saka tinuro yung Emergency Room.
"Nandyan pa din sya? Hindi pa ba lumalabas yung doctor?" Umiling ako sa tanong ni Daria.
"Sana ayos lang si Alliah," naluluhang sambit ni Keicy saka sila naupo sa upuan.
Sabay sabay kaming naghintay. Lahat, ramdam ang kaba at tensyon. Nanatili akong nakayakap kay Roshan para ikalma ang sarili ko at maibsan ang kaba ko.
Tahimik kami hanggang sa magbukas ang pintuan kaya napatayo ako.
"Doc, kamusta?" Salubong ko. Nag-angat ng tingin sa akin ang doctor.
"You're the brother of the patient?" Tumango ako.
The doctor nodded. "The patient is still unconscious and hindi namin ma-detect kung anong kalagayan nya but we're sure na maayos ang kalagayan nya ngayon. Stable sya pero unconscious sya. Hindi natin alam kung gaano katagal syang magiging unconscious," paliwanag niya.
"Can we see her now?" Narinig kong tanong ni Ken.
The doctor nodded once again. "We will transfer her sa ward nya."
Tumango lang ako at nagpasalamat sa kaniya bago naupo matapos makaalis ng doctor. Ilang sandali pa nang mailabas si Alliah mula sa ER kaya agad kaming tumayo at sumunod.
Pumasok kami sa ward ni Alliah at nakitang inaayos siya don. Yung apparatus, inaayos ng nurses at doon ko din nakita kung gaano kaputla ang kapatid ko.
I can't stand seeing her suffer. Nangako ako kay mama at papa na aalagaan ko si Alliah bago sila mawala. Siya na lang ang kasama ko mula nang iwan kami ng parents namin kaya sana naman, wag din syang mawala sakin.
"Alliah..." Mahinang sambit ni Roshan saka hinawakan ang kamay ni Alliah.
Isa pa si Roshan, katulad namin, wala na din syang magulang. Kaya sana naman wag mawawala si Alliah samin. Hindi namin kakayanin.
"Please, gising ka na. 'Wag ganito. Hindi ko kayang makita kang walang kamalay malay eh," lumuluhang sabi ni Roshan kaya lumapit ako sa kanya at niyakap sya patalikod.
"Shhh, stop crying. Hindi magugustuhan ni Alliah yan," bulong ko. Humarap siya sakin at yumakap ng mahigpit saka umiyak. Niyakap ko din sya at hinaplos ang buhok nya.
"Alliah... gumising ka na. 'Wag kang pa-VIP dyan, uy. Gising na. Dami mo nang absent! Kaya wala kang award eh!" Lumuluhang sambit ni Stell kaya tumulo na din ang luha ko.
"Oo nga. Bangon na, Liah. Papakilala ko pa sa 'yo yung girlfriend ko. Diba nagpromise tayo na pag may girlfriend na 'ko, sayo ko unang ipapakilala? Kasi diba, kuya mo din ako?" Sambit ni Ken na naluluha na rin.
"Alliah, daya mo. Hindi naman namin sinabi kay Pablo eh kaya wag ka nang matulog dyan. 'Wag kang mahiya, hindi namin sinabi. Walang alam si Pablo kaya bangon na, gising ka na," sabi pa ni Daria. Keicy hugged her and they both cried.
"Kapag hindi ka bumangon dyan, sasabihin namin kay Pablo. Sige ka!" Celine laughed despute her tears. "Alam naming gusto mong maging masaya si Pablo. Tingin mo ba sasaya sya pag nawala ka? Bestfriend ka nya kaya bakit sya magiging masaya kung mawawala ka?" Nagpunas ng luha si Celine.
"Oo nga naman, Liah. Kahit pa ipaubaya mo si Pablo kay Reign, kulang pa din. Oo, sabihin nating sila ni Reign pero kapalit naman noon, mawawalan sya ng kaibigan. Gusto mo ba yon? Kaya gumising ka, please, kahit para kay Pablo lang," sabi ni Jah.
Pumikit na lang ako at humalik sa ulo ni Roshan habang pinapakinggan ang mga sinasabi nila sa walang malay kong kapatid.
Natigilan kaming lahat nang magbukas ang pintuan.
-
Edited Version.

BINABASA MO ANG
HANAHAKI | SB19 Pablo ✓
FanfictionHanahaki is a disease where the victim of unrequited or one-sided love begins to vomit or cough up the petals and flowers of a flowering plant growing in their lungs, which will eventually grow large enough to render breathing impossible if left. On...