JOSH CULLEN.
"Kuya Yani," sambit ni Jah nang makita ang kapatid niyang kakadating lang. Parang nabunutan ng tinik ang mga kaibigan ko nang makita ang dumating. Maging ako ay nakahinga ng maluwag.
Si Kuya Yani, kuya ni Justin.
"Kamusta si Alliah?" Tanong ni Kuya Yani saka lumapit at tinapik ang balikat ko. I smiled at him a bit before glancing at my sister.
"Unconscious pa siya, Kuya. Hindi raw alam kung hanggang kailan," sabi ko. I heard him hummed and he looked around
"Teka, bakit kulang kayo? Nasaan si Pablo?" Tanong ni Kuya Yani saka nagpalinga linga.
"H-hindi nya alam ang tungkol dito..." sagot ni Ken.
Kuya Yani observes us. "Hindi alam ni Pablo? Walang kaalam alam si Pablo na naghihirap yung best friend nya?" Tanong ni Kuya.
"Kuya, si Alliah ang humiling nito. Sabi niya na kung pwede, 'wag ipapaalam kay Pablo dahil ayaw niyang mag alala si Pablo," sagot ni Daria.
"Kuya... alam mo na ba?" Tanong ko kahit mukhang halata naman na alam na niya. Hindi naman siya pupunta dito kung hindi niya alam. Tumingin sakin si Kuya Yani at tumango.
"I know about her disease. Nasabi sakin ni Jah," sabi ni Kuya Yani. Agad nagsalita si Jah para depensahan ang sarili.
"Sorry kung nasabi ko, naba-bother kasi talaga ako sa nalaman kong sakit ni Liah kaya hindi ko naiwasang sabihin kay Kuya. Ang bigat kasi sa pakiramdam kaya sinabi ko," alanganing sabi niya habang pilit iniiwas ang tingin sa amin. Ngumiti ako ng bahagya at tumango.
"Naiintindihan namin, Jah," sagot ko.
Lumipas ang ilang oras, nagpaalam na sina Daria, Celine at Keicy dahil hinahanap na sila ng magulang nila. Ala sais na din ng gabi. Si Kuya Yani naman at Jah, mananatili raw muna dito, ganun din si Ken at Stell.
"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko kay Roshan pero umiling sya.
"Ayoko, gusto ko dito. Malulungkot lang ako sa bahay," sabi nya bago isinandal ang balikat sa akin.
"Bibili lang ako ng makakain," sabi ni Kuya Yani saka tumayo at lumabas.
"Jah, Ken, Stell, kumain na kayo?" Tanong ni Roshan sa mga kaibigan naming tahimik na nakaupo roon.
"Kumain na kami, Roshan," sabi ni Ken. Tumango na lang kami at muling natahimik hanggang sa mahsalita si Justin.
"Si Pablo..." panimula niya. "Talaga bang hahayaan natin na wala s'yang kaalam-alam tungkol dito?" Tanong ni Jah sa kalagitnaan ng katahimikan.
Huminga ako ng malalim. Kahit gusto kong sabihin kay Pablo, si Alliah ang inaalala ko. Sabi nya na 'wag kong sabihin. Ayaw daw nyang mag alala si Pablo. Gusto nya na lahat ng atensyon ni Pablo, na kay Reign. Sa babaeng gusto nya.
"Hayaan muna natin. Siguro, kapag nagising si Alliah, siya na ang magsasabi," sabi ni Stell. Natahimik na rin kami lahat at muli kong pinagmasdan ang kapatid ko, palihim na humihiling na sana ay gumising na siya.
Sa kalagitnaan ng katahimikan, isang pamilyar na boses ang bumalot sa buong kwarto.
"Anong sasabihin sa 'kin?"
Natigilan kami at napalingon kaming lahat sa pintuan. Nanlaki ang mata ko nang makita ang hindi inaasahang tao room.
"Pablo..." I whispered. Napatayo kaming lahat sa gulat dahil kay Pablo na nasa may pintuan.
Walang emosyon s'yang nakatitig sa kama kung saan nakahiga si Alliah. Unti-unti syang lumapit at ramdam ang tensyon sa buong kwarto.
"Pablo... P-paano mo--" Stell asked while stuttering.
"Bakit di nyo sinabi sakin?!" Sigaw n'ya at nakita namin ang galit sa mata nya. Napakagat labi ako at napayuko.
Damn, paano nya nalaman?
"Bakit wala akong kaalam alam?! Ano?! Pinagmumukha nyo 'kong tanga?! Lahat kayo, alam na may sakit si Alliah tapos ako, walang kaalam alam?! Ha?!" Sigaw nya. Saktong dumating si Kuya Yani at naabutan ang eksena.
"Pablo, ano bang sinisigaw mo dyan?" Tanong niya saka nilapag ang plastic ng pagkain na dala nya.
"Ikaw... Kuya Yani, alam mo din ba?! Alam mo din ang tungkol dito sa sakin ni Alliah?!" Galit na baling niya kay Kuya Yani. Huminga ng malalim si Kuya Yani at hinarap si Pablo.
"Pablo, kumalma ka. Ospital ito at nagpapahinga si Alliah. Kumalma ka, please. Pag-usapan natin ng masinsinan ito," kalmadong sabi ni Kuya Yani pero tinabig lang ni Pablo ang kamay ni Kuya Yani na hahawak sana sa balikat nya.
"Paano ako kakalma?! Bestfriend ko 'yang may sakit tapos kakalma ako?! Inilihin niyo pa sa akin!" Sigaw nya.
"Pablo, maghunos dili ka nga! Pwede namang 'wag sumigaw. Makakaistorbo ka ng pasyente dito!" Sambit ni Roshan pero tumingin lang si Pablo sa kanya ng masama kaya nagsalita na ako.
"Pablo, umayos ka. Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito. Lahat tayo, hindi lang ikaw," sabi ko.
"Oo, nasasaktan kayo pero ako?! Doble! Yung fact na itinago nyo sakin ito?! Bakit?! Tingin nyo iiwanan ko si Alliah?! Tingin nyo magpapakawalang kwentang kaibigan ako?! Langhiya! Bawat tawa ko, hindi ko alam na naghihingalo na yung best friend ko?!" Napaupo na sya at napasabunot sa buhok nya.
"Pablo..." sabi ni Stell na unti-unting yumakap kay Pablo. Sumunod si Ken at Jah pati si Kuya Yani na tinapik ang balikat nya.
Nabalingan ko ng tingin si Roshan at naabutan siyang umiiyak kaya walang pagdadalawang isip ko siyang niyakap at itinahan.
"Shhh, love," pagpapatahan ko kay Roshan.
Ilang saglit pa nang tumayo si Pablo at tumakbo palabas ng kwarto. Susundan sana ni Stell pero pinigilan ni Kuya Yani.
"Hayaan nyo muna sya." Naupo na lang ako habang pinapatahan si Roshan na hindi kalaunan ay nakatulog din dahil sa pagod kakaiyak.
Tumingala ako at nagdasal.
Lord, kayo nang bahala sa kapatid ko. Alam kong hindi nyo sya pababayaan. Please, huwag n'yo muna s'yang kunin sa amin. Hayaan nyo muna syang maramdaman na maraming nagmamahal sa kanya. Si Pablo, alam kong higit sa kaibigan ang turing n'ya kay Alliah. Nakikita ko 'yon at ramdam ko kaya sana liwanagan nyo ang isip nya. Sana maging maayos ang lahat. Naniniwala po ako sainyo. Lord, please.
-
Edited Version.
BINABASA MO ANG
HANAHAKI | SB19 Pablo ✓
FanfictionHanahaki is a disease where the victim of unrequited or one-sided love begins to vomit or cough up the petals and flowers of a flowering plant growing in their lungs, which will eventually grow large enough to render breathing impossible if left. On...