JOHN PAULO.
Napaluhod ako pagkarating ko sa bahay. Sinubukan kong pigilan ang pag-iyak ngunit habang inaalalay siya ay hindi ko magawa. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad at humagulgol.
Gusto kong magwala, sumigaw dahil hindi ko matanggap. Walanghiya! Hindi ko matanggap! Hindi ako makapaniwalang may sakit si Alliah! Ang bestfriend ko!
Nanghihina akong naupo sa sahig habang hinahayaan ang sarili kong umiyak. Mula nang malaman ko, wala na akong ibang iniisip kundi ang kalagayan ni Alliah.
Paano ko nalaman na may sakit sya?
Bumalik ako sa school kahit lutang ako. Kailangan kong kausapin sina Josh, Jah, Ken at Stell tungkol dito.
Papasok ako ng CR bago sana pumunta ng room nang may marinig ako mula sa CR ng mga babae.
"Naaawa na 'ko kay Alliah. She doesn't deserve this kind of pain." Sa pagkakaalam ko, si Daria 'yon. Pamilyar ang boses at alam ko ang boses ni Daria.
"Ang masakit pa don, 'yung bestfriend pa nya ang dahilan ng paghihirap nya," sambit naman ni Keicy. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
Best friend? Ako? Si Alliah, naghihirap? Hindi ko maintindihan!
"Kung may magagawa lang sana tayo para pawiin yung sakit ni Alliah," hindi ko man makita pero bakas ang kalungkutan sa tono ng boses ni Celine.
"Yun na lang ang iwi-wish ko sa birthday ko, ang gumaling si Alliah sa sakit nya," sambit ulit ni Daria.
Seriously? Si Alliah? May sakit?
Totoo ba?
"Eh, paano sya gagaling? Unless, masuklian ni Pablo yung feelings ni Alliah," sabi ni Keicy na lalo kong ikinagulat at ikinatigil.
Feelings ni Alliah? So, totoo nga ang sinabi ni Reign na may gusto sakin si Alliah?
Damn!
Nagmadali akong pumasok sa CR ng boys nang marinig ko ang yapak nila na papalabas ng CR.
Napasandal ako sa pader sa tabi ng pintuan. Totoo ba talaga?
May sakit si Alliah tapos wala man lang akong kaalam alam? Walanghiya!
Teka...
Kaya ba sinabi ni Reign 'yun kanina? Dahil kay Alliah, dahil alam nyang gusto ako ni Alliah? Ng bestfriend ko? Kaya ba parang wala sa sarili sila Ken, Stell at Jah? Kaya ba ilang araw hindi pumasok ni Alliah? Pati si Josh at Roshan?
Langhiya!
Kailangan kong makausap sila Stell at Josh tungkol dito.
"Ang sakit..." bulong ko sa sarili habang hawak ang dibdib ko na naninikip na. Pakiramdam ko, hindi ako makahinga sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Wala akong kasama ngayon dito sa bahay dahil ang pamilya ko ay nasa Cavite. Ako lang dito sa condo ko kaya wala akong mapagsasabihan ng nararamdaman ko ngayon.
Tumayo ako at lumabas ulit ng bahay. Kailangan kong magpahangin dahil hindi ko na kinakaya.
Habang naglalakad ako, unti unting nagpa-flashback sakin lahat ng memories namin ni Alliah. Sa bawat ngiti nya pala habang magkasama kami, may sakit syang tinatago? At wala man lang akong nagawa para pawiin man lang yon? Ako pa yung naging dahilan nang paghihirap nya?
"Pablo, bakit ang adik mo sa hotdog?"
"Eh bakit ba? Masarap eh."
"Ehh... Di ka nagsasawa?"

BINABASA MO ANG
HANAHAKI | SB19 Pablo ✓
FanfictionHanahaki is a disease where the victim of unrequited or one-sided love begins to vomit or cough up the petals and flowers of a flowering plant growing in their lungs, which will eventually grow large enough to render breathing impossible if left. On...