Chapter 19

782 48 4
                                    

JOHN PAULO.

Tahimik silang nakamasid pagpasok ko sa ward ni Alliah. Ang mga mata ko ay nakatuon lang sa babaeng nakahiga sa kama at namumutla. My jeart shatters at the sight.

Napatayo si Roshan nang makita ako at lumapit kay Josh.

"Iwan muna natin siya, guys," rinig kong sambit ni Kuya Yani. Narinig ko ang mga yabag nila at ang pagbukas sarado ng pinto.

Dumiretso ako sa tabi ng kama ni Alliah at doon ko siya natitigan nang malapitan. Mabagal ang paghinga nya at maputla sya. I also noticed that she lost weight. Ang dating chubby cheeks ay lumiit na. She looks like she's just sleeping but it still hurts me.

"Liah..." Basag ang boses ko habang sinasambit ko ang pangalan nya. Napakagat labi ako at bumunyong hininga.

"I'm sorry, hmm? Sorry kung wala ako sa tabi mo tuwing nahihirapan ka. Sorry kung hindi man lang kita dinalaw. Gustuhin ko man, ayaw mo eh pero sana pala... nagpumilit ako," sabi ko ay hinayaan nang tumulo ang luha mula sa mata ko.

"Edi sana, hindi kita nami-miss ngayon. Edi sana, wala ka dito kung nasa tabi mo lang ako... kung nagpursigi lang akong dalawin ka at kamustahin," sambit ko.

Natahimik ako habang iniisip ang lahat ng 'what if' na pumapasok sa isipan ko.

What if hindi na sya gumising?

What if hindi ko na sya makausap ulit?

What if hindi ko na ulit sya makasama?

What if... what if mawala sya?

It felt like a jab to me. Ang isiping mawala siya ay hinding hindi ko kailanman matatanggap. Ngayon pa lang na nakaratay siya dito, hindi ko na kaya. Ayokong isipin ang burol ni Alliah. Ayoko. Ayokong isipin. Ayokong mangyare. Mabubuhay sya, alam ko.

"Liah, sorry kung nahihirapan ka dahil sa akin," lumuluhang sambit ko.

"Kung pwede lang na ako na lang ang umako nyang sakit mo, gagawin ko," sabi ko saka hinawakan ng mahigpit ang kamay nya.

Napayuko ako habang patuloy na bumubuhos ang luha ko. Why does it have to be her? Bakit siya pa ang nakakaranas nito? Alliah doesn't deserve this.

Nataranta ako nang marinig ang tunog mula sa ventilator sa tabi ni Alliah. Nagpapanic akong tumayo.

No, please...

"Shit!" Sambit ko saka tinawag sila Josh na nasa labas. Nakita ko ang mabilis na pagtayo nila nang padarag kong buksan ang pinto.

"Josh! 'Yung heartbeat ni Alliah, nagstraight!" Sigaw ko kaya tumakbo sila papasok.

"Tatawag ako ng doctor!" Natataranta na ring sambit ni Kuya Yani.

"Alliah! 'Wag kang magbiro nang ganyan!" Josh shouted while helplessly watching his sister.

"Please, Alliah! Hindi pwede ito!" Sambit naman ni Roshan. Mabilis na yumakap sa kaniya ang kasintahan at pareho silang umiyak.

I watch the whole scene, devastated and shocked.  Nanatili akong tulala hanggang sa dumating na ang mga doctor at pinalabas kami.

"Damn it!" sambit ko saka sinuntok ang pader.  Tuloy tuloy ang pagsuntok ko doon hanggang sa magdugo ang kamao ko.

"Pablo, tama na yan!" Umiiyak na sabi ni Justin.

"Dre, tama na," awat ni Ken sakin at sinubukang hablutin ang kamay ko ngunit hindi ako tumigik.

"Pablo..." marahang tawag ni Stell saka niyakap ako na sinundan din ni Ken at Stell.

"Hindi ko kaya..." sambit ko sa gitna ng pagluha. "Ayokong mawala sya, ayoko," sabi ko.

"Shhh, hindi mawawala si Alliah. Magtiwala ka sa kanya," sabi ni Stell bago ko naramdaman ang paghaplos niya sa likuran ko.

Ilang minuto ang nakalipas nang marinig namin ang pagbukas ng pintuan ng ward ni Alliah. Lumabas na ang doctor kaya lumapit kami.

"Stable na ang heartbeat ng pasyente. Nagkaroon lang nang konting changes sa emotions nya. Dahil siguro sa isa pang emotion na nabuo. Is there someone who had a changes feelingd towards her?" Nagulat ako sa tinanong ng doctor. Napatingin naman silang lahat sakin.

Changed feelings?

"Nakita ko kasi sa test na unti-unting namamatay ang petals sa katawan ng pasyente. So, it means, there's a posibility of someone changing feelings for her. In Hanahaki's case, it's about a one sided love so and that's what exactly happened to her. Ngayon, the test shows another emotions towards her. Did the one she loves already fell for her?" Dagdag pa ng doctor.

They all looked at me and I feel like my heart would jump out off my chest.

Natahimik kaming lahat hanggang sa magpaalam ang doctor na mag-iikot raw. Naiwan kaming lahat dito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makasagot.

"Pablo," Tawag ni Josh pagkaalis ng doctor.

Natulala ako habang pinoproseso ang narinig.

Fell for her?

Unti-unting namamatay 'yung petals dahil nahulog din sa kanya 'yung taong mahal nya?

Sino ba yung taong mahal nya? Ako?

"Pablo! Sabihin mo... nahulog ka na din ba kay Alliah?" Tanong ni Kuya Yani na nagpagising sa akin.

"Hindi ko alam..." sagot ko.

I heard Josh sighed "Alam kong nahulog ka na din sa kanya, Pablo. Hindi mo lang alam sa sarili mo at hindi mo lang inaamin sa sarili mo pero alam ko na higit sa kaibigan ang tingin mo kay Alliah."

Suddenly, realization hits me. Naalala ko kung paano ako ngumiti tuwing kasama sya. Kung paano ako napapangiti na lang mag isa kapag naalala ko yung ka-abnormalan namin. Kung paano ako malungkot kapag nag aaway kami. Kung paano ako umiyak kanina nang malaman ko ang kalagayan nya. Kung gaano ako kasaya ngayon na malaman na unti unting namamatay ang petals sa loob nya.

Kung gaano ko sya na-mimiss ngayon.

Kung gaano ko gustong makita yung ngiti nya.

Kung gaano ko gustong marinig yung tawa niya na nagiging dahilan na din ng pagtawa ko.

Kung paano lumakas ang tibok ng puso ko ngayon.

Kung paano ko napagtanto na...

I'm already falling for her. I did.

"Pablo..." tawag sakin ni Stell.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila. "Yes, I did. I'm already falling for her." Wala sa sariling sambit ko na nagpangiti sa kanila.

-

Edited Version.

HANAHAKI | SB19 Pablo ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon