Chapter 20

770 46 1
                                    

JOHN PAULO.

Another week passed at hindi pa rin nagigising si Alliah. Ako, isang linggo na ring hindi pumapasok. Naiintindihan naman yun nila Josh. Ako ang nagpumilit na magbantay kay Alliah.

I'm at the hospital again, beside her. Waiting for her to open her eyes.

While staring at her, may narealize ako.

Yes, maybe, I like Reign. I like her attitude, I like how she works hard for her studies. I like how she socialized with others.

But, for, Alliah, hindi ko lang sya basta gusto. Mahal ko na sya. I love everything about her. Tama si Reign, hindi sya ang gusto ko kung hindi si Alliah. Maybe, na-attract lang talaga ako kay Reign dahil sa pagiging passionate nya sa pag aaral pero si Alliah, kahit ano man sya, mahal ko sya.

"Pablo..." Napatingin ako kay Alliah sa pag aakalang si Alliah na yon pero hindi, tulog pa din sya kaya napalingon ako sa likod.

"Reign..." Sabi ko saka tumayo. "Hindi ka pumasok?" Tanong ko saka lumapit at kinuha yung dala nyang prutas.

"No, gindi na din siguro ako makakapasok." Natigilan ako sa sinabi nya.

"Why?" Tanong ko.

"We'll be leaving. Kami ni Kuya Rei. Pinapauwi kami ni Mom at Dad sa London," sabi nya. She smiled a bit. Nalungkot ako sa nalaman ko. Aalis na si Reign.

"Are you coming back?" Tanong ko. Ngumiti sya sakin at naupo sa sofa.

"I don't know. Maybe, babalik ako kapag natapos ko yung studies ko doon," sabi nya.

"So, you're going to finish your studies there?" Tanong ko saka lumingon kay Alliah at hinawakan ang kamay nya.

"Yes, request na rin ni Mom at Dad. My Lolo is in a critical condition kaya kailangan din naming pumunta don para maalagaan sya. Hindi kasi sya matitingnan doon ni Mom at Dad kasi busy sila sa work," sabi nya.

Napadpad ang tingin nya sa kamay ni Alliah na hinawakan saka sya ngumiti.

"I always imagined you two, like that," nakangiting sambit nya.

"Like this?" Sambit ko saka tinuro yung kamay namin na magkahawak.

"Yes. From the start, nung makilala ko kayong dalawa. Alam ko agad na you two will end up like this. Nagulat nga ako nang sabihin mong gusto mo ko," sabi nya at tumawa pa.

It's surprising how casual and comfortable we are talking about feelings.

"Maybe, nasabi ko nga na gusto kita. Na-attract ako sayo pero mas matimbang si Alliah," sabi ko at pinatakan ng halik ang kamay na hawak ko.

"I know." Reign smiled. "The way you look at her, alam ko na agad. Alam kong mas matimbang sya sayo. Walang wala yung feelings mo sakin sa nararamdaman mo kay Alliah. And don't worry, naka move on na ko sayo!" Tumatawang sabi niya kaya pabiro akong nagtaas ng kilay.

"Bilis mo ah!" biro ko.

"Of course. Isa pa, there's someone na nagugustuhan ko," sambit niya kaya bahagyang nanlako ang mata ko.

"Whoah! Really? Sino naman yan?" Tanong ko. Natahimik sya pero hindi kalaunan ay ngumiti din.

"Mas matanda sya sakin ng ilang years, I think?" sabi nya habang hindi maalis ang ngiti sa labi.

"Reign, age is just a number. Ang importante, mabubuhay ka niya!" Natatawang sabi ko.

"Panigurado naman 'yon! Pero..." napanguso siya. "Siguro, imposible na mapansin nya ko," malungkot na sabi nya.

"Sino ba 'yon?" Tanong ko.

Tumingin sya sakin at ngumiti.

"Well..." She smiled shyly before biting her lower lip. "Julian De Dios."

Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig ko sa gulat.

"Si Kuya Yani?!" Gulat na tanong ko.

Reign looked at me, shocked. "You know him?" Tanong nya.

I nodded. "Older brother sya ni Justin!"

She gasped. "Really? Wow, coincidence!" Sabi nya kaya natawa ako at napailing. I can't believe it! Si Kuya Yani yung nagugustuhan nya. How small the world is, huh?

"How come?" Tanong ko.

Ngumiti sya nang pagkalawak lawak at pagkatamis tamis kaya napailing ako habang nakangisi. Lumalayag na yata ang lovelife nya.

"Nung isang araw kasi, papasok na sana ako pero naisipan kong mag coffee muna kaya dumaan ako sa coffee shop then pagkatapos kong umorder, lumabas na 'ko..." nagsimula na siyang magkwento.

"Then, saktong paglabas ko, may nakasalubong akong papasok. Nagmamadali sya then naramdaman kong nabangga nya ko. The hot coffee spilled on me!"

"Inis akong bumaling sa kanya but the I saw his face, he's handsome. Hindi ko na ipagkakaila 'yon. His facial features are manly. Alam ko na agad ilang taon ang tanda nya sakin pero I don't care. Na love at first sight ako agad," nagkibit balikat siya.

"Then? What happened next?" Tanong ko.

She smiled again. "He asked me if I'm alright. Tumango naman ako then he said sorry at nagvolunteer syang samahan akong bumili ng damit pamalit at maipatingin na din yung kamay kong natapunan ng mainit na kape. Hiyang hiya ako habang kasama sya!" She exclaimed. I chuckled, not expecting to see this side of her.

Nevertheless, I smiled at her. "You know what? I wish na maging masaya ka. Mabait si Kuya Yani. Siya ang nagsilbing kuya naming magkakaibigan. Mas matanda pa sya kay Josh,' sambit ko.

"I know but, huh! Age is just a number!" sabi nya saka nagkibit balikat.

"Nako, sana mapansin ka ni Kuya Yani!" asar ko pa..

"Of course!" Sambit nya. Nagtawanan kaming dalawa hanggang sa natigil ako sa pagtawa.

May naramdaman kasi ako.

-

Edited Version.

HANAHAKI | SB19 Pablo ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon