JOSH CULLEN.
"Love, nasabihan mo na ba sila Jah mamaya na sabay sabay tayong dadalaw?" Tanong ni Roshan sakin habang magkatabi kami dito sa room. Nagle lesson ang prof namin kaya pasimple kaming nagbubulungan.
"Yes. Hintayan na lang daw sa may waiting shed," sabi ko. She just nodded and went back to listening. Hinawakan ko ang kamay nya sa ilalim ng mesa habang nagpatuloy sa pakikinig.
Napatigil ang lahat pati na kami nang magring ang phone ko nang napakalakas. I cursed silently. Hindi ko pala nai-silent!
"Mr. Santos, paki turn off 'yang phone mo, pwede? Nagle-lesson ako," puna ng prof sakin. Hindi ko masiyadong pinansin ang sinabi niya
Sumulyap ako sa caller. Napatayo ako kaagad at bumaling sa prof.
"I'm sorry, Sir, but I have to take this call. This is from my friend who's in the hospital with my sister," paalam ko.
"Go ahead," sabi nya kaya sumenyas muna ako kay Roshan na lalabas lang ako. Tumango na lang sya kaya lumabas na ako.
"Pablo?" Sambit ko nang sagutin ang tawag.
"Josh. May klase pa ba kayo?" Natatarantang tanong nya kaya kumunot ang noo ko.
"Why? Ayos ka lang?" Tanong ko saka lumingon kay Roshan na nakasilip din sa bintana at nakatingin.
"Si Alliah, gumalaw yung daliri niya and chine-check sya ng doctor ngayon!"
Unawang labi ko. "What?! Sinong kasama mo dyan?"
"I'm with Reign here."
"Papunta na kami," sagot ko.
"Sigurado ka? Baka hindi kayo payagan," I can hear his movement from the other side.
"Ako nang bahala. Magpapaalam ako," sambit ko bago huminga ng malalim. Binaba ko na rin ang tawag at pumasok sa classroom. Napalingon sa akin ang lahat pero tinuon ko ang atensiyon ko sa gurong nasa harapan.
"Sir, excuse me pero may emergency..." sabi ko kaya napatigil ulit si Sir.
"Emergency? What emergency?"
"Yung kapatid ko po, nasa ospital ngayon at kakatawag lang ng kaibigan ko. I have to go, Sir and I'm going with my girlfriend," sabi ko. Tumaas ang kilay nya.
"Girlfriend? Who?" Tanong nya. Nagpalinga-linga pa siya sa buong klase.
"Ms. Roshan Halley Torres," sabi ko saka tinuro si Roshan. Our prof only stared and sighed afterwards.
"Okay. Go ahead," sabi nya kaya nagmadali na akong kunin ang gamit ko saka hinawakan ang kamay ni Roshan.
"Thank you, sir!" Sabay na sabi namin habang palabas ng klase.
"Love, bakit? Sino yung tumawag?" Tanong ni Roshan habang tinatahak namin ang daan papunta sa classroom nila Justin.
"Si Pablo, tumawag. Gumalaw na daw yung daliri ni Alliah. Feeling ko, magigising na sya," sabi ko at nang maproseso ang sinabi, kakaibang saya ang naramdaman ko.
Sana nga gising na siya.
"OMG! Sana nga!" sambit ni Roshan.
Nahinto kami nang makarating sa tapat ng classroom nila Ken. Naabutan naming may teacher sila at nagtuturo sa unahan.
"Nako, love. Baka hindi tayo palabasin. Ang dami natin, oh. Baka akalaing magka-cutting tayo," Roshan said making me nod. Oo nga, baka nga hindi kami payagan kung lahat kami sabay sabay lalaba s
"Ite-text ko na lang si Stell," sabi ko at hinayaan na lang muna silang mag-klase. Nagsimula kaming maglakad papuntang gate.
"Saan kayo? Bakit uuwi kayo?" Salubong ni Kuya Guard sa amin nang makita kami.
"Uhh... Kuya, yung kapatid ko po kasi, si Alliah. Nasa ospital ngayon. Kailangan po naming puntahan," sambit ko.
"Si Alliah?" Tumango lang ako at hinintay ang sagot niy Kuya Guard.
"Ganun ba? Ay, naipaalam na nga sa akin ng adviser nila 'yon." Tumango tango pa siya bago binuksan ang gate. "Sige. Ikamusta nyo na lang ako sa kanya," sabi ni Kuya Guard.
"Sige po, Kuya. Salamat!" Sabi ko saka kami lumabas ng school. Pumara kami ng tricycle. Tinext ko na din si Stell na pumunta sa ospital ng lunch break.
Nang makabayad kami, bumaba na kami at agad nagtungo sa ward ni Alliah. Naabutan naman namin don si Pablo at Reign sa labas.
"Pablo!" Tawag ko.
"Josh, Roshan, buti pinayagan kayong umalis," sabi ni Pablo nang makalapit kami.
"Nagpaalam kami. Sila Stell, mamaya pa pupunta. Baka hindi kasi kami payagan pag marami kaming aalis," sabi ni Roshan. Tumango na lang si Pablo.
"Kamusta?" Tanong ko.
"Chinecheck pa sya," saktong pagkasabi ni Pablo lumabas ang doctor kaya napatayo kami at sumalubong.
"Doc, how's she?" Salubong ko.
"She's fine..." Nakangiting sabi ng doctor kaya nakahinga ako nang maluwag. "And I'm happy to say, she's now healing," sambit ng doctor.
Napangiti ako at naramdaman ang panggilid ng luha. Napabaling kay Pablo na nakangiti na din.
"Salamat, doc," sabi ni Sejun bago umalis ang doctor.
"She's now healing. Thanks to you, Pablo," sabi ni Roshan.
"No, it's not me. It's my heart. Alam ko nang sa simula pa lang dapat alam ko nang mahal ko sya but I guess, nakipaglaro pa sakin ng taguan ng feelings itong puso ko," natatawang sambit ni Sejun. Tinapik sya ni Reign sa balikat.
"Better confess to her. Alam kong hinihintay lang nya yang pag amin mo," sabi ni Reign.
"Salamat sa inyo," nakangiting sabi ni Pablo.
"Pumasok ka na. Kausapin mo sya," panghihikayat ko. Pablo sighed and flashed us his smile.
"Yes, I will.'
-
Edited Version.

BINABASA MO ANG
HANAHAKI | SB19 Pablo ✓
FanficHanahaki is a disease where the victim of unrequited or one-sided love begins to vomit or cough up the petals and flowers of a flowering plant growing in their lungs, which will eventually grow large enough to render breathing impossible if left. On...