ALLIAH KEITH.
Tulala akong nakatingin sa kisame.
Is it real? Buhay ba ako? O mga tagabantay yung nakita ko kanina na nakaputi?
Pero, humihinga ako, so, it means, buhay nga ako.
But how?
"Liah..." Natigilan ako dahil sa pamilyar na boses na tumawag sakin.
Nasa langit na ba ko? Bakit naririnig ko yung boses nya?
"Hey, Alliah," nakaramdam ako ng pagtapik sa pisngi ko kaya napakurap ako at natauhan.
Lumingon ako sa gilid at nakita ko si Pablo na nakaupo at nakangiti sakin.
Wait! Don't tell me, nagha-hallucinate lang ako? Si Pablo ba talaga 'yan?
"Natulog ka lang nang isang linggo, hindi ka na nagsalita," natatawang sabi nya.
"Pablo..." mahina at halos paos na sabi ko.
"Yes. It's me," sabi nya saka hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako doon.
Wait, bakit ganun? Diba dapat umuubo ako ng pagkalakas lakas ngayon? Diba dapat nahihirapan akong huminga ngayon? Pero, bakit wala?
"Alliah, i know, masyado kang nahirapan..." sambit nya kaya napatingin ako sa kanya. He's still smiling.
"Nahirapan ka habang wala ako sa tabi mo. Hindi ko alam na sa bawat ngiti ko pala, halos hindi ka na makahinga. Sa bawat asar ko pala sayo, nahihirapan ka. Hindi ko alam na kasalanan ko pala kung bakit ka nagkasakit," sabi nya saka yumuko. Agad nanikip ang dibdib ko kaya huminga ako ng malalim.
"Pasensiya na kung ngayon lang, ha? Sorry kung ngayon lang ako nagising sa katotohanan. Sorry kung ngayon lang ako natauhan," sabi nya pa.
Nag angat sya ng tingin at tumitig sa mga mata ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kinikilos nya.
"Ngayon lang ako nagising sa katotohanang... mahal pala kita, hindi bilang kaibigan, kundi bilang ikaw. Bilang isang babae," sabi nya.
Napaawang ang labi ko. "T-talaga?" Gulat na tanong ko.
Don't tell me it's all an imagination! Pakiusap, wag naman sana! I can't believe this! Totoo ba? Mahal din ako ni Pablo? As in? Hindi ito budol?
"M-mahal mo ako?" Tanong ko.
"Yes. I love you, Alliah and I promise na hindi na ko aalis sa tabi mo. Kahit pa magpumilit kang umalis ako, doble naman ang gagawin kong pagpupumilit na mag stay sayo," sabi nya saka hinalikan ang kamay ko.
Dahan dahan akong bumangon para yakapin sya pero hindi pa ako nakakabangon dahil sya na ang nag adjust. Lumapit sya at yumakap sakin.
Napapikit na lang ako nang naramdaman ang paghalik nya sa ulo ko. Shit, my heart is loaded with happiness.
"P-paano mo pala nalaman?" Tanong ko nang bumitaw na siya.
He smiled. "It doesn't matter now. Ang importante ngayon, hindi na ko aalis sa tabi mo."
I just noticed... sobrang gwapo niya pala, ano?
Okay. Tama na, self. Kalma lang.
"Pero... paano si Reign? Diba gusto mo sya?" Tanong ko.
"Yes, I like her but I love you," sabi nya na nagpaawang muli sa labi ko.
"Ha?" Tanong ko. Ine-expect ko nang sasagutin nya ko ng pambabara niya pero iba ang sinabi nya.
"Gusto ko si Reign pero mahal kita. Mas matimbang ang pagmamahal ko sayo at crush lang ang naramdaman ko para kay Reign. Ikaw... ikaw ang nagpatibok nito. Ikaw ang inibig nito at ikaw lang ang mamahalin nito," sabi nya habang nakaturo sa puso nya.
Hindi ko na maiwasang hindi maluha dahil sa saya.
Buong akala ko, mawawala na lang ako nang hindi man lang nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Akala ko, mawawala na lang ako nang hindi man lang sya nakikita.
"Salamat, Pablo..." lumuluhang sabi ko.
"Ha? Anong salamat? Dapat, 'I love you' ang sinasabi mo, hindi salamat," sabi niya saka kinindatan pa ako.
Napaiwas ako ng tingin sa sinabi nya. Sa lahat ng banat nya, ngayon lang ako kinilig. Bwiset.
"Okay... I love you," sabi ko na nagpangiti sa kanya.
"Pero salamat, kasi kung hindi dahil sayo, baka nawala na 'ko. Baka nawala na 'ko nang hindi ko man lang nasabi sayo ang nararamdaman ko. Akala ko tuluyan na kitang makikitang masaya kay Reign. Pero hindi, kaya salamat sayo. Salamat dahil minahal mo din ako," sabi ko habang lumuluha. Pinunasan nya yun at hinalikan ang noo ko.
"No need to thank me. Hindi ko naman pinilit ang sarili kong mahalin ka. Kusa kitang minahal at ako dapat ang magpasalamat sayo kase kung hindi dahil sayo, hindi ako magiging ganito kasaya," sabi nya.
Natahimik kaming dalawa. Siya ay patuloy na pinupunasan ang luha ko. We stayed like that until he finally decided to speak.
"So, gusto kong malaman mo na..." he seems hesitant but took a deep breath, gathering his courage.
"Liligawan kita, Alliah," sabi nya. "Pwede ba?"
Hindi ko alam kung ilang beses nang umawang labi ko dahil sa ginagawa at sinasabi niya. My heart couldn't stop beating fast too!
I stared at him and smiled. "Oo naman."
Ako pa ba, magpapakipot? Hindi no! Pablo na 'yan. Mahal ko na 'yang nagsabing liligawan ako.
"Nagkakasiyahan ah. Ano? Nag-aminan na ba?" Pareho kaming napatingin at nakita ang mga kaibigan nakadungaw roon.
-
Edited Version.
BINABASA MO ANG
HANAHAKI | SB19 Pablo ✓
FanfictionHanahaki is a disease where the victim of unrequited or one-sided love begins to vomit or cough up the petals and flowers of a flowering plant growing in their lungs, which will eventually grow large enough to render breathing impossible if left. On...