Chapter 24

781 46 6
                                    

ALLIAH KEITH.

Dalawang araw ang nakalipas, nakalabas na din ako nang ospital. Si Pablo ang kasama ko sa dalawang araw na yon. Tinatanong ko nga kung bakit di sya pumasok, ang sabi nya, gusto daw nyang bumawi.

"Bumawi saan?" Takang tanong ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti.

Okay, self! Kalma! Baka mahalikan ko yan bigla. Shit. Ang ligalig ko.

"Gusto kong bumawi sa mga panahong nahihirapan ka nang hindi ko alam. I want to make up with the times I've spent smiling wuthout knowing you're sufferring. Gusto ko, nandito ako sa tabi mo habang nilalabas mo lahat ng paghihirap mo," sabi nya saka hinalikan yung kamay ko na hawak nya.

"H-hindi mo naman kailangang bumawi, Pablo saka naiintindihan ko naman. Hindi mo alam na may sakit ako kaya hindi ka aware na sa tuwing nagpapa cute ka, ako ang nahihirapan." Tumawa ako pero sya, seryoso pa din.

"Alliah, pangako ko na, hindi na ko aalis sa tabi mo. Okay? Pag nahirapan ka, sabihin mo lang." His eyes held softness and gentleness and my heart couldn't help but to burst with happiness.

'Yan ang usapan namin noong isang araw. Mabilis lang din ang paggaling ko hanggang sa hinayaan na ako ng doctor na ma-discharge.

"Liah, papasok ka na?" Tanong ni Kuya Josh sa akin habang kumakain ng breakfast.

"Yes, Kuya. Kaya ko naman na," sabi ko saka ngumiti.

"Si Pablo ba, susunduin ka?" Nakangising tanong ni Ate Roshan kaya bahagya akong naubo.

Natigil ako sa pagkain at naramdaman ko ang mga paro paro sa tiyan ko. Kita nyo? Pangalan pa lang nya, kinakabahan na ako.

"Uhhh...hindi ko alam, Ate," sagot ko.

"Hindi tumawag sayo?" Tanong ni Kuya. Bumaling naman ako sa kaniya.

"Hindi. Walang sinabi." Nagpatuloy ako sa pagkain habang iniisip kung susunduin nga ba niya ako o hindi.

Wala naman talaga kaming napag usapan tungkol sa paghatid sundo nya sakin.

"Baka naman binubudol ka lang ni Pablo, ah?" Biro ni Kuya Josh. Bahagya siyang nahampas ni Ate Roshan.

"Anong binubudol? Hakdog!" Halos mapatili ako sa gulat nang may magsalita mula sa likod ko. Napatingin naman ako.

Kumabog na naman ang puso ko. Si Pablo, nandito. Nakangiti sya habang naglalakad palapit sa amin.

"Andyan na pala eh!" Sabi ni Ate Roshan saka siniko ako.

"Goodmorning!" Bati ni Pablo saka humalik sa pisngi ko.

Okay, umagang umaga. Kinikilig ako!

"Ayos ka ah. May pahalik ka na sa pisngi, ah. Ano, suntukan?" sabi ni Kuya. Inirapan lang siya ni Pablo bago naupo sa tabi ko at bumaling sa akin.

"Bakit ang konti n'yang kinakain mo?" Puna nya sa pagkain ko.

"Okay na ito. Busog na nga ako," sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya. Nahihiya ako!

"Hay nako! Kumain ka pa nang lumakas 'yang resistensya mo. Para hindi ka sakitin. Alam mo bang kailangan mo ng Vitami--" I immediately cut him off

"Oo na. Kakain na," sabi ko saka dinagdagan 'yung pagkain ko.

"Good." He smile and began talking to my brother.

Napailing na lang ako. Pangangaralan na naman nya ko. Sa tuwing pangangaralan nya 'ko, he's using his knowledge about everything. Ang talino eh.

"Sabay na ba kayo, Pablo?" Tanong ni Kuya.

"Oo, sabay na din kaming uuwi mamaya," sabi ni Pablo habang nakasandal sa upuan.

"Bat hindi ka kumain?" Tanong ko nang mapansing nanonood lang siya sa pagkain ko.

"Kumain na ko, 'by." Natigilan ako sa tinawag nya sakin.

'By? Is that... his endearment for me?

Bigla akong may naalala. Naalala ko yung napag usapan namin noon.

"Pablo, kung magkakagirlfriend ka. Anong gusto mong tawagan nyo?"

"'By. Gusto ko, 'by."

"Bakit? Short for barbie? Sabi na, eh. Bakla ka!" He glared at me.

"No way! Ako? Bading? Saka, anong barbie? Short for baby kasi yun, pinaikli ko lang!" He argued making me laugh.

"Dami mong learn."

"Okay, tama na yan. Mamaya na kayo magligawan dyan. Tara na, pasok na tayo," sabi ni Kuya Josh. Niligpit na namin yung pinagkainan namin at hinugasan ng mabilis saka nagtoothbrush. Sabay sabay din kaming lumabas ng bahay.

"Una na kami, dre," sabi ni Kuya saka tinapik ang balikat ni Pablo at humalik sa noo ko. "Ingatan mo 'yang kapatid ko, ha?" He said before getting on he car.

"Bye, Alliah! Bye, Sejun!" Sabi ni Ate Roshan.

Kumaway din ako hanggang sa makaalis sila. Bumaling ako kay Pablo na nakatingin sakin. Iniwas ko ang tingin ko at naghanap ng sasakyan namin. Pero, wala akong nakita.

"Anong sasakyan natin papuntang school?" Tanong ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at kinuha ang bag ko.

"Hindi tayo sasakay," sabi nya saka ngumiti sakin. "Maglalakad tayo papunta sa school," sabi nya saka nagsimulang maglakad habang hawak ang kamay ko.

"Sure ka? Baka ma late tayo," sabi ko at naramdaman ang pamumula ng pisngi ko.

"Hindi. Maaga pa," sabi nya.

Tahimik kaming naglakad habang magkahawak kamay. This feeling. Grabe! Hindi ko kailanman na-imagine na magiging ganito kami ni Pablo. Akala ko kasi talaga, hindi nya malalaman ang feelings ko para sa kanya.

"You know? I'm always dreaming about a girl. Lagi daw kaming magkahawak kamay habang naglalakad. Sinusundo ko sya sa bahay nila at sabay kaming umuuwi. Sabay kaming kakain nang lunch. Then, kapag weekends daw, nagde-date kami," sabi nya matapos ang katahimikan.

Kumunot naman ang noo ko at tumaas ang kilay. Ano namang pake ko sa babaeng napapanaginipan niya?

Hindi ako nagsalita hanggang sa magpatuloy sya.

"Buong akala ko, si Reign yung babae sa panaginip ko..." sabi nya kaya natuon sa kaniya ang paningin ko.

Oh, kung hindi si Reign? Sino? 'Wag nyang sabihin na may iba pa syang babae?

"It's not Reign. It's you, Alliah."

Napataas ang kilay ko. Oh sino naman si All--

Alliah?!

Ako ba?

"Ikaw pala yung napapanaginipan ko. The hands I'm holding in my dream is yours. The girl I'm dating is you. Not the other girls, not Reign but you," sabi nya.

May mas isasaya pa ba ako ngayon?

"Pablo, I've never imagine na magiging ganito tayo. Akala ko, hanggang magkaibigan na lang tayo," sabi ko saka hinigpitan ang hawak sa kamay nya.

"I guess, we met not just to be friends, but to be together for an everlasting life." He smiled at me and I agreed.

Yeah, for eternity.

-

Edited Version.

HANAHAKI | SB19 Pablo ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon