Chapter 25

735 42 3
                                    

ALLIAH KEITH.

A year has passed. First year college na kami nila Pablo, Stell, Ken, Jah pati sina Daria.

Their happy for me at todo tili pa sila noon nang nalaman nilang nililigawan ako ni Pablo. Yes, isang taon na pero nanliligaw pa din sya. Gusto ko na syang sagutin pero ang sabi nya, ayaw nyang basta basta ko syang sagutin. Gusto nya daw na mag effort bago ko sagutin.

"Girl, tapos ka na sa notes?" Tanong ni Daria sakin. Hindi kami classmates ni Pablo ngayon dahil magkaiba kami ng course.

"Eto na," sabi ko saka inabot yung notes.

"Salamat. The best ka talaga!" sabi nya kaya napairap ako ng bahagya.

"Oo na. Proud ka na naman sakin," sabi ko na ikinatawa niya.

Pinagpatuloy ko ang pagdo-drawing ko habang wala pa ang prof.

"Hindi mo pa ba sasagutin si Pablo, Alliah?" Tanong ni Celine sakin kaya natigil ako.

Sa totoo lang, iniisip ko nang sagutin sya mamaya. Hindi nya alam na sasagutin ko na siya mamaya para surprise.

"Secret," sabi ko na lang saka tinuloy ang pagdodrawing.

"Pa-secret-secret ka pa. Sasagutin mo na sya mamaya no?" Nanlaki ang mata ko at gulat na napatingin sa kanya dahilan para tumawa sya.

"Sabi na eh! Pa-secret-secret ka pa, Alliah," tumatawang sambit ni Celine.

"Oo na. 'Wag ka na lang maingay."

"Okay. Yieeeee! Wish come true na ba?" Pang aasar pa nya.  Napakagat labi ako. Hindi ba talaga nya ko titigilan? Kilig na kilig na ko dito oh.

"Tumigil ka," sabi ko saka umiwas ng tingin.

"Yieeeee. Hmm? Ano bang name ng ship nyong dalawa?" Umarte pa sya na parang nag iisip.

"Ang kulit," iiling iling na sabi ko.

"Hmmm... PabLiah? Pwede, pwede!" Tumango-tango pa siya roon kaya napasapo ako ng noon.

"Manahimik ka, Celine. Parang pabrika naman 'yang naisip mo!" Sabi ko.

"Sus! Kinikilig ka lang eh," sabi nya.

Umayos na ako ng upo nang pumasok ang prof namin. Naglesson na rin kami. Si Celine, todo daldal sakin tungkol kay Pablo. Mabuti talaga di sya nahuli. Tatawanan ko sya kapag nahuli sya.

Mabilis lang rin lumipas ang pang-umagang klase. Lunch time na. Inayos ko ang gamit ko at saka lumabas ng room kasunod sila Daria, Celine at Keicy.

"Girl, ano na? Balita namin sasagutin mo na si Nase ah?" Sambit ni Keicy habang papunta kaming cafeteria.

Malaki din ang university na pinasukan namin ngayon. Mas malaki sya sa school namin nung highschool at marami din akong nakikita schoolmate dito.

Si Reign, one year ago, umalis sya going to London at nabalitaan ko na, sumunod pala sa kanya si Kuya Yani. Nako! Who would have thought na si Reign at Kuya Yani pala?

"Alliah!" Sigaw ni Jah mula sa isang mesa. Nandon na pala sila. Andun din si Ate Roshan at Kuya Josh. Magkaklase pa din silang dalawa at going strong pa rin. Hindi mapaghiwalay eh kaya hanggang college, magkaklase pa den.

Lumapit kami at agad tumayo si Pablo para yakapin ako kaya nagtilian na naman sila.

"Kain ka na, 'by" sabi nya. Ayan na naman sya sa endearment niya. But it's okay, I find it sweet and cute lalo kapag galing sa kanya.

"Ikaw pa rin ang bibiko~ ang bibiko~" biglang pagkanta ni Stell.

"Tumigil ka nga, Stell. Kumain ka na lang o kaya kausapin mo si Daria!" sabi ni Pablo kaya nagsiasaran na naman sila.

Natawa na lang ako at kumain na. Basta talaga kasama ko sila, ang saya ko.

"Kamusta studies mo, Liah?" Tanong ni Kuya Josh sa akin.

"Kaya pa naman, Kuya," sagot ko bago sumubo ng pagkain.

"Basta kapag nahirapan ka, sabihin mo sakin ah. Kahit pa hindi ko course yan, tuturuan padin kita," sabi ni Pablo saka ngumiti.

"Yown!" Napailing na lang ako sa pangangatyaw nila.

Bumaling na lang muli ako kay Pablo. "Salamat, Pablo," sabi ko saka ngumiti.

"Alliah naman! Tagal nyo nang magkakilala ni Pablo, bakit parang nahihiya ka parin sa kanya?" Entrada ni Celine. Inirapan ko lang sya at gaya ng ginawa ni Pablo kay Stell kanina, nagsalita din ako.

"Shut up. Kausapin mo na lang si Ken," sabi ko kaya napabaling sya kay Ken at natahimik.

"Bakit?" Clueless na tanong ni Ken.

"Wala!" Sagot naming lahat. Busy kasi kakanood sa phone nya eh. Naka airpods pa.

"Hoy Suson! Tapos ka na bang kumain?" Sambit ni Celine saka tinapik si Ken.

"Ha?" Tanong ni Ken saka tinanggal ang airpods nya.

"Sabi ko kung tapos ka na kumain? Mamaya na yang panonood mo," pangaral ni Celine. Natahimik kaming lahat at pinanood sila.

"Pwede na, Celine. May future ka," sabi ni Jah.

"Future saan? Future ni Ken?" Natatawang tanong ni Ate Roshan.

"Hindi po, Ate pero pwede na din. Para mabawasan na ang pagiging adik sa anime ni Ken," sabi ni Jah. Natapos ang lunch namin nang puro tawanan dahil sa asaran nila. Mga kantyawan.

Nakangiti akong tumingin kay Pablo na nakikitawa din. It's good to see him laughing like this. Sa tagal naming magkaibigan, madaming beses ko nang nakitang tumawa si Pablo pero iba pala talaga ang feeling pag inlove, no? Tipong lahat ng tungkol sa kanya, perfect para sa'yo. Though, walang taong perfect but what I mean is, lahat ng tungkol sa kanya, maganda para sayo.

And I made my decision, final.

Sasagutin ko na talaga siya.

-

Edited Version.

HANAHAKI | SB19 Pablo ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon