[Adara]
"Let's have a meal first before we go back," ani Christian pagkasakay namin ng kotse. He started driving and I fished for my phone to send a text message to Pierre. Nahihiya ako na hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos sa kanya.
To: Pierre
Salamat, Pierre. Sorry I had to leave.
"Who are you texting?" tanong ni Christian na pasulyap sulyap pala sa 'kin.
"Si Pierre," sagot ko. Narinig ko agad ang pagbuntonghininga niya.
"I almost punched him earlier," aniya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"You don't just punch anyone, Christian."
"Then he should not hug my girl."
Hinawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho siya. I chuckled as I looked outside the window. Baliw talaga. I even can't believe that he just announced my relationship with him earlier. We're not hiding it anyway. If only I could tell everyone I own this man. Nabigla lang siguro ako kanina sa ginawa niya.
We went to an exclusive fine dining restaurant near our condo. He ordered the food himself. He knows well that I don't choose my own dish in places like this. We were seating beside each other with his arm on my waist. He loves doing this and I don't mind it anyway.
"Was it Amara Alonzo?" he asked, leaning my head on his shoulder.
I nodded. "When I met her days ago, she told me she'd help me. Pero hindi ko inakalang ganito ang gagawin niya," mahinang sagot ko. Kinuha ni Christian ang kamay ko at pinagsiklop niya ang aming mga palad.
"Isn't it great?" tanong niya at marahang pinisil ang palad ko.
"It is," sagot ko. Ito rin naman talaga ang plano ko. Inunahan lang niya 'ko. Pakiramdam ko nga ay iisa ang tumatakbo sa utak naming dalawa dahil sa ginawa niyang iyon. "Napakatapang niya."
"Parang ikaw."
"Tingin mo ba magiging okay lang siya sa ginawa niya? I mean, yeah, she has the position, but I'm worried that something might just happen to her."
"She's a brilliant woman. She probably knew already what will happen after this."
The waiter served us the appetizer. We started eating.
"Babalik ako ng Buenavista," mahinang bulong ko nang nakatingin sa pagkain ko.
"I'll go with you," he quickly responded. I felt him glancing at me.
"Do you think I can't do it alone yet?" I asked, meeting his gaze.
"Of course you can, but I won't let you go alone. You'll just make me crazy thinking about what's going on with you there."
Nagkaroon pa kami ng kaunting diskusyon habang kumakain, pero sa huli ay siya pa rin ang nasunod. Nagbaka sakali lang naman ako na payagan niya 'kong tumungo roon mag-isa kaso wala. Talo pa rin ako.
We stayed at my unit for the rest of the day. Nasa sofa lang kami at nanonood ng balita. Ito halos ang laman ng bawat news program ng mga istasyon. Ayaw na nga akong papanoorin ni Christian ng TV para makapagpahinga ako kaso ay hindi rin ako mapapanatag sa kaiisip ng tungkol dito.
"We'll meet the lawyer handling you father's case tomorrow morning," aniya habang hinahaplos ang ulo ko. Nakaupo kasi siya at nakahiga naman ako sa kanyang kandungan.
"Talaga?"
Tumango siya. "Yes, but if you want to reschedule—"
Napaupo ako. "No. I'll meet him tomorrow morning," pinal na wika ko. Tatlong taon na kasi nitong inaasikaso ang kaso ni papa ngunit hindi ko pa siya nakikita para personal na pasalamatan. Naging abala ako sa Amerika dahil sa mga pinagawa at pinaaral sa 'kin ni Christian doon kaya laging silang dalawa lang ang nag-uusap. Binabalitaan lang ako ni Christian sa napag-usapan nila. Sa madaling salita, si Christian halos lahat ng kumikilos para umusad ang imbestigasyon.
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romance[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...