5

7 0 0
                                    

Ngayon ang alis ng mga magulang niya at ngayon araw din niya makikilala ang makakasama niya sa bahay nila. Mahigit isang linggo siyang gwardyado. Iisipin pa lang niya ay parang gusto na niyang magwala. Bantay-sarado siya. Hindi siya malaya. Tiyak din niyang di magiging madali ang buhay niya. Expect the unexpected ika nga. Kung gusto ay maraming paraan.
Kakagaling lang niya ng airport. Inihatid nila ni Mang Simon ang mga magulang niya. Ngayon nga ay pauwi na sila. Hindi mapigil ang sariling mag-isip. Nag-aalala siya. Nag-aalala siya para sa kanila ni Lance. Paano kung malaman ng " bantay" niya ang relasyon nila ng binata? Mukhang natitiyak niyang mapapauwi ng wala sa oras ang mga magulang niya. Na-imagine na niya ang galit sa mukha ng ina. Parang hindi niya kakayanin. Kailangan niyang maging maingat sa mga kilos niya.
Napa-buntong hininga siya. Bahala na. Bahala na si Batman.

Gabi na. Kanina pang-ine-expect ni Noreen ang pagdating ng "bantay" niya. Nakakain na siya ng hapunan at ngayon ay nasa sala na siya. Nahihiwagaan talaga siya sa kanyang makakasama. Curious siyang makilala ito.

" Anong kayang itsura niya? Sana naman mabait."  naisip niya.

Pasado alas-syete na pero wala pa rin ito. Naiinip na siyang hintayin ito.

" Gaga! Sino bang maysabi sayo na hintayin mo siya?" anang isang bahagi ng isip niya.

" Wala! Bakit masama bang makilala siya? " sagot ng kabila naman.

Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung anong susundin pero inaantok  na siya. Tinatamad na siyang hintayin ito kung darating nga ba ito. Umakyat na siya sa kanyang kwarto. Bahala na ito kung dumating man ito o hindi. She need to rest. Malalaman nya rin naman bukas kung andiyan na ito.

Kinaumagahan. Maaga siyang gumising. Kakalabas niya lang ng kanyang kwarto. Pinakiramdaman niya ang buong kabahayan. Baka kung dumating na ang kanyang "bantay" kagabi. Tahimik at walang ano mang ingay. Ni katiting na bakas ay wala siyang makita. Nagtuloy siya sa komedor. Nadatnan niya si Aling Purita na nagsasangag ng kanin.

" Morning ho, Nay Purita." bati niya rito.

Binalingan siya nito.

" Magandang umaga rin sayo, hija." masiglang bati rin nito. " Sandali na lang ito at pwede ka nang kumain." at patuloy sa pagsandok.

Umupo siya sa lamesang nandoon. Nangalumbaba at pinagmasdan ang bawat galaw ng matanda.

" May problema ka ba?" tanong ni Nay Purita ng mapansing matamlay ito.

Umiling siya. Saka naalala ang kanina pang gumugulo sa kanya.

" Eh, Nay Purita dumating na po ba yung makakasama natin dito?" tanong niya.

" Dumating na kagabi pa. Tulog ka na siguro."

" Ah, ganun po ba?" nasaad na lang niya.

" Oo at ang pogi." kinikilig pang saad ng matanda.

Natawa siya sa tinuran ng matanda.

" Nay Purita talaga." nakangiting saway niya.

" Bakit eh totoo namang pogi talaga." depensa pa nito.

" Weeh...di nga?"

" Ewan ko sayong bata ka."

" Maniniwala lang po ako pag nakita ko na po siya at kung tama nga yang sinasabi niyo."

Katatapos niya lang mag-agahan pero wala pa rin ito. Ni anino nito ay hindi pa niya nakikita. Hindi pa rin ito bumababa. Tulog na tulog pa siguro ang kumag. Ang sabi ni Nay Purita ay nasa guest room daw ito natulog. Balak niyang puntahan ito sa kwarto para gisingin. Masyado naman itong pa-suspense.

I KNEW I LOVED YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon