PROLOGUE

21 0 0
                                    

"You know dear, there's one thing I don't regret that night... And that's having you"

I wanted to cry, pero pilit kong pinigilang lumabas ang luha ko. Gusto kong ipakita kay mama na malakas ako, na hindi niya kaylangang mag-alala sakin.

Kinwento sakin ni mama kung anong nagawa niya noon. She attended her friend's birthday party and after that she got drunk, hndi na niya alam ang sumunod na nangyari. She woke up naked with a man beside him. My mom is in utter shock. Hindi niya alam ang gagawin, kung ano ang unang pumasok sa isip niya ay yun na lang ang ginawa niya. And that is running away. Ni hindi manlang niya sinulyapan o kinilala ang lalaki. Umalis nalang siya sa lugar na yun ng walang paalam. Months later napag-alaman niyang may nabuo sa kasalanang nagawa niya. After my grandparents knew that, pinilit nila si mama na ilaglag ako. Kahihiyan sa pamilya kapag nalamang ang unica iha nila ay nabuntis ng maaga. But mom didn't agree to them. Ayaw niyang madamay ako sa kasalanang siya ang may gawa. Lumayas siya sa bahay nila at kumupit ng kaunting pera para makapag-umpisa. Mabuti naman daw at sinwerte siya sa pinasukang trabaho, tumatanggap sila ng menor de edad at dahil likas na masipag at mapagpursigi, na promote siya agad at lumaki-laki ang sahod niya.

Lumaki akong walang pinoproblema, natutugunan ni mama ang lahat ng pangangailangan ko kahit na mag-isa lng siya.

I'm 10 years old now. I know that you think I'm too young, pero sa murang edad na ito nakakaintindi na ako ng mga bagay-bagay. I'm too advanced for my age. Namana ko ito kay mama, she's smart, no, she's a genius. At naisip ko rin na baka matalino ang papa ko. Their genes are perfect. They created a perfect creature like me. I'm not a narcissist, just stating the fact. Maraming naiinggit kay mama dahil daw ang ganda-ganda ng anak niya(that's me) at ang talino(only me). I want her to be proud of me kaya kahit advance na ako, nag-aaral parin ako ng mabuti. Gusto kong matulungan kaagad si mama.

"Anak.... Pagpasensyahan mo si mama, hindi ka niya nabigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya" Naputol ang iniisip ko sa sinabi niya. And with that, the emotions that I've been keeping totally snapped. Nag-uunahang lumabas sa mata ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I hugged her tightly. Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap siya. Pinunasan ko ang mga luha niya.

"Mom, what are you saying? You don't need to be sorry.. Hindi ako naiinggit sa mga kaklase at kaibigan ko kahit kumpleto ang pamilya nila, you know why?....

You're the only one I need! Masaya ako kahit tayong dalawa lang. I love you and you love me too, that reason is enough for me to be happy and contented"

Si mama na ang tumayong ina at ama ko. Siya lang sapat na. Pero minsan iniisip ko rin na sana magkaroon ng katuwang si mama. Hindi dahil gusto kong magka ama kundi gusto kong may nagpapasaya sa kaniya. I know I'm not enough, iba pa rin pag may lalaking nagmamahal at nag-aalaga sa kaniya.

"My... I'm lucky to have you as my daughter princess" She kissed both of my cheeks, nose, lips and lastly my forehead.

"No mom, I'm lucky to have YOU.." I hugged her one last time before we decided to sleep.

I think fairy tales do exist. In my life, yes it does. But not with a prince. Mine is with a queen and me as her princess. We lived happily, but not ever after. There are still trials we need to face as we keep on living. But together we can manage to survive.

But little do I know,

a very big wave of trial is yet to come.


























******
Copyright 2020

Written by: PinkPongLapu2Shine2

⚠️PLAGIARISM IS A CRIME⚠️

DO NOT REPRODUCE OR COPY WITHOUT CREDITS OR CONSENT TO THE RIGHTFUL OWNER!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm the Billionaires DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon