Only chapter

139 3 1
                                    

Ako si Yanna Sy nag-aaral sa University of The Great Eastern. Isa akong popular dito kasi--

"Hi! Doctor Love!!" Bati sa akin ng kapwa ko estudyante at sinuklian ko sila ng matamis na ngiti at tango.

Oo, tama kayo nakilala ako dito sa eskwelahan dahil ako ang nagsisilbing tagapag-payo sa kanila pagdating sa pag-ibig. Nakakatawa nga at narating ko ito eh samantalang wala naman akong experience about love. Nagsimula lang naman ako sa twitter eh gumawa ng account pag may nababasa akong mga Words of wisdom about love sa mga binabasa kong mga libro eh itinitweet ko at dun ako nakilala ng tao. Minsan nga eh nagmemessage talaga sila sa akin ng mga nararamdaman nila tapos ako ayun tagapayo ng kung anong pwedeng gawin nila about dun. Tumutulong talaga ako ng kusa, katulad ngayon may nakita akong isang lalaki na feeling ko eh namomroblema, mapuntahan nga.

"Hi! gusto mo ba ng tulong ko" tanong ko sa kanya.

"Tss. wala ka namang matutulong, kaya umalis ka na." sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.

Grabe naman to parang galit sa mundo. tsk. tsk. Pero hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya na medyo nakaka-offend pero hayaan mo na.

"alam mo feeling ko na may mabigat kang pinagdadaanan, na para bang iniwan ka ng nagsisilbi mong buhay; na para bang iniwan ka ng gir--"

"ano ba?! pwede ba umalis ka!! di kita kailangan!"

pero nag-stay parin ako.

"Kung ayaw mong umalis, edi ako nalang!!" atsaka siya umalis. Pero alam niyo nakaramdam ako ng yung naiintimidate ka sa kanya siguro ay dahil hindi niya ako kilala.

Napagtanto ko nalang na sinusundan ko siya at nandito na rin kami sa bahay, hindi ko man lang napansin. Huminto naman siya sa labas ng-- feeling ko bahay na niya 'to.

"Bahay mo to?" tanong ko sa kanya.

"Wala kang pakialam" sagot niya sa tanong ko. wait.. hindi man lang siya nagulat na nandito ako
?

"Hindi ka nagulat sa akin?" tanong ko ulit.

"Hindi, hindi ka naman multo para magulat ako diba?" sagot niya. medyo pilosopo din pala to eh noh?!

"So ibig-sabihin, alam mo na nandito ako sa likod mo at sinusundan kita?" medyo makulit kong tanong.

"Ano ba?! ang dami mo namang tanong, siyempre kung hindi ako nagulat edi ibig-sabihin alam ko na nandito ka. COMMON SENSE pls."

aray ko naman.hmp. Tumabi nalang ako sa kanya kasi nakupo siya sa may hagdan ng bahay nila eh yung sa labas.

"Alm mo...Okay lang naman na magalit ka sa isang tao, pero huwag naman sa lahat ng tao, iba-iba kami, lahat ng tao magkakaiba, tandaan mo yan. Hindi mo pwedeng sabihin na pare-parehas lang kami dahil hindi mo naman kami lahat nakarelasyon eh" sabi ko sa kanya. Sa tagal ko ng maging si doctor Love, kabisado ko na sila, minsan alam ko na talaga kung ano ang pinagdadaanan nila, kaya nga siguro nakilala ako dahil magaling ako mag-analyze ng tao.

ang pinagdadaanan niya kasi eh.. May mahal siyang tao pero iniwan siya kaya yan iniisap niya na lahat ng babae magkakaparehas, yung tipong dadating sa buhay niya pero hindi naman magsstay.

Napatingin naman siya sa akin na may mukhang gulat at nagtataka.

"Paano mo naman nalaman? Stalker ba kita?!" tanong niya sa akin. medyo mahangin din pala ito anoh?!. tsk.

"Hoy! ang hangin mo naman!! ang ganda ko naman para maging stalker baka admirer pwede pa-- pero! hep-hep! huwag kang assuming noh!! hmp! hindi mo ba talaga ako kilala?"

Here To StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon