Natapos ang piging at si Sarah naman ay nagkulong lamang buong araw sa kanyang kwarto. Simula nung nangyari sa piging ay hindi sila muli nakapag-usap ni Delfin. Oras na para maghapunan. Inimbitahan nga pala ni Delfin si Gerald para personal na mapasalamatan sa pagsundo kay Sarah.
“Come in!” sabi ni Sarah nang may kumatok sa kanyang pinto.
“Sarah, kakain na daw ng hapunan. Sabayan niyo daw si Sir.” sabi ni Manang Julieta.
“I’m not hungry.”
“Sige po.” at lumabas na ng kwarto si Manang Julieta at pumunta na sa dining table. “Sir Delfin, hindi daw po siya gutom.”
“Ganun ba? Sige, salamat Manang!” sabi ni Delfin. “Maraming salamat pala sa iyo Gerald sa pagsundo sa aking anak.”
“Wala po yun. Malaki po ang utang na loob ng pamilya po namin sa inyo kaya gagawin ko po nang mabuti yung trabaho ko tsaka hindi niyo naman po kailangan pa na imbitahin ako para sa hapunan.” mahabang sabi ni Gerald.
“Gusto ko kasing personal kang pasalamatan!”
“Walang anuman ho! Uhm… Sir Delfin, kung hindi niyo mamasamain. Pwede po bang magtanong?”
“Ano yun hijo?” habang patuloy pa din ang kanilang pagkain.
“Bakit ho ba ngayon lang ulit kayo nagkasama ni Mam Sarah?”
“Kasi alam mo hijo, ganito nalang. Para mas madali, sabihin nalang natin na tumupad ako sa isang pangako ko sa aking Tatay. Ayaw ko namang hindi tuparin yun dahil isa nga iyong pangako.”
“Mejo malabo. Bakit kaya? Tsaka bakit ganun ang ugali ni Sarah? Hindi ko naman pwedeng itanong iyon kay Sir Delfin. Nakakahiya naman.” sabi ni Gerald sa kanyang sarili. “Ah okay ho.”
“Kaya ngayon, inimbitahan ko si Sarah na magbakasyon dito. Dahil gusto kong makabawi sa kanya. Yung mga panahon na nawala na, sana naging ama ako sa kanya pero hindi naman ako nagsisisi na tinupad ko ang pangako ko sa tatay ko.”
“Alam ko naman hong magagawa niyo yun. Kaya nga ho andito yung anak niyo eh. Ibig sabihin pumayag siya at gusto niyang magbakasyon dito. Mabuti ho kayong tao Sir.”
“Salamat naman hijo.”
Lumipas ang mga oras at hindi pa din lumalabas ng kwarto si Sarah. Tulog na ang lahat ng mga tao nang makaramdam siya ng gutom kaya naman bumaba siya para kumuha ng pagkain. Pagkatapos ay lumabas siya nang bahay at naglibot-libot.
“What is this place?!? Am I already in hell!???” sabi ni Sarah habang siya ay naglalakad at nagmamasid-masid sa paligid. Nang may biglang…..
“AHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!” nagsisisigaw si Sarah nang may nakita siyang ahas. Hindi siya makagalaw. Mejo malayo na din siya sa entrance door nang kanilang bahay. Siya ay malapit sa tinitirhan nila Gerald at nabulabog sila.
“Ano yun!????” sabi ni Gerald at tumayo. Nagising din si Fred. Lumabas sila ng bahay.
“Sarah?!??? Si Sarah ba yun?!” tanong ni Fred.
“Nako! Si Sarah nga! Hindi ko yan tutulungan noh!! Bahala siya dyan!!!” sabi ni Gerald at papasok na sana siya ng bahay ng sumigaw ulit si Sarah.
“May AHAS!!!!!!!!!!!” sabi ni Sarah. “Help!!!!!!!!!”
“Uy help daw!!” sabi ni Fred at papunta na sana siya kay Sarah nang pigilan siya ni Gerald.
“San ka pupunta ha???” tanong ni Gerald.
“Eh di tutulungan ko siya!”
“Hindi. Kaya niya na yan!”
“Anong kaya?!? Bro maawa ka naman! Babae yan. Ni hindi na nga makagalaw dahil may ahas sa daanan niya!! Tsaka gabi na oh!” sabi ni Fred at nag-isip isip naman si Gerald.
“Sige na nga!” sabi ni Gerald at pumunta na sa lugar ni Sarah.
“Thank God!!! Please help me. May ahas! Ayun oh!” sabi ni Sarah at tinuro yung ahas.
“Yan lang ba?!? Ang OA mo naman!!!” sabi ni Gerald at dinampot ang isang napakalaking bulate at inilapit kay Sarah. Natawa rin siya.
“Ewwww!!!” sabi ni Sarah sabay ilag.
“Ewwwww ka dyan! Eh hindi naman ito ahas eh! Bulateng malaki lang ito! Kinakain pa nga ito eh!!”
“Ewwww!!! Yuck!!! Germs!!!”
“Ewww!!! Yuck!!!! Germs!!!” sabi ni Gerald na ginagaya ang maaarteng pagsabi ni Sarah.
“Whatever!!!” sabi ni Sarah. “Hindi naman ako taga-dito diba?!??? Common sense mo na naman baka natatapakan mo pakipulot nalang oh!!!” tumawa naman ng malakas si Fred.
“FRED?!??” saway ni Gerald at mejo napahiya siya. “Ipakain ko ‘tong bulateng hawak ko sa babaeng ito eh!!!”
“Bakit?!? Eh nakakatawa eh!!!” sabi ni Fred. “Hi Sarah! Ako nga pala si Fred, kapatid ni Gerald.”
“Hi.” maikling sagot ni Sarah. “Mukha nga.”
“Ang tipid naman!”
“Sabi ko naman sayo Fred, walang kwentang kausap yan! Ang sama ng ugali tapos pa-english english pa akala mo naman amerikano!!” singit ni Gerald.
“You’re not included in the conversation anyway!!” sabi ni Sarah.
“Tingnan mo!”
“Taray!!!” sabi ni Fred. “Ang ganda mo. Alam mo crush kita.”
“Thanks! I think I’m going to bed now.” sabi ni Sarah nang bigla siyang pigilan ni Gerald.
“Hep hep hep!!! May nakakalimutan ka atang sabihin.” sabi ni Gerald.
“What?!?”
“Hindi mo ba ‘to nakikita?!?” itinaas muli ni Gerald ang bulateng hawak. “Kung hindi dahil sakin, hindi ka makakabalik sa bahay ninyo!”
“Ah yeah. Thank you! Okay na HO ba?” sabi ni Sarah na may emphasis sa HO.
“Yun naman pala eh. Madali ka naman palang kausap.” sabi ni Gerald at pabalik na sana si Sarah nang biglang magsalita na naman si Gerald. “Sarah!!!”
“WHAT!??!?!?” sabi ni Sarah sabay lingon.
“Wala bang isang good night naman dyan para samin ni Fred? Binulabog mo yung tulog namin eh!!!”
“Oo. Oo nga!!!” sabi ni Fred.
“Alam niyo magkapatid nga kayo. Ang kakapal ng mga mukha niyo!!!” patalikod na si Sarah at paalis.
“Hep hep hep!!! Baka gusto mong ibato ko itong bulateng ito. Tandaan mo hawak ko pa din ito!!!” sabi ni Gerald.
“Walang hiya talaga itong Gerald na ito. Ginawa ba namang pang-black mail yung bulate?!??” sabi ni Sarah sa kanyang sarili. “FINE!! Good night boys.” mejo nilandian ni Sarah ang kanyang pagkakasabi pero ang totoo ay naiirita na siya. At tuluyan na siyang bumalik sa bahay.
“YOWN!!!” sabi ni Gerald.
“Jackpot!!!” sabi ni Fred. “Alam mo ang cute niya kapag naiinis.”
“Cute ka dyan?!? Ang asim asim nga ng mukha eh. Parang nakainom ng suka!”
“Uy ikaw Bro ha! Bakit parang may impact ata sayo si Sarah?”
“Impact?!?”
“Pinagmamasdan ko kaya kayo kanina habang nagtatalo kayo.”
“Oh tapos?”
“Wala! Parang may something kay Sarah na hindi mo ma-resist.”
“Ewan ko sayo! Baka pakain ko sayo itong bulate eh!”
“Baliw!! Matulog nalang tayo!!! Baka mamaya ay magising pa si Nanay!!” sabi ni Fred at patuloy ang kanilang asaran ni Gerald.
“Impact?! Meron nga ba?” tanong ni Gerald sa kanyang sarili.
Author's Note: Pati ako kinilig!! Hihi. Hay!
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)
FanfictionIt is a summer that you won't ever forget. A summer that can last forever. Join Sarah and Gerald in their road to love as they met and be in love in an unexpected time and place. How can love go wrong and be so powerful?