"Oh? Ba't ka na naman nakasimangot diyan Coleen?"
Lunch break at nasa canteen kami ngayon ng bestfriend kong si Mika.
"Si Kenneth kasi eh."
"Kay Kenneth? Oh, anong nangyari?" Umusog siya nang kaunti palapit sa akin at bumulong. "Teka, diba crush mo yun?"
"Parang tanga kasi. Kanina after recess, grabe! Pinagtripan ako sa classroom!" Naalala ko nanaman yung mga ginawa nya. Nakakafrustrate na ewan!
"Habang nagsusulat ako, kinuha ballpen ko, ayun, di ako nakapag-notes sa english! Tapos nung nag-cr naman ako at pagkabalik ko sa classroom, nakita ko yung notebook ko na nakapatong sa desk, basang basa! Tinanong ko sa mga kaklase ko kung sino may gawa nun, alam mong ginawa nila?" Nag-pause ako sandali at tinitigan lang si Mika. Pagkatapos kong makitang tumango ito as a sign na ipagpatuloy ko ang kwento ko ay nagsalita na ako. "Nagsitinginan silang lahat kay Kenneth! At si Kenneth? Nginitian lang ako ng pang-asar. Grabe talaga, as in! Hindi ko akalaing magagawa niya yun since okay naman kaming dalawa, magkaibigan naman kami ah. As far as I remember, wala akong masamang ginawa sa kanya."
Si Kenneth kasi, siya yung natatangi kong lalaking kaibigan at close na close talaga kami nun. Sobrang bait nya sakin, I can see that he's treating me differently from other girls around him, at isa na rin siguro 'yun sa dahilan kaya ako nagkagusto sakanya. Kaya hindi ko maikakailang nagulat talaga ako nung ginawa nya ang mga yun.
"Pero nung first three subjects natin, okay naman kayo?"
"Oo, magkatabi pa nga kami nung first three subjects at nagtatawanan eh." Bigla akong nalungkot. Ano ba kasi nagawa kong masama?
"Hmm. Baka naman nung recess may nagawa ka?" Pinatong nya ang baba nya sa kamay nya at parang nag-iisip. "Nasa library ako nun diba, inaayos ko yung report ko para sa science. Ikaw, nasaan ka nun?"
"Uhh..." inisip ko kung ano nga bang ginawa ko nung recess, "Ang natatandaan ko, kasama ko si Tyrone nun, kaklase mo yun diba?" Tumango naman siya. "Nagpatulong kasi ako magbuhat nung folders. Inutusan kasi ako ni Ma'am De Guzman na dalhin ang mga yun sa faculty room. Eh ang dami nun, medyo mabigat. Kaya nung nakasalubong ko si Tyrone, nagpatulong na 'ko. Tapos sabay na rin kami kumain kasi nagpapalibre sya, syempre bilang pasasalamat ko sa pagtulong nya sa akin, nilibre ko na sya tapos ayun."
Bigla namang napangiti ng nakakaloko si Mika. "Hindi kaya..."
"Ano?"
"Haha. Wala. Tara na, time na oh. Punta na tayo sa classrooms natin. Bye!" Paalam nya saka tuluyan akong iniwan. Bakit kasi di ko kaklase si bestfriend???!!!
Nung uwian na, pinuntahan ako ni Mika sa classroom, sabay kasi kami lagi umuuwi pero nagpaalam ako na mauna na sya umuwi.
Muntik ko na kasi malimutan na dadalin ko pa nga pala sa storage room yung mga gamit na hiniram namin kanina para sa group project namin sa social studies.
"Nako, mabigat to ah. Gago yung mga kagrupo ko, tinakasan 'to." Bulong ko sa sarili bago buhatin yung karton. Bubuhatin ko na dapat nang magulat ako sa boses sa likod ko.
"Coleen, tulungan na kita dyan."
"Uy, Tyrone! Ikaw lang pala yan. Ginulat mo ako ah." Natatawa kong sabi. "Uhm, sure kang okay lang sa'yo? Kanina mo pa kasi ako tinutulungan eh. Nakakahiya naman." Nakangiti kong sabi.
Sus kunwari ka pa Coleen gustong gusto mo naman talaga magpatulong.
"Sus, wala 'yun no!" Nginitian nya naman ako pabalik.
At dahil nga isang karton lang yun, sinamahan ko nalang sya papuntang storage room kasi alangan na iwan ko sya diba. Ang kapal naman ng mukha ko kung ganun. Hahaha.
"Uhh, Coleen... diba kaklase mo si Kenneth? Tropa ko yun eh." Biglang nagsalita si Tyrone habang naglalakad kami.
Nagulat ako sa tanong niya. Bakit? Anong meron kay Kenneth? Pagdating pa naman sa kahit anong topic na involved sya, sensitive ako. Kasi nga diba... "A-ah. Oh, bakit? Anong meron?"
"Ano masasabi mo sa kanya?"
"Ano... Uhm, okay naman sya. Masaya syang kasama, masaya syang kausap. Para ngang tuwing kausap ko sya, nalilimutan ko mga problema ko eh. Palabiro kasi yun, diba?" Natatawa kong sabi. "Let's say, sya yung happy pill ko." Nagkibit balikat ako.
Nginitian lang naman nya ako at tinanguan.
Nang makarating na kami sa loob ng storage room, nilapag niya kaagad ang karton doon pero nagulat ako na pagkalabas namin sa kwarto ay nakita ko si Kenneth na nakasandal sa pader katapat namin. Matalas ang tingin niya sakin pero mas matalas ang tingin niya kay Tyrone.
"I gotta go. Mukhang may kailangan pa yata kayong pag-usapan." Sabi ni Tyrone sa'kin sabay tingin kay Kenneth. Pag-uusapan? Kami? May pag-uusapan kami? WHAT?!
Kahit na di pa rin mag sink in sakin ang sinabi nya ay sumagot din agad ako. "Ah, sige. Thank you, Tyrone!" Tinanguan naman ako nito. Pero bago ito umalis ay binulungan nya si Kenneth at kahit mahina yun ay narinig ko pa rin ang sinabi nya.
"Just doing you a favor, bro." Sabi nya sabay smirk at tapik sa balikat nito.
Ngayon, kaming dalawa nalang ang natitira sa hallway at kahit crush ko sya, bigla ko syang tinalikuran dahil sa inis ko nang maalala ko yung ginawa niyang pangttrip sa akin kanina.
Paalis na talaga sana ako nun nang biglang hinawakan nya yung wrist ko at hinarap niya ako sa kanya.
Kahit na nagulat ako sa ginawa niya ay nagawa ko pa rin siyang sigawan. "Ano ba?!" Sabi ko habang nagpupumiglas ako sa kanya.
"Coleen."
Tinitigan ko lang sya ng masama. Kahit na feeling ko may nagsisiliparan sa tiyan ko nang banggitin nya ang pangalan ko.
"Wag... Huwag m-mo na ulit gawin yun, please?" Naiilang siya at hindi makatingin ng derecho sa mga mata ko.
"Ang alin?"
"Makipag-usap sa kanya." He paused. "O kahit sa kaninong lalaki." Biglang humina boses niya. "Bukod sakin. Gusto ko... ako lang."
"Pakialam mo ba?" Pagtataray ko. Di ko sya maintindihan! Anong "siya lang" pinagsasabi niya? Wala na akong karapatan makipag usap sa ibang lalaki, ganun? Di ko gets!!!!
"K-kasi..." Unti unting bumaba ang mga kamay nya mula sa wrist ko hanggang sa kamay ko. Naramdaman kong umangat ang dugo ko sa pisngi ko.
W-what the hell? Hinahawakan nya ba talaga ang kamay ko ngayon? Anong nangyayari?
Tinry kong pumiglas but instead na pakawalan niya, lalo niya lang hinigpitan ang hawak niya.
"A-ano na?" Tanong ko habang sinusubukang pumiglas.
Ngunit di ako sinasagot nito at nakatitig lang sakin, parang nag aalangan kung sasabihin ba niya ang dahilan o hindi.
"Fine. Ayaw mo sabihin? Aalis na'ko. I'm wasting my time here. Bitawan mo na--"
"KASI NAGSESELOS AKO!" Pagkasabi nya nyan ay tinitigan nya ako gamit ang mga mata nyang parang nasasaktan na ewan.
OMG?
"Bakit ka naman magseselos?" Tanong ko kahit na mukhang may clue na'ko. Hawak niya pa rin ang kamay ko and I didn't mind it nalang since kung babawiin ko ito, hihigpitan nya lang rin ang pagkahawak dito, which really hurts.
Hindi sya makasagot at nakatingin lang sa sahig na parang nahihiya. At ngayon ko lang nakita na naging ganito si Kenneth na mayabang at mataas ang tingin sa sarili. So not him, eh? Napangiti ako bigla.
"Ano na?" Still, no answer.
"Okay, ayaw mo talaga sumagot? Bitawan mo na 'ko, this is getting nowhere. Uuwi--" Hindi ko na natapos ang aking mga sasabihin ng bigla nya akong nilapit sa kanya at binitawan ang mga salitang talagang nakapagpatigil sakin.
"EH CRUSH NGA KASI KITA!"