GEORGE POV
Magandang gabi ito para saken medyo kinakabahan ako baka mamaya ngayon ko malalaman kung tanggap ba ako o hindi.
Paano kung sabihin ni Tatay . Kahit anong gawin ko hindi niya ako matatanggap kasi hindi ko siya mabibigyan ng apo .
" Hayst ! Bakit kasi hindi ako naging lalaki " bulong ko
Bababa na ako sa kotse ko ng mag ring ang phone ko .
" dad ? "
" Gusto ko lang magtanong bakit hindi ka napasok ha ! " pasigaw
" Arayyyy " sakit sa tenga ano ba naman tong ama ko dinaig pa si Mom mag bunganga
" Sumagot ka ? Sabi ng mga tauhan ko nandiyan ka sa hacienda at ano tong mga pinag gagawa mo sa buhay may naka kitang nagsasaka ka at nagsisibak at nagiigib namasada ka din ng jeep ano ba anak sabihin ng mga tao namumulubi na tayo" - Dad
" Ako nga kakausap diyan sa batang yan " - Mom
" Dad ..
Mom
Nasa sitwasyon akong may gusto akong patunayan sa sarili ko po" sabi ko sa kanilaBigla silang nanahimik sa kabilang linya .
" Bakit mo yun ginagawa anak ko kaya kami nagtatrabaho para sayo tapos makikita ka naming ganun napakasakit para saken " - Mom
Umiiyak na si Mom sa kabilang linya .
" Mom
Dad
Hindi ba kayo proud na kita niyo kahit mahirap yun nakayanan ko ganun pala yung hirap ng buhay miss ko na kayo " pati ako naiiyak na" Anak sabihin mo muna bakit mo yun nagawa " - Mom
" Ako nga kakausapin ko yang batang yan" - Dad
" Georgia pinag aalala mo kami ng mommy mo "-Dad
" Wag na po kayo mag alala saken maayos po ako at ngayon haharap po ako sa pamilya ng taong mahal ko para malaman kung anong resulta ng paghihirap ko kung ipagkakatiwala na ba nila ang anak nila saken " sabi ko
" Aww ang anak ko nagmamahal na ng totoo im so proud of you sweetheart" - Mom
" Balitaan mo kami anak " - Dad
" Opo dad iloveyou both "
" we love you too so much anak " - Mom
Inhale
ExhalePagbaba ko sa kotse ang tagal ko bago kumatok natatakot ako iba ngayon iba yung takot ko ngayon .
Kaya mo yan Georgia .
Toktoktok
" Oh hija tuloy nakahain na tayo nat maghapunan " - Nanay
Tatlo lang kami nasa dining table . Si Tatay iba ang aura maaliwalas hindi siya bad mood .
Baka nadiligin si Tatay kaya good mood isang utak ko natatawa kaso pinpigilan kong tumawa .
Baliw talaga ng utak ko daming naiisip
Boyset !" Kamusta na pala si Katelyn? "- Tatay
" Ahm... hindi naman po siya pinapabayaan ng mga kaibigan ko po dun lagi po nilang inaalalayan at kasama si Katelyn po" sagot ko parang kahit anong oras mabubulunan ako naiilang ako di ako makalunok ng pagkain .
" Mabuti naman ." - Tatay
Pagkatapos niyang magtanong para na naman may anghel sa gitna namin ang tahimik sobra hindi ako sanay
" Kumain ka ng mabuti at mag uusap tayo "- Tatay
Kain ako mabuti kasi last na kain ko na dito huhuhu jusme wag naman lord .
"Opo " subo lang ako ng subo para mukang ganado at sarap na sarap ako sa luto ni nanay pero ang totoo di ko na malasahan yung pagkain ko . 😢
Natapos na kami kumain pinahanda ni tatay ang lamesang maliit sa ilalim ng puno ng starapple .
Mga kuliglig at liwanag buwan ang gamit naming ilaw
Namimiss ko na mga kaibigan ko naalala ko mga chura nila nung first time nila dito masasaya at gang tenga ang ngiti .
" Maupo ka "- Tatay
"Opo" umupo ako at parang batang kawawa nakatungo ako
Tinagayan ako ni Tatay .
" Tatay ako na po tanggera ako na po bahala dito" sagot ko
" Hindi ayos lang " yung boses na yun kalmado at ramdam kong siya yung tatay na nakilala ko .
" alam mo kasi si Katelyn napaka buting bata nun . Laging inuuna kami bago sarili niya . Ni hindi ko narinig magreklamo yung batang yun ayaw naman kitang pahirapan pero ayaw ko ipagkatiwala anak ko ng basta baka hindi mo siya kayang protektahan sa oras ng kailangan ka niya . Oo hinamak ko ang pagkababae mo pero sa nakikita ko kaya mong gawin ang lahat para sa anak ko . Sapat na saken yun para pagkatiwalaan ka . ."sabay lagok ng alak
" tatay ...." naiiyak na din ako
"Ikaw ang kauna unahang nagtakang manligaw sa anak ko . Hindi kita tinatanggap dahil sa pera mo o dahil kayo nagpapaaral sa kanya tinatanggap kita dahil ramdam at nakikita kong mahal mo ang anak ko " pagsabi nun lagok ulit ng alak
" Hindi ko alam kung may relasyon na ba kayo o wala pero sana matanggap din ng magulang mo ayaw ko inaalipusta ang anak ko at minamata ng kahit na sino " - Tatay
" Hindi po ganun ang pamilya ko " sagot ko kay tatay
" Mabuti kung ganun " - tatay lagok ulit ng alak
" So tatay ibig sabihin po ba neto tinatanggap niyo na ako bilang kasintahan ng anak niyo po" paninigurado ko
" Oo kaya bumalik kana ng maynila at panigurado namimiss ka na nun at ang pag aaral mo napagiiwanan mo na kamusta mo na lang ako sa anak ko at alagaan mo siya protektahan at wag na wag mong sasaktan naiintindihan mo kundi ako at ang itak ko makakalaban mo " - Tatay
Ayy jusme napalunok ako sa sinabi niya langya baka mapatay ako ni tatay neto .
" Opo hindi ko po sasaktan at paluluhain ang anak niyo sa tuwa lang po " sabi ko
At diko napigilang yakapin si tatay sa tuwa saktong lumabas si nanay npayakap din ako sa kanya
" Nanay tanggap na ako ni Tatay para kay Katelyn " sabi ko
" Pinagkakatiwalaan ka namin ng tatay mo wag mong sirain yun " - Nanay
" Opo maraming salamat po "
At ilang oras kami naginom ni tatay para hindi ako tinamaan ng alak nandito ako sa kotse ko ang pauwi na . Bukas na bukas magpapabeauty rest ako at lahat marelax lang katawan ko yung chura ko laki ng initim ko nagka eyebag pati ako ayaw ko makita ako ni Kate ng ganto baka maturnoff un saken .
Lord thankyou sa lahat ahhh diko ineexpect to sobrng saya ko parang sasabog ako sa saya .
Ayyy wait itetext ko si Katelyn
To: Bebelabs Kate
See you tommorrow my queen 😍
Iloveyou & imissyou so muchWalang minuto nag vibrate phone ko .
mas mahal kita
Imissyou too
Maghihintay ako sayo bukas
Ingats My love 💖Ayyy !! MY LOVE daw
Puteekkkkk kinikilig ako 😍Kailangan ko ng make over . nagmuka akong baluga . Pero lahat ng hirap ko worth it .
So Thankyou God ☝
TO BE CONTINUED

BINABASA MO ANG
MY PERSONAL ALALAY (GXG) COMPLETED
Romance" sabing ayaw ko nga ng may buntot ng buntot saken " si Georgia " wala naman ako magagawa kundi sundin sila ayaw ko rin naman ng may binubuntutan noh !" sabi ng PA ni Georgia sa kanya kaasar naman tong buhay na to . Nasan na ang kalayaan ko diba ?