Chapter 52

66 1 0
                                    

What if?

Yongsun POV

"Grabe, ang lalakas ng loob ng mga batang ito noh? Ilan taon na ba yang mga yan?" nakakunot noo na sabi ni Hyejin habang nagiiscroll sa twitter app.

Natatawa namang sinagot siya pabalik ni Wheein. "Mukhang mga highschool ang mukha, pero college na sila."

Si Yongsun naman ay nakangisi lang habang tinitignan ulit ang reply ng mga kaibigan ni Ryujin sa twitter.

Nakita niya rin ang post ni Ryujin na magkasama ang dalawa ngayon sa bahay ni Byul.

Kahit may pangamba, ay isinawalang bahala iyon ni Yongsun. May tiwala siya kay Byul na walang mangyayari sakanila dahil nasa katinuan si Byul kapag kasama niya si Ryujin.

And thankfully, Byul is successfully making a progress. Kahit unti unti, alam ni Yongsun na tuluyan nang gagaling si Byul.

Basta mawala ang lahat ng sama ng loob at galit ni Byul sa puso niya. Alam niyang magiging normal na ulit ang takbo ng buhay ni Byul.

"So, unnie? Anong balak mo? May girlfriend pala yang si Byul." wika ni Wheein atsaka sumipsip sa straw ng kanyang frappe.

Nanlalaki matang tinignan lang siya ni Hyejin. "Hindi ko pwedeng pabayaan si Byul. Ni wala ngang may ibang alam ng sakit niya. Kahit yung girlfriend niya." nagaalalang tugon ni Yongsun.

Naglipat lang ng tingin ng dalawa atsaka tinignan ulit si Yongsun. "Hindi ka ba sinasaktan ni squammy, unnie?" nagtatakang tanong ni Hyejin.

Bigla namang naalala ni Yongsun na hindi nga rin pala alam nila Hyejin ang nangyayari sakanilang dalawa.

"Hindi. Hindi niya ko sinasaktan." she replied and gave them a confident smile.

"Hindi na." she added.

Inabot ng ilang seconds bago naman magets nung dalawa.

"So, sinaktan ka na pala niya dati?" mabilis na tanong ni Wheein.

Tumango lang si Yongsun at gumuhit naman sa mukha nung dalawa ang labis na pagkadismaya.

"Unnie naman eh! Alam mo namang ayaw na ayaw ka namin ni Wheein na nasasaktan. Ang saklap na nga ng nangyari sayo noon eh." nagaalalang wika ni Hyejin.

Napangiti naman si Yongsun dahil naiintindihan niyang nagaalala lang ang dalawa para sakanya. "Don't worry a lot, okay? Kung wala ako paano na si Byul? Wala naman ibang nakakaalam ng sakit niya kundi tayo lang. And slowly but surely, we're finally making a progress. Puno lang talaga ng hinanakit at galit yung tao. Katulad ko, may hindi magandang past. Pero kaya ko, nakayanan ko. Unlike Byul, hindi siya ganun katatag."

Huminga muna ng malalim si Wheein bago magsalita. "Basta, unnie. Kung ano man ang pinagdadaanan ni Byul. Maging malakas ka para sakanya ah? Alam kong kaya mo yan. At alam kong napamahal ka na din sakanya." ngumiti sakanya si Wheein.

Hyejin suddenly interrupted. Na parang may gumuguhit na tanong sa mukha. "So, you're only doing this, until gumaling si squammy?" she asked.

Wheein's mouth opened. She has a point.

"Why not? Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko kay Byul. Ayokong piliin ako ni Byul dahil alam niyang mahal ko siya. I'm totally doing this without expecting anything in return. Ganun naman talaga ang totoong pagmamahal diba?" She said it confidently even if it almost broke her.

She has to overcome it, she has to accept the truth na there is Ryujin, para mawala ang lahat ng insecurities at jealousy na nararamdaman niya everytime na pumapasok sa eksena ang girlfriend ni Byul.

But of course seeing Byul with Ryujin hurts, seeing them being together hurts. Pero hindi hangal si Yongsun para kunin ang lahat ng oras ni Byul. She knew, Byul has a girlfriend. At hindi siya iyon.

"Pero, what if. Unnie, you mention before, about sa sexual sadism disorder. Na masochist ka tapos sadist si Byul. So in conclusion, may nangyari na pala sainyong dalawa? And what if, yung mga desires lang pala ni Byul yung reason kung bakit siya nagiistay sayo hanggang ngayon?" Wheein cut her sentence before she could speak again.

Yongsun has a puzzled look on her face. May gustong ipunto itong si Wheein.

"What if, gumaling si Byul? Yung tuluyan na siyang gumaling? Then, hindi na niya hahanapin pa yung desires na yon tapos..." Her sentence was cut again, nang biglang nagsalita si Yongsun.

"Iiwan na niya ko?" Yongsun said straight.

That.. it finally broke her heart.

Paano nga ba pag natauhan na si Byul?

May possibility ba na tuluyan na siyang iwan ni Byul?

"Oo at napagtanto niyang mahal pa pala niya yung girlfriend niya. Handa ka ba don, unnie? Handa ka bang tanggapin yon?" malungkot na sambit ni Wheein.

Yongsun thought for a moment before answering.

Byul is someone... she's scared to lose.

And without any other thoughts, she replied. "Handa naman akong magpaubaya."

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon