☽ Kabanata XXII ☾

147 47 1
                                    

Kamay Ni Hesus

Pagkatapos ng noche buena namin ay umuwi na muna silang lahat sa mga bahay nila. Itutuloy namin ang pagdiriwang sa pasko sa paggising ko.

Kaya umakyat na ako sa itaas at sa bintana naman ay nakita ko ang buwan.

Ang Gasuklay na buwan.

Kaya agad ko siyang kinausap.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Ang daya mo naman eh.. Paano pa ako magrereklamo sayo ngayon eh nasa good mood ako? Daya talaga..

Pero salamat at nagpakita ka na sakin ngayon, wala na muna akong mga tanong sayo.. Gusto ko lang magkwento..

Kaso kailangan ko na matulog kaya sa susunod nalang ha? Salamat at binigyan mo ako ng panibagong araw para magdiwang ng pasko dito sa mundo, kasama ang mga taong mahal ko. Pakisabi nalang kela Mama na Merry Christmas ha? Tsaka miss na miss ko na sila, wag sila mag-alala dahil nag-iingat ako at ayos lang ako..
Ayos na ayos lang ako"

Sa totoo lang kahit anong saya ko ngayon, ay hindi matatabunan nito ang kalungkutan ko. Hindi ko lubos maisip na kailangan ko kalimutan ang lahat ng ito kapalit lang ng trono?

Ayokong umiyak ngayong araw dahil Pasko. Kaarawan ni Hesukristo.. hindi ako may birthday, kaya hindi na talaga ako magkukunwari ngayon.
Magiging masaya ako at susulutin ang bawat segundo, minuto, oras at araw na kasama ko pa sila..

Pagkagising ko naman ay tinignan ko agad yung cellphone ko.. May apat na text, mula kela Nathaniel, Nathaniel, Hannah at Jae. Parehas lang naman yung mga sinasabi nila, magkita-kita kami sa parke dahil pupunta kami sa mall. At ngayon hindi sila tatanggap ng excuses ko
.
Nag-ayos na agad ako at lumabas.. Sinubukan ko naman yayain si Lola Nonecita para sumama samin pero kami nalang daw.. Mag-saya kaming lahat magkakaibigan..

Pagkadating ko naman sa parke ay naghihintay na silang lahat doon.
"Naku Tora! Ano ilang dekada na kami dito? Tagal mo ahh" pagbungad na asar agad sakin ni Jae.

"Pasensya naman.. Tao lang. Niyaya ko kasi si Lola kaso ayaw niya, tayo nalang daw at mag-enjoy tayo" sagot ko naman. "Eh ano nga ba gagawin natin dito kuya? Sa mall nanaman? Di ba kayo nagsasawa ni Tora? Dyan lang kayo nagtatrabaho, di ba kayo nagsasawa?" tanong ni Natalie kaya kinurot ni Nathan yung ilong niya.

"Ikaw talaga Alie! Kahit kelan napaka-ingay mo.. Daming dada palagi. Kung ayaw mo edi sumama ka sa mga batang kapitbahay natin, mamasko kayo sa mga ninong at ninang niyo. Basta kami nila Toradel, manonood kami sa sinehan.. Libre ko" nagulat ni Natalie sa sinabi ni Nathan ay sinabi na nagbibiro lang siya.

"Libre mo? Kahit hindi na.. May extra naman akong pera kasi may duty ako kahapon sa coffee shop di ba?" tanong ko sa kaniya. "Ayaw mo ba nun Tora? Halika na wag na choosy.. Edi sagot mo nalang yung popcorn, di ba? Problem solved!" dagdag naman ni Hannah at natawa nalang kami lahat.

Sila Nathalie na ang pumili ng pelikula na papanoorin namin, at simula sa labas hanggang sa loob ng sinehan ay nakahawak lang si Nathan sa kamay ko. Napaka harot man kung iniisip ko na kinikilig ako pero hindi ko maitago eh..

Kahit may mga kasama ni Nathan ay pakiramdam ko nasa date kami. May mga listahan pa naman ako ng mga corniest date ideas hahaha.

Nagawa na namin yung sa Amusement park, kahit hindi talaga date yun ay parang ganun na nga.
Yung tungkol sa restaurant date, ay parang nagawa na din namin.. Lagi kasi kami magkasama kumain sa coffee shop. Tapos ngayon sinehan naman.. Kulang nalang ay yung manood sa concert.

Corny man para sakin ang mga date ideas na yun ay ngayon ko lang napatunayan.. Na walang corny basta kasama mo yung taong mahal mo.

Pagkatapos ng araw ng pasko ay kinabukasan naman ay niyaya nila ako bumalik ng mall. Ngayon ay mamimili na kami ng mga baon namin sa outing namin, mas lalo naman akong naexcite.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon