Prologue

25 2 0
                                    

"Sure ka na ba na aamin ka na ngayon?"

Padabog kong sinara yung pinto ng kwarto ko at umalis nalang. Wala naman akong ibang choice, ito na yung magandang timing. College na rin kami! Tska since elementary palang kami gusto ko na siya.

"Hay nako pinsan! Sa tingin mo ba may chance ka talaga kay Dew? Eh wala naman laging imik yon." untag ng pinsan kong si Sitti.

"Sanay na ko kay Dew. Pero mabait si Dew at matalino pa, hayaan mo na nga ko Sitti! Basta aamin ako ngayon. Bahala ka dyan!"

"Alam mo insan, puro nalang magagandang salita  lagi nagbibigay mo pag patungkol kay Dew. Inlove na inlove te? Eh paano kung may ibang gusto? At hindi ikaw?"

Napatitig ako sa pinsan ko, paano pag hindi nga ko gusto? Iniisip ko palang nasasaktan na ko. Ilang taon ko siyang gusto. 8 yrs ko siyang gusto. Pero kahit ganon pa man, ano laban ko kung may iba pala siyang gusto?

Hindi ko na din alam. Ang alam ko lang mas magandang umamin na ako. Wala namang mawawala, may chance man o wala okay lang. Ang inaalala ko lang, baka magka-ilangan kami kasi naman iisa lang circle of friends namin noong elementary. Palagi pa man din kaming may outing. Bahala na!

Direct message ba ako aamin? Sa messenger? Sulatan ko nalang kaya? Hmm, okay okay. Isusulat ko sa papel, tapos bubunot nalang ako.


DIRECT MESSAGE. Ang nabunot ko. Sa twitter ako aamin. Okay okay...

Wait, hindi ko pa talaga alam sasabihin ko. Mas maayos ata kung direct to the point na? Ahmm okay okay.

"Hi, Dew. Good day! Kumusta? Tagal na ulit natin di nagkita ah. Okay ba studies mo sa UP? Hmm, may sasabihin kasi ako sayo. Dew, gusto kita. Gustong gusto simula pa nung elementary tayo. Ahmm, okay lang ba? Anoo, kasi umamin ako kasi super tagal na. Hindi ko makuhang magkagusto sa iba. Sayo lang. Ang weird ba? Hindi ko alam eh... Sorry. "

Sent.

Kinakabahan ako. Kahit 1% chance lang. Atleast may chance. Hindi ko alam kung bakit ganito. Kinakabahan talaga ko. Ang tagal kong inantay to!

Seen.

Omg, nabasa nya na. Nabasa na niya!

Typing...

"I'm sorry, Riley. Hindi ko alam talaga irereply ko. Medyo nagulat talaga ko. Thank you sa pag appreciate sakin. Pero kasi... Hindi ko alam." - Dew

"Hahaha, okay lang. Ano, umamin lang ako. Para hindi na ko mahirapan pa hehe. Pero, may nagugustuhan ka ba ngayon?"

"Oo eh." - Dew

May nagugustuhan siyang iba. Riley, may nagugustuhan siyang iba. Itatak mo sa isip mo yan. May gusto siyang iba at hindi ikaw iyon.

Flash of Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon