21: Prayer
KUMAKAIN KAMI ni Brighty ngayon sa isang restaurant. As usual, libre na naman niya. Kakatapos lang ng recognition namin. Si Tita Rashana ang nagsabit ng medal ko kanina. Nauna siyang umuwi sa 'kin.
Tinitigan ko si Brighty. Ang ganda ng bawat pagsubo niya ng pagkain; para siyang nag-mo-model ng kinakain niya. Napakaganda kasi ng mahal ko. Maganda pa rin naman siya sa paningin ko kahit na wala siyang make-up. Mas gusto ko ang natural beauty.
Lumipat ang tingin ko sa mesa; nakapatong ang mga medal niya roon kasi nabibigatan siya sa leeg. Iba talaga 'to kasi ako, dalawa lang medal ko. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa mesa. Napatingin ako roon at umangat na ang tingin sa kanya. "Brighty, I love you," sabi niya. "Hindi ko kakayanin na mawawala ka."
"I love you rin," sagot ko. Nagsubo ako ng spaghetti na kinakain namin.
"S-Sana huwag kang magbago," umaasa niyang sabi. "Mali sana ang nararamdaman ko..." May binulong siya pero malinaw sa pandinig ko.
"Ang alin? Ano'ng nararamdaman mo?" na-cu-curious kong tanong. Napatingin siya sa 'kin at medyo nagulat dahil narinig ko ang sinabi niya.
"Nevermind. Sorry, nag-o-overthink lang ako," sabi na lang niya at ngumiti. Nagpatuloy siya sa pagkain.
Ano kaya 'yon? About kaya sa Christian thingy? Hay.
Umuwi na kami. Hinatid ako ni Brighty sa bahay bago siya tuluyang umuwi rin sa kanila. Si Brighty ay magbabakasyon sa isang probinsiya next week kasi mag-aasikaso rin siya ng clearance. Hindi na naman kami magkikita ng bakasyon pero thanks talaga sa technology.
Nagpasabi ako kay Tita Rashana na next week pa ako pupunta kay Lola dahil may aasikasuhin pa akong clearance niyan para makuha ang card. Miss na miss ko na si Lola pero nakakahiya naman kay Tita na pabalik-balik ako sa hospital at dito sa lugar namin. Tatapusin ko muna ang lahat.
Naglinis lang ako rito sa bahay. Pagkatapos no'n, pupunta ako sa plaza para makapag-FB. May free Facebook kasi ako ngayon. Sayang naman kung hindi ko gagamitin. Yayayain ko sana si Brighty kaso may gagawin daw sa bahay nila. Baka may inuutos ang parents niya sa kanya.
Naglakad ako papuntang plaza. Mas trip ko ngayon na mag-isa para makapag-isip-isip. Naghanap lang ako ng p'westo roon at naupo ako sa damuhan. Kinuha ko na ang cellphone ko; nag-i-i-scroll na 'ko sa newsfeed ng FB. Nakita ko ang mga posts na may kinalaman sa recognition na nangyari.
Yarianna Roque is with Carmiah Reesa Garrett and 2 others
Recognition Day S.Y. 2015-2016
To my parents, thank you for all your sacrifices and for supporting me. To my classmates, this is the fruit of our labor for this school year. To the one who's special in my heart, my best friend, thank you for being always there. You know who you are. ♥️
Roque, Yarianna
With Highest Honor
Best in all subjects(Pictures)
Ang two others ay ang parents lang niya. Hindi niya ni-tag ang ibang mga kaklase niya na kasama sa mga pictures na post niya. Naka-pic din ang maraming medals niya. Ang ganda ng pagkaka-arrange. Tinitigan ko ang picture naming dalawa. Para lang kaming mag-best friends. Hinawakan ko pa ang mukha ni Brighty sa picture namin.
Ang s'werte ko talaga sa kanya.
Mariam Ann Mediana is with Carmiah Reesa Garrett and 16 others
To God be all the glory. Today is our recognition day. Thank you for all who those supported me especially to my parents. 💕
Mediana, Mariam Ann
With High Honors
Best in Research, Science, Consumer Chemistry, English, and MAPEH
BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
SpiritualCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...