Genre: Lemony******
'Te!' Julia smiles as she was welcomed by her bestfriend into their house.
'O te!' Kathryn greets back with the same smile, giving her bestfriend a kiss on each cheek. 'Bigla bigla namang nag-text hindi man lang ako nakapaghanda ng kung anuman. Ang kalat kalat pa ng bahay o.'
Kathryn leads Julia into the living room, a playmat dumped with baby toys spread on one corner. On the other corner were two walkers.
'Mag-isa ka lang? San si Deej?'
'Ayun, binisita muna yung dalawang resto. Halika, upo ka. Wait lang ha. Kumain ka na ba? Manang. Manang Linda.'
Patakbong lumapit sa kanya ang matanda.
'Ma'am?' Magalang na tanong nito. 'Ay Ma'am Clara..' Magiliw nyang bati sa nakitang bisita.
'Kuhanan nyo naman po ng makakain si Mara. May lasagna po, pakiinit na lang.'
'Ma'am Mara?' Napakamot sa ulo ang matanda.
'Ay te, busog pa ko.' Nakatawang sabi ni Julia. 'Drinks na lang. Medyo malayo ang bnyahe ko e. Nauhaw ako.' Pagbibiro ni Julia. Ilang kanto lang ang layo ng bahay nila sa isa't isa at kayang kaya itong lakarin. 'San mga baby mo?'
'Nasa taas. Manang, pakuha na lang po ng juice. Nasa ref po.' Bilin ni Kathryn sa nalilito pa ring kasambahay.
'Nilito mo naman si Manang.' Kurot ni Julia sa kaibigan. 'Tulog mga baby mo?'
'Oo, pinabantayan ko muna kay Malen. Pinuyat ng tatay nila kaninang umaga e. Madaling araw na naghahagikhikan pa. Pero buti na lang mahilig magpuyat si Daniel. At least nightshift sya sa pag-aalaga.' Ngiti ni Kathryn.
Tumango si Julia. Pusturang pustura ito sa suot na sleeveless na blouse, flats at plantsadong pants. May kaunting kolorete rin ang mukha ng kaibigan.
Medyo nainggit si Kathryn. Matapos kasi nyang naipanganak ang kambal, parati na lang ang mga lumang kamiseta ng asawa ang suot nya dahil sa pagbbreastfeed nya. Mamamantsahan lang naman kasi kung ang mga magaganda at mamahaling bestida nya ang isusuot nya dahil sa paggagatas nya. Tila nahalata naman ni Julia ang kaunting lungkot sa mata ng kaibigan.
'Te...' Hampas ni Julia sa braso ni Kathryn. 'Ang saya siguro ng maraming junakis no?'
'Ano ba te. Nakakapagod. Imaginine mo, magte-thirty pa lang ako pero lima na agad ang anak ko?' Halakhak ni Kathryn.
'Kegaganda at keggwapo naman ng mga junakis mo.' Julia reminds Kathryn to which the latter proudly smiled at.
'Kayo ba ni Kuya Cocs? Hanggang dalawa na lang talaga? Hindi pa pwedeng sundan?'
'Naku te!'
Muling pumasok si Manang Linda sa living room at ibinaba sa center table ang tray na may pitsel ng orange juice at dalawang baso.
'Thank you Manang.' Matamis ang ngiti ni Kathryn sa matandang trabahante nila. 'San na nga tayo? Kay Kuya Cocs.' Lumapit sya sa table at ipinagsalin ng juice ang kaibigan.
'Busy pa ang lolo mo. Nag-extend pa Ang Probinsyano.' Halakhak ni Julia.
Todo bigay din ang tawa ni Kathryn sa biro ng kaibigan.
'Pero teka nga 'te. Bakit ba nung nag-text ka e parang napaka-urgent ng pagpunta mo dito sa bahay.'
Julia slides closer to where Kathryn sits and looks around the house.
'May ibabalik kasi ako.' Pabulong nitong sabi. 'Wala naman dito ngayon ang tatlong bata diba?' Mahina pa rin ang boses nito.
'Nasa school silang lahat.'
BINABASA MO ANG
Team Bernardo- Ford
Fiksi PenggemarA collection of one-shot stories of the beloved family.