"Anong s-selos? Jowa ba kita p-para magselos ako?" Nautal ako dahil titig na titig siya sa akin! I probably look like a jealous girlfriend sa kanya kahit hindi naman kami. I stared at him straight into his eyes.
"I don't know," He shrugged, leaning onto his chair. I sipped in my iced tea and looked at him for a second. Nahahalata na kaya niya? No Skye, wag ka muna umasa. I looked around the place thinking if someone I knew is here.
Napansin kong wala naman nakakakilala sa akin kaya nilabas ko muna ang cellphone ko at tinext si Ley dahil nga hindi ako nakapagpaalam sa kanya kanina at basta nalang ako umalis.
To: Ley's Chips
'Sorry Ley, something urgent came up.'
Itatago ko na sana ang phone ko ng magvibrate na naman ito. I looked at Zaiden and saw that he is texting someone, I guess??
From: Ley's Chips
'Okay sure, alam ko namang nagddate kayo ni Zaiden. Text mo nalang ako 'pag nakauwi ka na.'
To: Ley's Chips
'Lol what r u saying? Hindi ko siya kasama ngayon.'
Tumingin uli ako kay Zaiden kung nagtetext pa rin siya pero umiwas din kaagad ng tingin nang tumingin din ito sa akin. Phew! That was close.
From: Ley's Chips
'Weh talaga? Anong tawag mo ngayon? Tingin tingin din sa paligid 'pag may time.'
She's here?! Ano?
I looked around again trying to find her. Natagpuan ko naman siya sa labas ng fast food restaurant na nakatingin sa phone niya habang nangiti-ngiti. I scoffed when our eyes met.
From: Ley's Chips
'Hahaha! Don't worry, I won't tell anyone abt this.'
"Hey, you look tensed." Napalingon agad ako kay Zaiden nang magsalita ito. He held my hands above the table. He licked his lower lip and stared at me intently. Maliit lang ung table na inupuan naman kaya malapit lang kami sa isa't isa.
"It's nothing." Tumingin muna ako sa paligid habang ang kamay niya ay nasa ibabaw pa rin ng kamay ko. His hands felt warm, perfect for my shivering hands. Dumating na ang inorder namin kaya binitawan na rin niya ang kamay ko. We were eating when someone called Zaiden.
"Zaiden!" Sabay kaming lumingon sa taong tumawag sa kanya.
"Ikaw pala yan, pre!" Nagfist bump sila nang makalapit sa amin ang lalaki. Napatingin naman ang lalaki sa akin at may ibinulong kay Zaiden.
"Off limits, pre." Rinig kong bulong ni Zaiden.
Napasimangot si Zaiden habang ang kausap naman ay malakas na tumawa. Nagpakilala naman ito ng tumigil sa pagtawa.
"I'm Niko," Nakipagkamayan siya sa akin at tinanggap ko naman 'yon nang nakangiti. Zaiden coughed which made us look at him. "What?"
Nakiupo sa amin si Niko kaya nakipagkwentuhan na rin ako sa kanya. Lumipat si Zaiden ng upuan at tumabi sa akin. I must admit that Niko is friendly and talkative. Ang saya niya kausap. Na-entertain ako sa mga sinasabi niya habang si Zaiden naman-- hindi 'ata nakikinig?
"Alam mo ba? Nung bata pa kami ni Zaiden. Palagi 'yang naiyak kapag hindi niya kami nakikita tuwing naglalaro kami ng tagu-taguan." Niko said while laughing. Luhaan na ang kanyang mata habang ako naman ay natatawang tumingin kay Zaiden. He rolled his eyes and continued eating his food.
Natapos na kaming kumain at nagpaalam na rin si Niko dahil may bibilhin pa raw siya sa book store. Maglalakad na sana ako papunta sa kotse ko ngunit natandaan kong nakisabay nga lang pala ako kay Riley kanina.
"May susundo ba sa'yo?" He suddenly asked. Humarap ako sa kanya at nag-isip. Sayang pamasahe. May proyekto pa naman kami sa History namin. "Wala,"
Niyakag niya ako patungo sa kotse niya at sumakay na kami doon. Medyo madilim na pati kaya delikado na umuwi mag-isa lalo na at babae pa ako. Nagdrive na siya patungo sa condo ko. Nakatulog ako sa byahe kaya medyo inaantok pa ako ng makarating kami sa condo ko.
"We're here," He stopped the car and unbuckled my seatbelt. "Thank you for the ride," I smiled at him. "Anytime." He nodded. Bumaba na ako ng sasakyan at nagtungo sa condo.
Pagkapasok ko ay nilock ko muna ang pinto at inilapag ko sa couch ang bag ko. Sinimulan kong maghubad ng shirt at pants. Ako lang naman ang tao dito that's why I am free to do what I want. I started walking around my condo. Pumunta muna ako sa kusina at naghanap ng makakain. Kumuha ako ng bread at nutella.
Dumiretso naman ako sa living room upang manood ng k-drama sa laptop ko. Mayroon namang k-drama sa Netflix kaya doon nalang ako nanonood. Bumalik uli ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Nagsasalin palang ako ng tubig ng may kumatok sa pinto.
Sinilip ko kung sino ang kumatok at nakitang si Zaiden ang nasa labas. Binuksan ko ang pintuan. "Hey, yun-" He stopped talking when I opened the door. He suddenly turned his back on me. Napakunot noo ako. "Uh, your..." Napatingin ako sa suot ko.
"Shit!" Sinarado ko kaagad ang pinto nang matandaang hinubad ko nga pala ang damit ko kanina. Kinuha ko kaagad ang hinubad kong damit. Nagmamadali kong sinuot 'yon.
Oh no! This is freaking embarrassing!
I opened the door and he is still there waiting for me, his face showed shades of red. "Hey, your w-wallet." Nautal siya at binigay sa akin ang wallet ko. Nilabas ko nga pala 'ung wallet ko kanina hays. "Thanks" Tatalikod na sana siya para umalis ngunit pinigilan ko.
"Dinner?"
---
YOU ARE READING
Insomnia
Teen Fiction"I'm so glad that I have her, with her I'm at peace." - Skye, a girl who has sleeping problems (also known as insomnia) meets a guy who has the same sleeping disorder. They find it easier to sleep at ease when they are together. (ongoing)