Simula
"Heto na ang inyong pinakahihintay ngayong gabi!" Inayos ko ang aking tindig nang marinig ang anunsyong iyon. As usual, sleeveless vest lang ang suot ko kaya ipinapakita nito ang magandang hubog ng katawan ko. Isang fitted brown na pantalon, boots, at cowboy's hot.
"Magaling mangabayo, mabilis magpatakbo! Ika'y kaniyang lalatiguhin pero iyong hahanp-hanapin! Kapag iyong sinakyan ikaw ay talagang masasarapan! Kiro: The hottest, sexiest, and wildest cowboy of Sentro!"
Pagkatapos magsalita ng M.C ay dahan-dahan bumukas ang pulang telang namamagitan sa amin ng mga manonood. Nang tuluyan na akong lumitaw ay sumalubong sa akin ang malakas na palakpakan at mga hiyaw ng mga tao. Karamihan sa mga nanood ay mga beki. May mga babae at lalaki din naman pero kaunti lang.
Nang sandaling mamatay na ang puting ilaw ay nabuhay naman ang isang mabagal na tugtugin. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao nang mag-umpisa na akong sumayaw.
Gumiling ako na talagang nagpapahumaling sa kanila.
Iginiling ko ang aking katawan na para bang isang malakas na alon sa asul na karagatan. Mabagal at dahan-dahan. Pinaglakbay ko pa ang aking mga kamay sa aking magandang hubig na katawan. Mula sa matipunong dibdib, nagtitigasang abs, at ibinababa ko din ng bahagya ang pantalon para masilayan nila ang sexiest v-line.
"I love you, Kiro!"
"Ansarap mo, Kiro asawa ko!"
"Kantutin mo ako, babyboy!"
Napangisi na lamang ako sa kantsaw ng mga manonood. Talagang sinisigurado kong hindi masasayang ang oras at perang inilaan nila dito.
Halos mag-i-isang taon na din simula nang mag-umpisa ako dito sa gay bar. Ipinasok ako dito ng kaibigan kong si Luke. Noong una halos mandiri ako sa sarili ko. Hindi lang katawan ang puhunan ko dito, maging dignidad ko rin kapag may booking. Pero habang tumatagal ay nasasanay na rin ako. Inisip ko nalang ito para sa kapakanan ng pamilya ko.
Ang nanay kasi ay nasa ospital dahil sa sakit niyang leukemia. Kailangan namin ng sapat na pera para sa bone marrow transplant niya, at iba pang gastusin doon. Ako na rin ang nagpapa-aral sa mga kapatid ko. Ako na ang nagbabayad lahat ng bayarin. Bahay, tubig, kuryente, at kung anu-ano pa.
Sa madaling salita--ako ang bread-winner ng pamilya.
Pero hindi sapat ang trabahong ito para sa lahat ng iyon. Kaya kailangan kong makahanap ng isa pa. Hindi pa rin kasi sapat ang pera para sa transplant ni nanay.
Sa kalagitnaan ng aking pagsasayaw ay napahinto ako nang matamaan ang isang mata ng lalaking nakaupo sa may harapan kong lamesa sa ibaba. Nakatitig lang siya sa akin. Ewan, marami naman ang nakatingin sa akin dito, pero ang sa kaniya ang kakaiba. Talagang hindi mo mababasa kung anong ibig sabihin ng tingin niya.
Nanindig ang balahibo ko nang bigla siyang ngumisi at masasabi kong...anlakas ng dating niya doon.
Damn! Ano bang nangyayari ay bigla nalang akong nagkakaganito? Linawin ko lang, ah? Lalaki pa rin ako. Lalaking-lalaki.
Iniwas ko nalang ang tingin ko at ipinagpatuloy ang pagsasayaw.
--
"Oh,bakit hindi na naman maipinta ang mukha ni Pareng Kiro?" natatawang tanong ni Luke na nakaupo sa may harap ng salamin habang inaayusan ang sarili niya.
Umupo ako sa may tabi niya at inihilig ang ulo ko. "As usual, wala na naman..."
"Ganiyan talaga ang trabaho natin, pare. Parang sugal; minsan talo, minsan
panalo." sagot naman ng isa ko pang kaibigan na kalalabas ng banyo--si Kal.
BINABASA MO ANG
Curious Strangers
Storie d'amoreIto ang istroyang magpapatunay na lahat ng BAWAL ay MASARAP, at lahat ng SARAP ay may kalakip na paghihirap. They're not friends, they're not a lover. Because they are... Curious Strangers In A Collaboration Of: Howard Demillo ...