Kabanata 1

39 6 0
                                    

Kabanata 1

Next Time

Halos trenta minutos rin ang naging byahe namin bago makarating sa condominium niya. Nasa sala ako ngayon ay nakaupo sa may itim na sofa. Ang customer ko naman ay nasa banyo at naliligo.

Pinagmasdan ko nalang ang paligid para may magawa. Kulay krema ang kulay ng dingding, at may chandelier pa sa kisame. Tulad ng isang bahay, may kwarto ito, banyo, at napakagandang kusina. Dito naman sa sala ay may sofa na inuupuan ko ngayon, flatscreen T.V, at sa tabi nito ay iba't-ibang mga litarato.

Walang-wala ang bahay na inuupahan namin sa laki nito.

Tumayo ako at tinignan iyon isa-isa. May nakita akong isang litrato niya na nakasuot siya ng racer attire habang hawak ang dalawang trophy at sa may tabi niya ay isang motorsiklong pankarera. Drag racer pala siya, huh? Pare-parehas lang ang mga iyon, puro achievements niya lang sa kung saan-saan, pero nadako ang paningin ko sa pinahuling litrato. Ibang-iba ito. May kasama siyang isang magandang babae. Magkayakap sila habang naka-peace sign at nasa likuran nila ang Eiffel Tower.

"Sino 'to? Girlfriend ba niya ito?" tanong ko sa sarili ko.

Nag-umpisa na akong malito talaga. Kung girlfriend nga niya ito ay lalaki siya. At kung lalaki siya bakit niya ako dinala dito at makikipag-sex sa akin?

Pumutok lahat ng iniisip ko na parang bula nang marinig kong bumukas ang pinto ng banyo. Nilingon ko siya, at tulad ng inaasahan ay tuwalya lamang ang suot niya. Basang-basa pa ang buhok niya at tumutulo pa ang butil ng tubig sa kaniyang matipunong katawan.

Walang binabatbat ang katawan ko kaysa sa kaniya. Mas well-built kasi ang kaniya at mukhang madalas ito sa gym, samantalang ako ay paminsan-minsan lang.

Maging ang kutis ng balat niya ay napakaputi. Hindi tulad ng akin na kayumanggi. Pinoy na pinoy. Teka, bakit bigla ko nalang ikinumpara ang sarili ko sa kaniya?

"Ready?" tanong niya at mapaglarong ngumisi saka lumapit sa akin. Hindi na ako nakagalaw pa nang inilapat niya ang labi niya sa labi ko.

Marahas ang paghalik niya na talagang hindi ako nakawala. Dahan-dahan at 'di kalaunan ay pabilis ng pabilis na animo'y uhaw na uhaw siya. Ginantihan ko iyon. Ibinukaka ko ng bahagya ang aking bibig upang makapasok ang naglalagablab niyang dila. Nag-espadahan ang aming mga dila.

Damn! Nalalasahan ko pa ang anghang ng toothpaste dito.

Sa kalagitnaan ng halikan namin ay bumitiw ako. Akma pa niyang ilalapat ang labi niya pero ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ako pwedeng malasing sa mga halik niya. Kailangan ko munang malinawan ang mga bumabagabag sa isipan ko.

Ipinakita ko sa kaniya ang picture frame na hawak ko.

"Girlfriend mo ba 'to?" seryo
-song tanong ko.

"Yes." kaswal niyang sagot.

Kumunot ang noo ko. "So, straight ka? Hindi ka bakla?"

Humalakhak siya. "Yes, I am straight, Kiro. Is there a problem with that?"

Shit! Kung lalaki siya bakit siya nakipaghalikan sa akin, eh, lalaki din ako. Nakaramdam tuloy ako ng pandidiri.

"Yes, there is!" matigas kong sagot sa kaniya. "Lalaki din ako at hindi ako nag-e-entertain ng kapwa ko lalaki."

Inilagay ko sa glass table ang frame at tinalikuran siya. Pipihtihin ko na sana ang pintuan nang bigla niyang hinawakan ang braso ko.

Matalim ko siyang tinignan.

"Fuck off."

"No. I already pay for you and that means...you are only mine for tonight." sabi niya.

Curious StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon