Xavis

0 0 0
                                    

Nakatayo ang apat na mandirigma sa harap ng isang paskilan ng mga papel de trabajo. Sa mundo ng Kirya ay madalas makita ang pangyayaring ito. Mga iba ibang lahi ng nilalang na nagkakatagpo sa pa ngangailan ng kasamahan. Sa malapitan ay pansin na ang isa sa grupo ay apat ang paa. Isa syang centaur na babae. Kalahating katawan ay kabayo habang ang sa taas ay isan maputing babae na may pulang buhok na nakatali sa isang ponytail. Ang suot nyang itim na balat na battle armor na pang taas ay may simbolo ng kamay at mga linyang nag papahiwatig ng hangin ay napapakilalang isa siyang miyembro ng isang thief guild. Nakatingin sa kanya ang lalaking elf na naka angulo ang ulo na parang nagtataka. Kasing taas ng mala higanteng elf ang maliit para sa lahi nya na centaur.
"Paano kung kailangan mo umakyat sa gilid ng isang tore para magnakaw?" Tanong ng ubod ng tangkad at sing laki ng orc na elf.
"Sa hagdanan ako dumaraan." Sagot ng centaur na kinikilitis ang kulay abo na elf na azul napantalon lang suot. Malaki ang mga masel ng elf ngunit malaki rin ang tiyan. Marahil na dahilan na hindi nya suot ang katerno ng kayang kasuotan. May dala syang isang broadsword na sa itsura ay gawang tao.
"Akala ko pana ang gamit ng mga elf" puna ng centaur habang padyak ng isan paa niya sa lupa.
"Parati kong nababali."
"Interesado ba kayo sa misyon na ito" biglang bigkas ng malaking babae sa kanilang likod. Mataas ang boses nito na parang ibong tiririt. Sing lapad nya ang pinagsama na kaha ng dalawang nag uusap ngunit hindi kasing tankad. Siksik ng laman ang hubog ng kanyang katawan. Nilalaro ng kanyang daliri ang kanyang kulot na buhok habang nagsasalita.
"Ang nakasulat dito eh grupo ang hanap nila para sa isang rescue mission." Sumingit ang kamangging amazona sa pagitan nila at pinitas ang papel mula sa pagkasabit nito sa bilog na kahoy.
"Mga bandido lang naman ang kakalabanin. Pero may salamangka ang mga sandata nila. Ako si Bunny Estrella isang salamangkera ng Pulang Daan. Matutulungan ko kayo kung game kayo." Makikitang gulat ang mga nakarinig dahil wala sa itsura ni Bunny na isa syang magic user. Ang suot nyang bakal na salungsuso at balahibong loincloth ay nababagay mga barbaro ng bundok ng Tikminbora. Ngunit napansin nila ang manipis na kahoy nakatali sa kanyang malapad na braso. Isa itong wand nag mahika na may mga nakaukit na simbolo ng mahikang mataas.
Tumungo sila bilang pahayag ng kanila ng pagtanggap nag kanilang pagbuo ng bilang isang grupo.
"At sasama din ako" hayag ng ikaapat na nilalang na halos di nila nakita sa pagkakabalot nya ng mga anino.
"Ako ang paladin ng diyos ng katapusan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALAMAT NI XAVISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon