Chapter 42

5.6K 86 12
                                    

(ERIS)

We still have four days before we went back to California. Sa mga nakalipas na araw lagi kong iniisip si Jez, ang mga nangyari, at mga mangyayari pa ngayong nagkita na kami pagtakatapos ng anin na taon. 

Sa mga nakalipas ding araw ay lagi siyang nasa labas ng building kung saan kami tumutuloy. Alam kong gusto niyang lumapit pero dahil sa mga bodyguards na kinuha ni D, hindi niya magawa.

Pauwi na ako sa penthouse, galing ako sa lunching ng mga bagong collections ni Judy. Alas-dose na ng gabi, nag-alok pa si Judy na ihahatid ako pero tinanggihan ko na, pwede naman ako mag taxi, alam ko namang marami pang kumakausap sa kanyang mga model at designer.

Nang makarating sa building namin, binayaran ko na ang taxi at bumaba. Bigla akong nilamig dahil sa umihip na hangin, tube-dress pa naman ang suot ko. Hindi pa ako nakakapasok sa building ng may biglang humigit sa katawan ko kaya napatili ako pero tinakpan nito ang mga bibig ko. Sinubukan kong kumawa pero malakas siya. Oh God, baka kung anong gawing masama sa akin ng taong ito. Nakakatakot ito, naka jacket ng itim at naka cap din ng itim, hindi ko makita ang mukha niya.

Hinila niya ako hanggang sa gilid ng building, madalim na, hagip ng ilaw at tanging tanglaw lang na buwan ang nagsisilbing liwanag. Patuloy pa din ako sa pagpasag pero malakas siya. Matigas ang mga braso na nakahawak sa katawan ko.

"Stop! It's me!" sabi ng lalaki. Nanghina ako ng makilala ko kung kaninong boses iyon. Unti-unti ay niluwagan nito at hawak sa akin at tinanggal ang kamay sa bibig ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero iba na ito ngayon, kung kanina dahil sa kaba, ngayon hindi ko na alam. Nanlalabot ang tuhod ko ng pumihit ako paharap sa kanya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa kaya hindi ko na naramdamang pinipigil ko na pala ang hininga ko.

"Breath, it's just me, I just wanted to talk to you" banayad nitong wika. Nang nagtangka ulit akong kumawala ay itinulak niya ako pasandal sa pader. Sobrang lapit niya shit! Bakit ba kumakabog ng sobra ng dibdib ko? 

Sinubukan ko siyang itulak pero para itong bato. Malaki ang ang katawan nito at siguradong sa loob ng damit niya ang matitigas na abs, ang sarap sigurong hawa- FUCK! What the hell Eris!

Hindi ko siyang matignan dahil titig na titig ito sa sa akin. Iniharap ko sa kaliwa ang mukha ko bago nangsalita. Hindi ko na alam kung nasa tamang pag-iisip pa ako dahil nababaliw na ako sa bawat hagod nito sa likod ko. Nahihilo na din ako dahil panlalaki nitong pabango, he smell the same. 

"W-we don't have a-anything t-to talk about" matapang kong turan. Gusto ko ng umalis sa bisig niya, hindi ko na kaya ang unti-unting nabubuo sa loob ko.

Pumikit ito ng mariin bago tumingin sa akin gamit ang kanyang mapungay na mga mata, nagsusumamo ang mga ito. 

"I'm sorry Eris, patawarin mo ako mahal ko, sa pag-iwan ko sa inyo ni AJ. Sana mapatawad mo ako" isinubsob nito ang mukha sa leeg ko. Hindi na ako makagalaw, naghihina ang buong katawan ko. Lahat ng sakit na akala ko wala na, ngayong naguunahan na sa pagbalik.

"I'm sorry, g-ginawa ko lang naman iyon para sa a-anak natin, s-sinunod ko ang g-gusto ni Dad na i-iwan kayo kapalit ay i-ipapagamot niya si A-AJ" pumiyok pa ito. Nagtataas baba na ang balikat nito at nabasa na din ang balikat ko, He's crying FUCK! Ang mas nakakagulat ay nasasaktan ako lalo, hindi dahil sa mga ala-ala ng nakaraan kundi dahil umiiyak siya ngayon.

"He made me leaved you, he sent me abroad. I'm sorry, w-wala na akong ibang m-maisip na p-paraan. Kailangan ni AJ ng o-operasyon sa lalong madaling panahon, sobrang h-hirap Eris, dahil alam ko kahit anong pagtratrabaho ang gawin ko hindi ko maipapagamot ang anak natin. Ang s-sakit-sakit na kailangan ko kayong i-iwan para lang maisalba ang b-buhay ng anak natin. Kahit kailan hindi ko kayo ginustong iwan, hindi ako mapapagod na mahirapan basta para sa inyo, pero Eris, g-ginawa ko iyon para sa anak natin. Sana mapatawad mo a-ako" Sabi nito at humagulgol na. Hindi ko namalayang umaagos na din ang mga luha mula sa mata ko. Nasasaktan ako! Sa mga narinig ko mula sa kanya naramdaman ko kung gaano siya nahirapan. Pero tapos na, may kanya-kanya na kaming buhay ngayon. Siguro panahon na para bitawan na talaga ang nakaraan.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon