Prologue

2 0 0
                                    

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Masaya at natatakot. Kagat labing nakaupo ako sa bowl upang hintayin ang resulta, isang buwan na kong delay.

Kasabay ng aking pangiti ang isang butil ng luha na nahulog sa aking mata, two red lines positive...

Mabilis akong umakyat sa aking kwarto upang tawagan ang aking kasintahan upang ibalita sa kanya ang aking kalagayan.

Hello? Bakit ka napatawag? Nasa trabaho pa ko. May iritasyon sa bawat salitang kanyang binitawan.

May ibabalita ko sayo pero mas maganda kung sa personal na lang natin pag uusapan. Okay lang ba? Kinakabahan kong tanong sa kanya, nitong mga nakaraang araw kasi medyo masama ang timpla niya kapag magkausap kami madalas siyang galit at nakasigaw kapag nag uusap kami.

Sige, may sasabihin din ako sayo... Pinatayan niya ko ng tawag pagtapos sabihin ito.

Isinawalang bahala ko ang pag iiba niya ng ugali, siguro pagod lang siya sa trabaho kaya ganto siya makipagusap sa akin.

Mabilis akong nagbihis at pumunta sa bahay nila, wala si mama sa kusina at sala kaya di na ko nagpaalam, alam naman ni mama na kung wala ako sa bahay  ay nandoon ako sa bahay ng aking kasintahan.

Nakasimangot na sinalubong ako ng ina ng aking kasintahan, siguradong may hindi na naman sinunod ang mokong kaya medyo bad vibes ang mama niya ngayon.

"Hello po Tita, nandyan na po si Rome?" Magalang kong tanong sa ginang.

"Wala pa, dun mo na lang hintayin sa kwarto niya." Nginitian ko lang ito at tumuloy sa kwarto ni Rome.

Napabuntong hininga na lang ako ng makita ang itsura ng kwarto nito, walang pagbabago sobrang gulo nito. Sabagay dalawang linggo na din akong hindi pumupunta sa bahay na to. Nilinis ko na lang ang magulong kwarto ni Rome upang malibang at hindi ako mainip habang naghihintay sa kanya.

Gabi na ng dumating si Rome, hindi man lang niyo tinapunan ng tingin dahil busy ito sa kanyang cellphone.

"Anong sasabihin mo? Sabihin mo na dahil may pupuntahan pa ko." Iritadong tanong nito.

Huminga muna ako ng malalim at pinanatili ang ngiti, siguradong mawawala ang pagod nito dahil sa balitang sasabihin ko. Ang totoo niyan kahit nineteen palang ako gusto na ni Rome na magkaanak kami para daw may inspirasyon siya sa pagtratrabaho, kaya siguradong mas pagbubutihin niya ang paghahanap buhay.

"Rome, buntis ako." Nakangiting balita ko sa kanya.

Pero ang ngiti na yun ay napalitan ng lungkot dahil sa mga sinasabi niya.

"Ano? Hindi ka pwedeng mabuntis at paano ako nakakasigurado na anak ko yang dinadala mo? Minsan na lang tayo mag sex kaya impossible na mabuntis kita." Galit na sigaw nito.

"Ano bang sinasabi mo Rome. Anak mo to! Wala akong ibang lalaking nakatalik maliban sayo! Hanggang ngayon ba naman pinagduduhan mo pa din ako dahil sa isang kasalanan na hindi ko ginusto?! Dalawang taon ng nakalipas yun! Maniwala ka naman" hinawakan ko ang kamay niya at tinapat ito sa tyan kong wala pang umbok."Damhin mo, anak natin to, hindi mo ba nararamdaman!? Mahal na mahal kita Rome at hinding hindi ko na uulitin ang nagawa kong kasalanan noon!" Mangiyak ngiyak kong sagot sa kanya. Kumuyom ang kamao niya.

"Hindi ko matatanggap yan, hindi ako naniniwala na anak ko yang batang nasa tyan mo." Matalim itong tumitig sakin, "Ipalaglag mo ang bata na yan dahil hindi ko paninindigan yan." Napakalamig ng boses niya na nagpatigil ng mundo ko. Wala akong mabitawang salita, hindi kayang iproseso ng utak ko ang mga sinabi niya.

"Umalis ka na wala na tayong paguusapan dahil hindi ko kikilalanin yang batang nasa sinapupunan mo." Tinalikuran niya ko at iniwang nag iisa sa kwarto na yun.


May sinasabi ang ina ni Rome pero tila bingi ang aking mga tenga para dito.

Walang direksyon akong naglakad palabas ng bahay na yun, gustuhin ko mang umiyak pero walang luhang pumapatak sa aking mga mata.

Masyadong mabigat ang mga sinabi ni Rome na hindi kaya iproseso ng aking mga utak.

Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa harap ng malaking pintuan ng simbahan. Sa bawat paghakbang ng aking mga paa palapit sa altar ni Jesus ay kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

Tahimik akong umiyak sa loob ng simbahan. Paano na ang batang nasa sinapupunan ko? Kakayanin ko bang buhayin siya ng mag isa? Hindi pa ko tapos sa kolehiyo at paano ko sasabihin sa magulang ko na buntis ako at ang ama ng bata ay hindi papanindigan ito.

Ama, tulungan niyo ko. Alam kong madami akong kasalanan na nagawa sa buhay pero bakit tila ang aking anak ang magbabayad sa kasalanan ko? Hindi pa siya tuluyang nabubuo pero pinapatay na siya ng kanyang ama. Ano bang nagawa kong kasalanan? Siguro yun ay masyado kong minahal si Rome kahit alam kong meron ng nabago sa relasyon namin. Pero hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ito, ang itanggi ang batang nasa sinapupunan ko. Panginoon, sana gabayan niyo ko, bigyan niyo sana ng malawak na pag unawa ang aking mga magulang upang maunawan ang aking kalagayan.  Panginoon, salamat sa magandang regalo na ibinigay niyo sa akin pangako pagkaiingatan ko ito at mamahalin ng higit pa sa kahit anong pang meron sa mundo."

Simula ng araw na yun ay hindi ko na muling tinangkang kausapin pa si Rome, sigurado kong kakarmahin siya dahil sa pagtalikod sa responsibilidad bilang isang ama.

Ang relasyon namin ni Rome ay natapos sa ganitong sitwasyon pero sisiguraduhin kong mamahalin ko ang batang magsisilbing alaala ng panahong mahal niya pa ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The AcceptanceWhere stories live. Discover now