Hinayaan kong tumulo ang luha ko. Ilang taon kong hinintay na sabihin niya ang tatlong salitang iyon. Bakit ngayon wala ng epekto? Bakit wala na yung dapat na saya?
"Ako pa rin naman diba?" Tumulo na rin ang luha mula sa mata niya. Gusto ko mang punasan ang mga luhang iyon pero bawal. Hindi pwede. Hindi pwede dahil ayaw kong umasang magkakaroon pa ng kami.
"Ikaw pa rin pero hindi na pwede."
Pilit kong kinakalas ang mga kamay niyang mahigpit na hinahawakan ang kamay ko. Hindi ko maiwadang mainggit sa sarili ko ngayon. Gaano ko nga ba katagal hiniling na sana hawakan niya rin ako ng mahigpit? Na sana iparamdam niya na kaya niya akong ipaglaban?
"Mark, bitawan mo na ako."
"Bakit kita bibitawan kung pwede naman kitang i-paglaban?"
Umiling ako at saka sapilitang tinanggal ang kamay niya sa kamay ko, "kasi nung nagmamakaawa akong i-paglaban mo kung anong meron tayo, iniwan mo ako."
Huminga ako ng malalim bago siya tignan sa mga mata niya. Yung mga mata niyang una kong minahal sa kaniya na dati ay punong-puno ng saya.
"Handa na ako, kaya ko nang sumugal. Isa pang beses."
.... na ngayon wala nang sigla.
"Kahit anong sugal natin sa relasyon na ito. Matagal na tayong talo..."
Kaya ko sigurong sumugal kung may pinanghahawakan pa akong pagmamahal kaso wala na at ayaw kong lumaban sa gyerang kulang ang sandata. Ayaw kong dumating ang araw na siya naman ang maubos. I've been there.
"We'll only deepen the wounds by trying to fix our broken past. I don't want you to bleed just like what I did when I tried to hold on to that broken pieces."
Binigyan ko siya ng isang ngiti, yung ngiting una niyang nakita sakin.
"Malaya ka na. "
Saka ako tumalikod at nag lakad paalis. Unti-unting natatanggal ang ngiti at napapalitan ng mga hikbi.
Mahal ko siya pero ubos na ubos na ako. Mahal ko siya pero hindi ko na kayang lumaban. Mahal ko siya pero huli na. Kaya siguro wala na yung dapat saya nang sambitin niya ang tatlong salita, dahil mahal ko siya at alam kong kahit anong pilit namin ay lipas na ang panahon na dapat sinamaham niya akong i-pinaglaban kung anong meron kami.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.