Start writing your story
Nagsimula na akong magbanat ng buto. Alam kong mapapasabak na naman ako sa isang laban kaya kailangan ko munang magpainit.
Tagal ko ring hinintay ang pagkakataon na ito at heto na... Makapapasok na rin ako... Swabe ang pagpasok ko. Saktong-sakto. Kahit masikip, kahit mainit... Pinilit ko pa ring pumasok.
"Aray.. Dahan-dahan naman!"
'Di ko na pinansin kung masakit man ang nagawa ko... Mainit na nga saka masikip, ano bang aasahan mo?
Nawala na ang init nang magsimula nang gumalaw... Hindi na ako mapakali... Ako'y inip na inip! Gusto ko nang maabot ang nais kong marating! Ayan! Nararamdaman ko na! Nakikita ko na! Heto na!
"Manong, para na po sa tabi!"
Sa wakas! Nandito na ako. Makabibili na ako ng bago kong sapatos.

BINABASA MO ANG
HIRAYA AT PLUMA: Koleksyon ng mga Dagli at Maikling Kuwento
RastgeleAng nilalaman nito ay mga maiikling kuwento, dagli at iba pang uri ng panitikan na nabuo ko sa pagtira ko sa sarili at makamundo kong imahinasyon. Para sa mga taong naniniwala na hindi pa huli ang lahat. Para sa ating mga Pilipinong manunulat. Para...