"Hindi kita iiwan,Mananatili ako sa tabi mo kahit anong mangyari,PANGAKO."
Sabi nila Promise will always be a Promise.
Sabi rin nila kung nangako ka sa isang tao kailangan mong tuparin pero ang iba nagiging bato ang pangako nila.
Hay...Ako si Clarizah Beth Zavier.Hindi kami gaano kayaman nasa katamtaman lang kami.Hindi man ako nakapagtapos ng pag aaral kahit papaano may na pag aralan ako pero kailangan kong itigil ang pag aaral ko kaya hindi ko na muna tinuloy kasi kailangan kong tulungan ang pamilya ko lalo na ang kapatid ko.Nagtratrabaho rin ako sa isang Coffee shop kung saan ko nakilala si Zeus Yaegar.
Isang araw pumasok ako sa trabaho bilang waitress ng isang coffee shop.Kahit papaano ay madali naman ang aking trabaho.
"Beth kunin mo na order ng bagong dating."Sambit ni ateh Vanessa.
Huminga ako ng malalim bago lumapit sa lalaking bagong dating.
"Hi sir.Welcome to Sunflower Coffee Shop.May I know your order?"
Ngumiti ako ng tumingin ito saakin.
"You."
May binulong ito ngunit hindi ko narinig.
"Po?" Tanong ko.
Mahina siyang natawa bago sumagot.
"Mocha coffee and a slice of a chocolate cake."
Inilista ko naman ang mga sinabi niya.
"Your order will be here in a few minutes sir."
Nag nod lang siya bilang sagot.Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"By the way I'm Zeus Yaegar."
"Okay po."sambit ko sabay ngiti.
Pumunta na ako sa counter para ibigay ang order list ni Zeus kunno.
"Uy Beth."
Napatingin naman ako kay Vanessa at tinaasan ng kilay.
"Inferness Beth ah guwapo yung bagong dating na costumer at ang hot niya."At humagikgik pa siya.
"Ateh may boyfriend kana remember?Hahaha"
"Oo na pero crush ko na siya.Hahahaha."At tumulong na siya sa pag serve ng orders.
Loka loka talagah tong si ateh Vanessa sabagay kaya siya nagustuhan ni kuya Zach na boyfriend niya.
"Beth eto na ang order ng costumer mo"-kuya Wayne.
Kinuha ko naman na yung tray na inabot niya saakin na may laman ng order ni Zeus at nag lakad na ako papunta sa table niya.
"Here's your order sir one Mocha coffee and a slice of a chocolate cake.Enjoy!"
"Thank you."
Nag smile nalang ako at bumalik na sa counter para tumulong sa pag serve ng mga orders ng iba.
Ilang araw ang nakalipas lagi ko nalang nakikita si Zeus na tumatambay sa Coffee shop at laging ako ang kumukuha ng order niya kasi iilan lang kaming waitress sa coffee shop.Minsan pag kakaunti lang ang costumers namin ay nakikipag kuwentuhan siya saakin.Hindi ko rin makakaila na masaya at komportable siyang kausap.Minsan na rin niya akong trinitreat ng coffee.Di rin nag tagal ay naging mag kaibigan na kami.
Andito na ako ngayon sa coffee shop.Habang nag seserve ako ng orders ay napalingon ako sa pumasok ng entrance ng coffee shop at nakita ko si Zeus na pumasok ngunit hindi lang siya nag iisa may kasama siyang babae.
