Chapter I
Kanina pa ako nakatitig sa maliit na bintana ng eroplano. The plane will land any minute now. Blangko ang isip ko. Hindi ko rin alam ang iisipin ko. It was one hell of a year for me. Never kong inisip na pupunta ako ng Amerika para tumakas at makalimot pero wala na akong ibang matatakbuhan.
Narinig ko ang instructions to fasten our seatbelts. Pagkatapos ng mahigit fifteen hours, nakarating na kami.
Nagising si mommy tabi ko. "We're finally here, Francheska. It will be better here. I hope," ngumiti pa ito sa akin. Binigyan ko rin siya ng isang payak na ngiti.
Naghintay na ang buong pamilya ni ate Florence sa arrival area."Cheska! Mommy! Here!" sunud-sunod na sigaw ni ate. "Granny!" sigaw ng mga anak nitong sina Alex at Michelle. "We missed you Grandma," sabay nilang sabi habang sinasalubong ng yakap ang kanilang lola. "Oh, I also missed you, my angels!" wika ni Mommy sabay yakap sa dalawa.
"Cheska dear, how was your flight? Welcome to LA!" wika ng ate. Nakabuka na ang mga kamay nito para bigyan ako ng mahigpit na yakap. "It was long and tiring, ate," sagot ko. I hugged her back.
"Okay, let's get going guys. Mom and Cheska need to have some rest," putol ng brother-in-law ko na si kuya Uly.
It'll be a long ride. More than two hours din ang layo ng LA airport to San Diego. Tumingin lang muli ako nang blangko sa bintana.
Whya am I here anyway?
Isang aksidente. One freaking accident!
Masaya na akong naninirahan sa Pilipinas kasama ang ni kuya Francis. Kahit pa matagal nang naninirahan si ate sa Amerika, ni minsan ay hindi ko pinangarap na manirahan dito. Kahit pa sumunod si mommy matapos mamatay si daddy. Kuntento na kami ni kuya Francis sa isang beses isang taon na pagdalaw ni mommy at ang pamilya ni ate Florence sa Pilipinas.
Pero dahil lang sa isang malagim na aksidente, nabago ang lahat sa buhay ko. Namatay ang buong pamilya ni kuya sa pagkakabangga ng kanilang sinasakyang kotse sa isang ten-wheeler truck. Sa isang iglap nawala ang mabait at malambing kong hipag, ang dalawang magagandang pamangkin ko at ang pinakamamahal kong kuya. Dapat ay kasama ako sa lakad nila noong araw na iyon pero hindi ko alam kung bakit ako tinamad na sumama sa mga ito nang araw na iyon.
Umuwi si mommy para asikasuhin ang lahat. Matapos ang paglibing kila kuya, napagdesisyunan ng mommy ko na ipagbili ang lahat ng ari-arian ng pamilya at ni kuya. Gusto ni mommy na sumama na ako sa kanya dahil wala na rin naman akong kasama sa Pilipinas.
I had no other choice but to follow mom. This was going to be hard but since I don’t have any other choice, I really had to go with the flow. "You'll love it here, Cheska. I promise," putol ng ni ate sa pag-iisip ko.
"Of course, I will ate. I'm with you guys!" pilit na ngiti kong tugon dito.