Nasa malalim na pag iisip ang lahat pagkatapos ng rebelasyon sa mga problemang kinakaharap ng pamilya.
Habang ako ay nagpipigil ng inis sa aking silya. Bakit kami ang poprotektahan? Tss. Nakakalalaki naman tong misyon na to.I'm rooting for her. Nakuha niya ang stage 1 ko ng walang kahirap hirap. I'm really hoping for this to work.
After kong marinig lahat, wala na akong pakialam sa rule. Actually wala naman talaga akong paki dun, nagkataon lang na bago pa ako ipinanganak ay meron na yan. Tiningnan ko si Yzobelle at napangiti na lang.
"You're worth it"
Napatingin sakin lahat kaya binawi ko ang ngiti at nagkunwaring naguguluhan at nag iisip din. I excused myself para mag CR pero ang totoo ay nahihiya lang ako sakanya. Gay.
"Fuck!" Gigil kong pagalit sa sarili ko habang nakatingin sa salamin at naituro ko pa ang sarili ko dahil sa gulat, "b-bakit ang p-ula ko?!!!"
Para akong nakakita ng multo sa itsura ko pero kalaunan ay unti unti ng bumabalik ang ngisi ko dahil gantong ganto si Dos kapag nahuhuli ko siyang kausap si Scarlet.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Malakas ko nalang na tinawa ang nararamdaman ko ngayon.
Ito pala yung kilig. Tss. Kainis. Hehehehehe. Mamaya na nga lang ako lalabas, namumula pa yung leeg ko. Dammit. Pinilit kong sumeryoso dahil hindi mawawala to kung ipagpapatuloy ko tong kahihiyan sa banyo. This is so gay.
YZE's POV
Pagka alis na pagkaalis ni Wetmont ay biglang namula si Scarlet kaya hinawakan ko siya sa braso.
"Okay ka lang?" Tanong ko pero bigla nanaman siyang tumili. GHAD. Inhale, exhale.
"Ibig sabihin po ay may ikakasal?" Hindi na niya napigil ang emosyon at kumikinang na ang mga mata niya. Iniimagine niya na ang wedding gown. Jeez.
"Hintayin lang natin si Bossing sweetness." Malambing namang kuha ng pansin niya ni Tonton. Panigurado namang alam na ni Tanda at tito ang tungkol sakanila. Lampungan pa more.
Ewan ko ba pero ang ganda nilang tingnan na magkasama kahit nakakairita ang pagiging mga isip bata.
Nandito na kami sa office nila at nandito na din si Mon, nasa iisang mahabang sofa kaming apat at nasa single naman sila Tanda.
"Wala akong pakialam sa kahit na ano. Wala pa rin akong naipapalpak na mission at yun lang ang nagpapanatili sakin dito kasama kayo. I just want you to know na wala pa rin akong tiwala sainyo. This is just a plain business to me."
"Sino ka para manguna sa usapang ito?" Hamon sakin ng katabi ko.
"I should be the one asking that. Stupid." Nag igting ang panga niya. Nagdiwang naman ako dahil nakaganti ako sa ginawa niyang halik kanina.
"Kayo ang gumambala samin. Nakakatawa lang na sa mga babae pa kayo hihingi ng proteksyon." Pang aasar ko pa sakanya.
"Kaya kong proteksyonan ang angkan namin. Kung ayaw mo ay wala namang pumipilit sayo." Matatalim na ang tingin niya sakin habang sinasabi yan. Aww goodbye ego.
"Okay." Mapang asar na sagot ko sabay tutok ng baril sakanya.
"Damn!" Tanging nasagot niya nalang dah hindi niya na nagawang pumorma.
Hinawakan si Scarlet ang kamay kong may hawak ng baril pero humagalpak lang ng tawa si Tonton.
"Yze, calm down." Panunuyo sakin ni tito.
Dapat pala ay lagi akong galit para Yze ang lagi nilang itatawag sakin. Tss.
"Please have the floor now Thomas, bago tayo magbasagan ng bungo dito."
BINABASA MO ANG
Misanthrope: When a Badass Breaks the Rule (S L O W U P D A T E)
ActionMISANTHROPE. Being at the top of the hierarchy means you should live with the principle of being one. Rule: TRUST NO ONE. But what if, a mission made the most important person of the Castellano's clan, the first in command, felt something strange y...