Kung kelan wala na sya, saka ko lang naisip ang halaga nya
Kung kelan wala na sya saka ko lang naisip kung gaano ko sya kamahal
Kung kelan hindi ko na sya nakikita saka ako umiiyak sa isang tabi humihikbi na tila hindi ako mapigilan sa pagluha
Sa aking pagluha, walang nang-aamo...
Wala na...
Wala na...
Wala na talaga...
Cheska's POV
Isa akong tipo ng teenager na party girl, wala sa matinong oras umuwi, walang respeto sa magulang, lahat ng gusto ko nasusunod dagdag niyo pa dito ang pagiging sugarol ko at madaming nagiging boyfriend.
Yan ako, si Cheska Santos 15 years old kulang sa kalinga ng magulang naghahanap ng kasagutan kung bakit sa lahat ng pamilya dito pa ako napunta, ang ina ko inborn na hindi nakakarinig o nakakapag-salita ang ama ko naman ayon sumama sa ibang babae.. Bakit ganito ang buhay ko? Yan ang madalas kong tanong sa aking sarili..
Habang papataas ako sa hagdanan ng aking silid, may isang babaeng sumenyas sa akin. Ang aking mama
Sumenyas sya sa akin na ang ibig sabihin ay 'anak kumain ka na ba? Ipaghahanda kita gusto mo ba?'
Ako naman, "Ayokong kumain, kasabay ng ina kong bingi na pipi pa!" galit kong sabi at nilagabang ang pinto. Kahit bingi at pipi sya naiintindihan nya ang tao base sa ekspresyon ng mukha
Maya-maya pa'y may nagbukas ng pinto ko.. Ah ang mama ko pala
Sinenyasan nya ako 'anak, kain na alam ko na hindi ka pa kumakain, simula nung umalis ka!'
"Ano ba? Bingi ka ba? Ay hindi ka nga pala nakakarinig, sinabi ko ng ayokong kumain! Walang kwentang ina!? Bwisit!" yan ang sabi ko at itinapon ko yung pagkaing hinain nya.
Akmang sasampalin nya ko, pero pinigilan nya ang kanyang sarili at lumuha na lamang.
"Ano? Di ba sasampalin mo ko? Ituloy mo! Ituloy mo nga sabi eh!?" at iniyugyog ko pa sya. Wala na syang nagawa at umalis na lamang.
Ang tanging pananaw ko sa mundo ay malaking malas, puro kamalasan ang dumating sa akin! Walang kwentang buhay! Bwisit. Saka lang ako nabubuhayan pag andyan na ang mga barkada ko at boyfriend kong si Gray, pakiramdam ko sila lang ang nagbibigay importansya sa akin wala ng iba.
Narinig kong may kumatok sa punto sa may sala.. Sumilip ako sa aking bintana.. Nakita ko ang aking boyfriend na si Gray, mayaman sya, may itsura at higit sa lahat galante naibibigay nya lahat ng kagustuhan ko laptop, cellphones, tablet at madami pang iba. Hindi kagaya ng ina ko pipi't bingi na nga, ang tanging trabaho pa eh hamak na katulong at labandera lamang.
Bumaba ako at pinapasok ko sya sa aking kwarto...
"Dito mo na lang ako hintayin" sabay halik sa pisngi nito.
"Ah sige, walang problema" tugon ni Gray.
Naligo muna ako... Nag-lipstick... Nag-poundation... Lahat ng maari kong ilagay sa aking katawan ay nilagay ko na... May pupuntahan kase kami ni Gray monthsarry namin ngayon.
Pagkalabas ko ng pinto, "Oh babe, tayo na" sabay higit ko sa kanya pababa.
Dire-diretso kaming umalis na parang wala ang aking ina. Nakita kong nagpaalam sya pero wala akong pakealam sa kanya.
Tinanung ako ni Gray bago sumakay ng kotse nya "Hindi ka na magpapaalam sa kanya?" sabay turo sa ina ko na nakasilip sa bintana.
"Wag na, bingi naman at hindi nakakapagsalita yan!" sagot ko kay Gray
BINABASA MO ANG
A Mother's Love and Sacrifices (ONE SHOT STORY)
Short StoryKung kelan wala na sya, saka ko lang naisip ang halaga nya Kung kelan wala na sya saka ko lang naisip kung gaano ko sya kamahal Kung kelan hindi ko na sya nakikita saka ako umiiyak sa isang tabi humihikbi na tila hindi ako mapigilan sa pagluha Sa ak...