Balikan natin yung dati, nung una kitang nakita sa may camping site na nagiisa sa iyong tent habang umuulan, wala akong ibang naisip non kundi ang lapitan ka at kausapin ka.
"Hi miss bat nagiisa ka lang po dito? nasan ang mga kasama mo?"
"Nauna na sila"
Halatang halata sakanya na nilalamig na siya kaya dali dali akong pumunta saaking tent para kumuha ng kumot at ibigay sakanya
"Miss kunin mo po itong kumot oh"
"Ay jusko nagabala kapa, okay lang ako"
"Nilalamig kana po oh, kailangan mo yan"
At sa gabing din yon kami unang nakapagyakap ng di namin inaasahan.
"Miss, umaga na, gumising kana po jan"
"Ah sige eto na gigising na, kailangan ko na rin kasing magligpit ng mga gamit eh, kailangan ko ng umuwi"
"Sige po, tutulungan nalang kita"
At ayon na nga, kailangan na niyang umuwi kasi isang gabi lang talaga siya doon, di na siya pwedeng tumagal doon baka kasi hanapin na siya ng kanyang mga magulang.
"Miss, pwede po bang magpicture tayong dalawa? para naman may litrato tayo ng magkasama"
"Sure"
*nagpicture
"Maraming salamat po"
Hindi niya alam na may nararamdaman na akong pagmamahal para sakanya.
"Miss, kailan ka po ba ulit babalik dito?"
"Basta babalik ako dito, dapat andito kapa ha"
"Ah sige po maraming salamat, paalam na po"
Ilang taon ang nakalipas...
Pumunta ulit ako sa lugar kung saan kami unang nagkita, nagbabakasakali ako na baka andoon siya ulit, pero pagkadating ko don, wala akong nakita na kahit na sino.
"Kailan kaya ulit siya magbabalik dito"
"Aantayin kita hanggang sa makabalik ka"
Pabalik-balik pa din ako sa lugar na yon, baka kasi andon ulit siya.
Hanggang sa yung lugar na yon ginawa ng park, wala na yung camping site doon, dumami na rin ang taong pumupunta doon.
Pumunta ako doon ng gabi, nagbakasakali ulit ako na baka andoon ka pero wala talaga.
"Hindi ka pwedeng magstay dito"
sabi ng isang pulis"Meron lang po akong hinihintay na bumalik, ilang taon na po kasi ang nakalipas di pa siya nagbabalik"
Biglang umulan ng malakas pero andoon pa din ako sa lugar na yon, di ako umalis, gustong gusto na talaga kitang makita.
Ilang araw ang inabot ko sa lugar na yon, di ko iniwanan yung lugar na yon kasi doon tayo unang nagkita at nagkaroon ng pagmamahalan sa isa't isa.
I'm The Man Who Can't Be Moved.
𝐓𝐡𝐚𝐧𝐤𝐲𝐨𝐮 𝐟𝐨𝐫 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠. 𝐈 𝐡𝐨𝐩𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐢𝐭, 𝐩𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐦𝐞, 𝐈 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐦𝐚𝐤𝐞 𝐦𝐨𝐫𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮.
BINABASA MO ANG
The Man Who Can't Be Moved
Short StoryDISCLAIMER This is a work of fiction and only a product of author's imagination. THIS IS A ONE SHOT STORY.