Kasalukuyan siyang nasa coffee shop upang pamahalaan ang mga gawain sa araw na iyon. Malapit na matapos ang kanyang shop at konting linis nalang ay maglalagay na sila nang mga gamit dito. Nakita niyang umilaw ang kanyang smartphone at may isang message siya galing kay Adam.
From: AA Adam
Last meeting at 3 PM then be ready by 5 PM. We're going out. Love you.
Agad siyang napangiti sa pinadalang mensahe, mukhang sa labas sila kakain mamaya. Ilang saglit pa ay tapos na ang mga tauhan sa paglinis sa loob nang kusina. She noted to buy plants kahit artificial plants lang. Sinarado na niya ang shop at sumakay sa sasakyan. Maliligo lang siya at magbibihis, may isang oras pa naman siya para mag prepare.
Umiinom siya nang tubig sa kusina nang may yumapos sa kanyang likod. Tinapos niya muna ang iniinom saka bumaling dito "Are you done?" tanong nito at nakayapos pa rin sa kanya. Tumango lamang siya. "Let's go, then. Greg and Cindy are waiting," kasama pala nila ang dalawa.
Sabay silang lumabas nang bahay. Magte-text lang siya sa kanyang mommy na hindi siya maghahapunan sa bahay. Nasa daan na sila papuntang Lobster Shack. Isa iyon sa mga paborito nilang restaurant na magkaibigan. Mahilig kasi sila sa seafoods. Huling kain nila doon ay noong birthday ni Greg na naging despidida na rin nila.
"How's your day, love?" baling niya rito at saka kinukulikot ang stereo nito.
"Just fine. Malapit nang matapos ang project. Naging sentimental na nga si Mr. Felipe dahil last project na niya iyon." She heard Adam's mentor and direct head manager was retiring. Ang last proyekto na sinasabi nito ay iyong new and renovated overpass sa metro.
"He's still young para mag retire, though." Sabi niya rito at dahil wala siyang mahanap na gustong kanta. Kinuha niyang ang smartphone and connected it to Bluetooth. She picked a chill song.
"Tama na daw ang serbisyo niya sa kompanya at gusto niya naman tutukan ang kanyang mga apo." Tumango siya. Sa bagay dapat rin na pamilya naman nito ang asikasuhin dahil hindi na ito bumabata.
"How about yours, Babe?" nakangiting baling nito sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapangiti na rin. Small and simple talks like this can still make her heart leap.
"Konting linis nalang and good to go na," saka niya sinabi dito ang mga artificial plants na gusto niyang bilhin. He listened patiently and their talk about it continued until they arrived at the restaurant. Wala pa ang mag-asawa nang dumating sila.
Medyo jammed pack ang lugar na iyon dahil byernes nang gabi. Ilang minuto pa ay dumating na ang mag-asawa. Nakangiti pa ang mga ito. She wondered how it feels to sleep and wake up beside your man. Sa tingin niya masaya iyon.
There are times Adam will sleep beside here ngunit yun ay kung wala ang kanyang magulang. Pumupuslit pa silang dalawa. Hindi niya maiwasan ang mapangiti sa kabalastugan nang nobyo.
"Sorry we're late. Medyo traffic pala." Bungad ni Adam na naka puting t shirt at maong na pantalon. Mas matangkad ito kaysa kay Adam. Though, both men are tall and hunk.
"Yeah, it's Friday night. How's your stay so far?" tanong nang kanyang nobyo sa mag-asawa
"Okay lang pare. Itong si Cindy madaling araw na nakatulog." Napakamot sa ulo ang babae saka siya hinagkan sa pisngi at tumabi sa akin. Walang nagawa si Adam kungdi ang umupo katabi si Greg.
"Hindi talaga ako nakakatulog agad kapag bago na naman ang lugar." Sabi nito ilang sandali pa ay isa-isa silang nag order nang kakainin. Nakita niyang nilagyan nang apron ni Greg ang asawa nito at saka pinatalikod at inayos ang nasabit na buhok nito.
BINABASA MO ANG
Take me in your arms, Love
RomanceWhat happened now, where did it go? We used to be so perfect together, we used to be the happiest couple alive but what happened? After 5 years, Adam and Divine met again. Adam is feeling mixed of emotion while Divine's face are void and dull. Doe...