Since ako nga ang mauunang kumanta, ang ginawa ni Derron, imbis na mag stay sya sa stage ay umikot sya sa mga tao na nanonood. Nung una una ay kinabahan pa rin ako, pero dahil naririnig ko ang hiyawan ng mga audience, at ang mga boses nila na nakikisabay sa akin, unti-unting nawala kaba ko
"Our next song, is dedicated naman sa mga taong......MAY MAHAL AT HINIHILING NA MAKASAMA ITO KAHIT SANDALI LANG!"
Dahil sa sinabi kong iyon ay naghiyawan ang mga tao ulit
"Nananaket talaga kayo noh!"
"Walang personalan, 3rd year band!"
Napahagikhik naman ako sa mic dahil sa mga kumento nila, at mas lalong umingay
"Shit! Bakit ang ganda pa rin ng tawa mo?!"
Out of nowhere ay nakita kong nagmamadaling umkayat si Derron sa stage. Agad syang pumwesto sa tapat ng mic nya, habang ako naman ay bumaba para makipag interact sa mga tao
"Ok, lets start!"
Pagkasabi nya non ay nag patugtog na sila. Since magkasunod na kanta, ay si Derron ang kakanta, naisipan kong pagkatapos ko makihalu-bilo sa madla, ay pumunta kayla kuya. Mabuti na nga lang at nasa malapit sila ng barrier kaya makakasama ko sila
Habang kumakanta si Derron, at habang pinagmamasdan ko sya muli dito sa kinaroroonan ko, hindi ko talaga maiwasan na humanga sa kanya
"Cous!"
Napabaling ako sa gilid ko ng marinig ko boses ni Kisha. Agad akong lumapit sa kanila, pero dahil may barrier hindi ganon kalapit nga lang
"You did great! Yun pala ang kinakabahan!" Malakas na sabi nya sa akin
Nilingon ako ni kuya, "I'm proud of you"
Hindi ko namalayan at natapos na pala si Derron sa pagkanta ng Lay Me Down. Since third song na sya at nasa medyo malayo ako napunta, unti-unti akong lumapit sa stage
"This song is dedicated to my future girl! I hope makuha mo ang mensahe nitong song, although mukhang alam mo naman na. I know masyadong mabilis, but I already love you wifey"
Dahil sa sinabi ni Derron, nagkaroon ng samut saring mga bulungan sa gilid
"Sino kaya?"
"Gosh! Napakaswerte nya!"
"I salute you pare!"
Oo nga, ang swerte nung babae. Nagustuhan sya or should I say, minahal sya nung taong mahal ko
"Dami pang gustong sabihin"
First line palang pero ang ingay na ng mga tao. Asaran sa magkabilang pwesto
Ako naman ah tahimik na nag lalakad papalapit ng stage. Hanggang first chorus lang ang kakantahin ng third at fourth song, yun ang sinabi ni dean sa amin
"Pag nilahad ang damdamin
Sana di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana di magbago ang pagtingin"Sakto pagkatapos nya kantahin yun ay nakarating ako sa paanan ng stage. Inilahad naman nya ang kamay nya para tulungan ako. Tatanggapin ko sana nung may maalala ako
Baka mag selos yung taong mahal nya pag nakita nya ito. For sure nandito sya ngayon
Nawala ata ako sa sarili at namalayan ko nalang na hinatak ako ni Derron papaakyat ng stage
"Thank you everyone, and I will now give the spotlight to Kee An" anunsyo ni Derron at binalingan ako saka ako nginitian
Huminga ako ng malalim bago nag salita sa mic, "Kung ang Pagtingin ng Ben&Ben ay para sa mga taong gusto ng umamin. Ang Mahal na Mahal naman ni Sam Conception ay para naman sa nga taong hindi na kakayanin pa, pag mawala ang mahal nya!"
BINABASA MO ANG
Crazy Enough To Love You
Teen FictionKee An Leonda Side story ng Ang Larong Sinimulan Natin