Broken Wings

340 17 6
  • Dedicated kay Janmae Eustaquio
                                    

Ako si Alison. Isang simpleng babae na nag-aaral sa Maria concepcion Cruz High School.

Meron akong bestfriend, si Chito. Sa bawat araw, lagi kaming magkasama at nagdadamayan sa mga problema.

Dumating ang araw na pinakahihintay namin ni Chito, ang JS Prom. Naalala ko ang lagi nyang sinasabi, "Ikaw ang kauna-unahang babae na isasayaw ko. Maiinggit ang lahat sa ating dalawa."

Napangiti ako at napaisip, ano kayang itsura ni Chito sa araw na iyon ? Gwapo siguro ang bestfriend ko. 

Sinundo nya ako nang gabing iyon. Naka-kotse pang pumarada sa harap ng bahay namin. 

Nagulat ako sa pagkakita sa kanya. Ibang-iba ang dating nya ng gabing iyon. 

Nainlove ako sa bestfriend ko ..

Sumakay kami sa kotse nya, akay-akay nya ako. Lihim akong napangiti.

Sa kalagitnaan ng biyahe, biglang nahinto ang kotse namin.

Alison:  Anong nangyari Chito ?

Chito:  Mukhang nasiraan ata tayo.

Alison:  Edi ipaayos naten.

Chito:  Yun na nga ang problema Best eh.

Alison:  Ha ?! Baket ?!

Chito:  Dun pa sa bayan ang pagawaan at pa-gasolinahan.

Alison:  Problema nga.

Chito:  Wala tayong ibang magagawa kundi ang maghintay ng dadaan.

Naghintay kami, sobrang tagal. At nang may nagdaan na, agad kaming nakisakay upang makaabot sa JS Prom.

Ngunit pagdating namin, wala nang tao. Tapos na ang JS Prom.

Hinawakan ni Chito ang kamay ko at sinabing "JS Prom lang ang natapos, Best. Pero tayo, pwede pa rin nating ituloy to. Halika, sumayaw tayo."

Nawala ang lungkot sa aking mukha at muling napangiti.

Natapos ang gabing iyon nang kami lang ni Chito ang magkasama. Doon ko sya simulang minahal. Minahal ko ang bestfriend ko mula nang gabing iyon .. Palihim.

Hanggang isang araw ..

Lumapit sya sa 'ken at may iniabot na sulat. "Best, mamaya mo na yan basahin. Basta hihintayin kita mamayang 5:00 pm. Nakasulat dyan kung saan tayo magkikita." Pagkasabi ay agad syang umalis.

Nang sa biglang pag-ring ng cellphone ko.

Principal:  Alison, magpunta ka dito ngayon sa office, bilisan mo.

Alison:  Opo, Mam.

Pagdating sa office ..

Alison:  Mam, bakit po ?

Principal:  Kunin mo tong mga test papers. Kelangang matapos mong lahat yan before 5:00.

Alison:  Opo, Mam.

4:30 na natapos ni Alison ang mga test papers. Nagmadali syang magpunta sa office para i-submit iyon.

4:35 na. Tinignan ni Alison ang bag para kunin ang sulat na ibinigay ni Chito. Ngunit hindi nya ito makita. Bumalik sya sa library dahil baka doon nya naiwan, ngunit wala rin doon. Nagpunta rin sya sa classroom, wala pa rin. Hindi na nya nakita pa ang sulat.

4:50 na. Kinuha nalang nya ang cellphone sa bag at tatawag nalang sya kay Chito. Ngunit sa malas, lowbat ito. Nagpasya syang umuwi sa bahay nila upang mag-charge. Ngunit nadala ng kuya nya ang charger sa pagpasok nito. Napaupo sya sa sofa nila. "Ano kaya ang nilalaman ng sulat na yon ? Siguradong importante yun."

Pagpasok nya kinabukasan, hinanap nya agad si Chito. At nang makita, nilapitan nya ito.

"Chito .. "

Ngunit bigla itong tumayo sa kinauupuan at iniwan sya. 

Sya naman ang napaupo.

"Sigurado akong importante ang sulat na yon para iwasan nya ko nang ganito."

At tuluyan na itong umiwas sa kanya, at di na sila nag-usap.

Hanggang sa pag-graduate,  di sya nito pinansin o binati manlang.

Sa college, wala na syang natatanggap na kahit anong balita tungkol kay Chito. Kung saan manlang ito nag-aaral.

Lumipas ang apat na taon ..

Reunion ng batch nila. Doon ito idaraos sa rooftop ng school nila. Pag-akyat nya ..

Lumilingap-lingap sya at baka sakaling makita nya si Chito. At nakita nya nga ito ..

Na may kasamang isang babae ! At tinignan nyang mabuti .. Buntis ito !

Nasaktan sya ng sobra sa kanyang nakita. Kaya't sya ay nagmadaling bumaba at sya ay napaiyak. Nang sa biglang paglapit sa kanya ng isang kaklase nyang babae.

"Alison, sa 'yo ang sulat na to. Pasensya na at ngayon ko lang naibigay."

Pagkabuklat nya ng sulat ..

"Alison, mahal kita. Mahal na mahal kita Bestfriend. Gusto kong malaman kung ganun din ba ang nararamdaman mo para saken. Kaya magkita tayo mamayang 5:00 pm sa plaza. Pag di ka nagpunta, ibig sabihin ay hindi rin ganun ang nararamdaman mo para saken. At hayaan mo, ako na mismo ang lalayo kahit lumapit ka pa. PS, I love you."

Napaiyak ako sa sulat. Ito ang sulat na naiwala ko noon. Kaya pala iniiwasan nya ko.

"Nagkamali ka bestfriend. Mahal na mahal din kita."

Minabuti nyang umuwi nalang para wag nang masaktan. 

Kinabukasan, biglang may humintong pamilyar na kotse sa bahay nina Alison. Si Chito ! At .. Ang buntis nitong kasama !

Si Nanay na ang pinalapit ko sa kanila. Pagkalapit saken ni Nanay ...

"Anak, wedding invitation oh .. "

Oh my God ! Ikakasal na sila .. Ikakasal na ang bestfriend ko. Ang lalaking pinakamamahal ko.

Sa wedding ..

Gusto kong tumutol pero di ko magawa dahil buntis ang gf nya. Bago idaos ang kasal, lumapit si Chito saken at bumulong. "Ok lang saken ang tungkol dati. But I want you to know that .. I still love you Bestfriend."

Napaiyak ako. Habang ikinakasal sila ..

Parang dinudurog ang puso ko.

"Mahal din kita Bestfriend. Sana maging masaya ka, goodbye." 

"Hindi mo mahahanap ang tamang tao para sayo hanggat di mo iniiwan ang taong pinipilit mong maging tama para sayp."

Broken WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon