Jose POV
naguusap kami ni paolo ng bigla pumasok si wally, parang natataranta siya tatanungin ko sana kung ano nangyari sa kanya at sino yong kumakatok kanina.
" wally sino ba yang--" sabi ko hindi ko na natuloi dahil nagulat ako ng may kasunod siyang pumasok.
" hi jose good morning" bungad niya sakin at nakangiti
natulala ako hindi ko ineexpect na pupunta ulit siya dito. Oo siya si Arny.
" ah arny good morning din, ang aga mo ata pumunta dito?" tanong ko sa kanya
" Oo malapit lang kasi yong pag tatapingan namin dito, kaya dinaanan muna kita dito ok ka na ba?"
" Ok naman na ako, makakalabas na ako mamaya"
" good para sa bahay mo na lang ikaw magpahinga" sabi niya at ngumiti sakin.
jusko bat ang ganda niya, lalo na pag ngumingiti. hindi pwede toh ilayo niyo ako sa tukso hindi pa nga kami ni uge baka magkaroon pa kami ng problema at baka hindi na ako sagutin.
" ok ka lang ba, bat ang tahimik mo?"
"ha? ah wa-wala kumain ka na ba?" pagiiba ko baka ano pa masabi ko sa kanya
" hindi pa pero may dala ako food, gusto ko sana sabay na tayo kumain eh ok lang ba, "
" ok lang sakto naman kumakain kami nila wally, diba ?" sabi ko sabay tingin sa dalawa na kanina pa walang kibo at tahimik lang .
"Hoy anong nanyari sa inyo?" sigaw ko sa kanila.
" wala, ano nga ulit sabi mo?"
"sabi ko tulungan niyo si arny ihanda yong dala niya pagkain"
agad naman sumunod yong dalawa. kinuha ko muna ang cellphone ko na nasa gilid ng kama, baka kasi bigla tumawag si eugene. pagka kuha ko ng cellphone nakita ko na may mga missed call na siya agad naman ako kinabahan. baka pumunta yon dito makita pa si arny baka magkagulo nanaman.
" jose, eto na yong pagkain mo" narinig ko sabi ni arny at lumapit sakin dala ang pagkain ko
" ah sandali lang, lagay mo na muna dyan may tatawagan lang ako" sagot ko sa kanya. agad ko naman tinawagan si uge, naka ilang ring na pero hindi niya sinasagot. triny ko ulit pero ganun pa rin. nasa meeting pa rin kaya siya?
" jose, sino ba yan tinatawagan mo? " tanong sa akin ni wally
" si uge kakamustahin ko lang sana, naka ilang ring na ako pero hindi niya sinasagot eh" pagkasabi ko nun ay bigla nagiba expresyon ng mukha ni arny, nilagay niya sa gilid ang pagkain ko saka umalis at nilapitan si paolo. tinatawagan ko pa rin si uge pero hindi talaga siya sumasagot.
" jose, wala ka ba napapansin kay arny ?" bigla sabi ni wally na nasa gilid ko na pala
" napapansin na ano?" curious kong tanong sa kanya
" parang may gusto siya sayo?"
nanlaki naman mata ko sa sinabi ni wally saken. " ano? di naman siguro magakaibigan lang kami niyan"
" oo nga magkaibigan kayo, pero tignan mo kasi nun na hospital ka siya pa una dumalaw sayo, tapos ngayon ang aga pa niya pumunta dito para dalhan ka ng pagakain di kaya may gusto talaga -- " hindi ko na pinatuloi ang sasabihin niya at alam ko naman ang gusto niya sabihin.
" si uge lang ang gusto ko at alam mo yan, kami ni arny magkaibigan lang kami kaya huwag ka maissue dyan ha? concern lang sakin yong tao tska hindi naman ako maguguastuhan niyan para ko na nga anak yan eh " paliwanag ko sa kanya.
"alam ko naman si uge ang gusto mo, pero kasi parang may iba eh"
" hay naku tigilan mo yan ah, wag mo bigyan ng malisya ginagawa ni arny magkaibigan lang kami"
" ok sabi mo eh" sagot niya at bigla siya umalis at nilapitan sina paolo
" jose ok ka lang ba?" tanong ni arny saken. kung tutuusin maganda naman si Arny sexy hindi mahirap gustuhin at mahalin , kaya lang may nagmamay ari na kasi ng puso ko. at kaibigan lang ang turing ko kay arny,
" ha? ok lang kain na tayo" sabi ko sakanya inabot naman niya sakin yong pagkain ko. tahimik lang ako kumakain at sinisilip ko pa rin kung nagtxt na si uge.
" jose, tahimik ka nanaman dyan, "
" ha? wala ano oras ba taping mo hindi ka ba mahuhuli nyan?"
" bakit pinapaalis mo na ba ako?"
" hindi, naman baka lang mahuli ka sa taping mo, baka magalit si direk" palusot ko.
"Naku dont worry maaga pa, at di ako malalate malapit lang naman ang location eh" she said and smiled. Napaiwas naman ako ng tingin. nagkwentuhan kami habang kumakain. nagtawanan buti na lang game makipagbiruan si arny kina paolo. pagakatapos kumain tinulungan magligpit ni arny yong dalawa.
" ah nga pala jose, lalabas muna kami ni paolo, ayusin na namin yong bill mo dito para makauwi ka na " pagpaalam ni wally, " dibale andyan naman si arny para bantayan ka eh" dagdag pa niya at nginitian ako na parang nagaasar
" oo naman kuya wally ako na muna bahala dito kay jose" sagot naman ni arny at tumabi sakin. medyo nailang ako hindi ko alam kung bakit, lumabas na yong dalawa, at kami nalang ni arny andito.
" arny" pagtawag ko. lumingon naman siya sakin
" hmm? bakit?"
" salamat pala ah, kasi dinalaw mo ako, nagabala ka pa"
" ano ka ba wala yon , para sayo im always be here"she said and smile
" salamat kasi andyan ka, hmm kaya lang ano kasi-" napahinto ako sa sasabihin ko kasi hindi ko alam kung itatanong ko pa ba o hindi na, bahala na
" ano yon jose may gusto ka ba sabihin sakin?"
" ah wala , wala basta salamat at andito ka pa hug nga ok lang ba?"
" asus yon lang ba, basta jose everytime na kailagan mo ako dadating ako para sayo kasi special ka sakin" . Napangiti naman ako at medyo kinilig sa sinabi niya. " para na kasi kitang tatay eh kaya special ka " dadgdag niya sabay tumawa. bigla naman ako napasimangot ok na sana eh.
" ah talaga lang ah" hinila ko siya at kiniliti, tawang tawa kaming dalawa. " tama na jose ano ba" sabi niya pero mas lalo ko siya kiniliti hangang sa nagkatinginan kami at bigla niya ako niyakap. hangang sa......
"AHEEM"
patay lagot na!!!!!
----------