XXII. Di naman siguro to isang panaginip

260 12 4
                                    

She closed her laptop and put it inside her backpack, nililigpit nya na rin ang mga gamit nya sa lamesa at binabalik sa bag.

"Hi! Is this seat taken?"

"Shit kung saan-saan ko na lang talaga naririnig boses nya" nasabi ni Aki sa sarili.

"It's ok, I'm leaving-
She managed to look at the guy na umupo sa harap nya. "Paulo." she whispered. Bigla syang bumalik sa pagkakaupo, nanghina kasi mga tuhod nya.

She looked at the "image" na nasa harap nya, same set of beautiful eyes and eyebrows. Same soft, black hair, only longer. She imagined her fingers running through his hair, turning her on.
"Lord kung panaginip lang to, pwede huwag mo na lang akong gisingin?"she prayed silently.

"Dito ka pala lagi nag be-breakfast?" he asked, smiling. He looked at her empty cup at ang sachet ng sugar sa lamesa.
" Naglalagay ka na pala ng sugar sa kape?"

Totoo yata ang Sejun na to kasi kinakausap sya, unlike the Sejun in her dreams.

"Yeah.." Nangangapa sya ng sasabihin, di pa rin sya makapaniwala na nakikita at naririnig nya ang nag-iisang taong laman ng panaginip at dasal nya for the past 5 months.

Yes, she has been working on a project dito sa Japan, she chose to leave habang hindi pa humuhupa ang issue sa kanila ni Samantha sa social media.
"Half lang, medyo napapaitan kasi ako sa kape nila dito sa Japan"

He took a sip from his cup. "Parang hindi naman, sakto lang"

"With cream kasi yung sa yo kaya di mapait" she managed to smile kahit yung mga paru-paro sa tyan nya naglalaro na yata. God knows kung gaano nya ka miss yung mga ganitong conversation nila. Maybe this means na napatawad na sya nito, na babalik na sila sa dati.

"Baka nga"

Silence. Salitan lang silang dalawa na nagkakatinginan, di alam ang sasabihin.

"Ano ginagawa mo dito sa Japan?" She finally asked.

"Pinuntahan ka" he casually replied.
"Sabi ng kuya mo tapos na yata project ng Phoenix Builders dito"

"Ah yeah, tinanggap ko na din yung offer to work with Phoenix" she said, savoring each word he said. Ang sarap lang pakinggan nung "pinuntahan ka"

"Wait, nag-usap kayo ni kuya?"

" Yeah, we're fine. Sya nagsabi na dito ka sa Japan"

"Ah, pero pa'no mo nalamang dito ako kumakain?"

"Kay Stell, friends na kayo?"

"Uu, si Josh lang di nag accept ng friend request ko" para syang nagsusumbong.

"Accept nya lang daw pag tayo na ulit" he smiled meaningfully.

Nanuyo ang lalamunan ni Aki sa narinig. Kinuha ang baso ng tubig sa harap nya at tinungga.
"Lord, next week pa 31st birthday ko bakit may pa special gift ka?" she thought.

Sejun looked at the glass window na natatabunan ng hamog.

"Malamig na pala dito no? Malapit na mag winter?"

She nodded. Gusto nyang magsalita pero baka bumigay na naman sya at umiyak.

"Aki.." Sejun put his left hand on the table.
"Baka gusto mo hawakan kamay ko, baka lang naman"

Aki felt dancing pixies in her stomach, and that growing emotions inside her. Kung ga'no nya ka miss si Sejun, ganun nya din ka miss na mahawakan mga kamay nito.

"P-pwede ba?" Natanong nya sa garalgal na boses.

Binalot ng dalawang kamay nya ang kamay ni Sejun. The familiar warmth and softness of his hand brought back a lot of memories. She closed her eyes, allowing her tears to fall.

"Pwede ba hawakan ko to for 1 hour? No, 2 hours kaya? Or hanggang mamayang hapon pwede? Yung right hand mo, hawakan ko din please?

"Hindi pwede yung isa kasi..
Kumuha si Sejun ng panyo sa bulsa at pinahiran ang luha ni Aki. Using his right hand, may kinuha itong singsing sa bulsa ng bag.

"Kasi papasuot ko pa to sa 'yo" He put the ring on Aki's ring finger.

Aki is just smiling habang ginagawa yun ni Sejun. She knows what's the ring for pero gusto nya pa ring tanungin.

"Para sa'n yang singsing?"

"Birthday gift."

"WHAAT?!" Napasigaw nyang bigla, nagulat kasi sya sa sagot nito."Taena sino nagbibigay ng diamond ring for a birthday gift?"

"Ey, gusto ko kasi sana mag propose sa birthday mo na lang kaso napa aga yung flight ko papunta dito." He panicked, hindi nya kasi talaga alam kung pano mag propose pero ayun nasabi nya rin. Kinabahan ksi sya baka "no" yung isagot kasunod ng "what".

"Ah, ok" she smiled.

"Ok? As in yes ba yun?"

"Ay proposal na pala? Bat parang wala naman akong narinig?"

"Kinakabahan ako Aki"

Tumawa naman si Aki sa sinabing yun ni Sejun. Gustong gusto nya na talaga yung yakapin. Kinuha nya ang isa pang kamay ni Sejun at hinawakan. Nilalamig nga yun sa kaba.

"Sige na Pau, gusto ko marinig please"

"Sige na nga" He looked at her lovingly. "Will you marry me, love?"

"Yes, love" she crossed the distance between them and kissed him, crashing and spilling everything on the table.

                      ------- END-----

Hala tapos na shaks!! Mamimiss ko tong dalawang to hahahah

Leave a message or vote po if you like the story. Thank you kapatids! Thank you co- ATin! Thank you ka freezer!! hahaha

If you enjoyed this story please check my next work

Title
    Username: Sweetcorn77



Love and Lyrics Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon