Kasalukuyang tinitignan ni Abigail ang kanyang kaibigan.Hindi niya na halos nakakasama ang kaibigan dahil sa nobya nito.
Si Stacey.
Isang model.Kapansin-pansin ang ganda nito at perpektong pangangatawan nito.
Ngunit kung ang ugali niya ang pag-uusapan,napakapangit.
Pag lumapit kay James na babae,sinisita niya agad.
Kaya kahit kaibigan lang naman ni James si Abigail,hindi pa rin siya makalapit dito.
Nakita niya si Stacey na natapunan ng natitirang juice sa baso ng isang naglilinis ng mga mesa sa canteen.
Nag-hysterical siya.
Halos lahat ng tao sa canteen ay naabala niya.
Ganyan siya karunong umagaw ng atensyon.
Halos lahat ng babae sa school nila o nakakasalamuha niya ay nagkakaroon ng insecurities dahil sakanya.
Halos lahat ng lalaki sa school nila ay nahuhumaling sa kanya kahit yung mga nakatali na.
Binalewala na niya na lamang lahat ng nangyari.
A Couple Days Later
Nakita na naman ni Abigail si Stacey sa isang random place pero kakaiba ito.
May kinakausap na lalaki si Stacey.
Lumapit pa siya lalo para marinig kung anong pinag-uusapan nila dahil narinig niya ang pangalan ng taong mahal niya.
"Ano na,Stacey?Kala ko ba mapapag-hiwalay mo na si James at Abigail?"
'Parang pamilyar ang boses na to ah' sabi ni Abigail sakanyang sarili.
Sinilip niya kung sino yung lalaki.
'Hindi!Di pwede to!' sabi niya
'Kuya Axel'
(Si Axel po ang twin brother ni James)
"Konting intay nalang Axel magiging sayo na si Abigail magiging akin na din si James."Stacey
Naiyak nalang siya sa narinig at umalis.
At Abigail's House
Naisipan ni Abigail na sabihin na yun kay James.
Tinext niya si James na magkita sa pinaka malapit na theme park.Umu-oo naman ito.
Nang magkita sila ay sinabi lahat ni Abigail kay James ang narinig niya.
Hindi naniwala si James.
"Bat naman nila tayo paghihiwalayin?Mahal ko naman si Stacey so,kahit di naman nila gawin yun ay sakanya parin ako mapupunta "sabi ni James.
Napaiyak siya sa sinabi ng kaibigan.Nalimutan niyang di pala alam ni James na may gusto siya dito.
Nagpaalam na sila sa isa't isa dahil di kinaya ni Abigail ang sinabi ni James.
'Bulag ka na James'bulong ni Abigail.
They are right.
Magbubulag-bulagan ka para sa taong mahal mo.
Dahil sa huli gusto mo paring magkatuluyan kayo.
Love Is Blind.
The End.
YOU ARE READING
Love Is Blind (One Shot Story)
Short StoryHow can we tell or prove that Love is Blind? By Being Naive for the Person You Love? Or Being Able to Wait for the Person You Love?