new friends

0 0 0
                                    

Naging close pa kaming tatlo hanggang sa nakatapos kami ng college. Si Celine bumalik ng US para kumuha ng short course na Fashion & Arts. Alam na rin niya na ultimate crush ko ang cousin niya and knowing her tuwang tuwa pa siya. Boto daw siya sakin sana daw kami ni Oliver ang magkatuluyan. haha in my dreams! Pero nakiusap naman ako na secret lang namin to kasi kaming tatlo lang ni Amy ang nakakaalam ng pagkahumaling ko kay Oliver. Kami ni Amy naman ay parehong nagtratrabaho sa kompanya ng Family ni Celine kung saan siya ang nagrefer samin sa mommy niya. Bukod sa friends kami ng anak niya eh magaganda naman daw ang nasa credentials namin kaya qualified kami para sa work na inoffer ni Mrs. Carmelita Cordova-Angeles ang mommy ni Celine.

Naassign ako bilang secretary ni Mrs. Angeles at si Amy naman ay Finance Department naassign. Okay naman ang trabaho at napakabait din ni Mrs. Angeles o Maam Carmi yun kasi ang kadalasang tawag sakanya ng ibang trabahante dito sa office. Napagalaman ko rin na humalili lang si Maam Carmi bilang acting CEO dahil ang dating CEO ay ang daddy ni Oliver na isa sa sikat na Business tycoon sa bansa si Mr. Robert Cordova. Hindi na kasi masyadong mapagtuunan ng pansin ni Mr. Cordova ang kompanya dahil may iba pa silang kompanya na inaasikaso ng misis nitong si Mrs. Laura Cordova kaya naatasang si Maam Carmi ang mamahala pansamantala ng kompanya habang hinihintay ang panganay ng mga Cordova na si Oliver.

2 years na nung makatapos siya ng college bakit hindi pa siya bumabalik? Sabi sakin ni Celine 3 months ago kasa-kasama lagi ng tito Robert niya si Oliver para itrain sa mga pasikot sikot sa mga kompanya nila sa ibang bansa. Tinatapos lang nila na matapos yung expansion nila somewhere in US para makabalik na si Oliver sa bansa dahil sakanya nakatoka ang companies nila around the Philippines and ang parents naman niya ang mamamahala nang ibang business nila sa ibang bansa. Talaga namang ang lawak ng negosyo nila. Ang yayaman na nila pero kayod pa rin sila ng kayod hindi ba sila napapagod magpayaman? Ahay.

Nandito ako ngayon sa desk ko kaharap ang computer habang nage-encode. 8:30 pa ng umaga, isang oras na akong nandito. 8 o'clock ang start ng trabaho ko pero maaga talaga akong dumadating mas maganda na yung punctual sa trabaho. 9 am ang oras ng pagdating ni Maam Carmi pero kahapon maaga siyang umuwi dahil sumama ang pakiramdam niya. Sana naman okay na siya nagaalala din ako para sa kanya minsan kasi nitong mga nakaraang araw napapansin kong nagiging matamlayin siya. Lagi ko ding ina-update si Celine tungkol sa kalagayan ng mommy niya. Nung isang linggo nagsabi siyang uuwi muna dito nextweek para personal na makita at kamustahin ang mommy niya. Medyo nahihiwagahan ako kung ano ba talaga ang sakit ni Maam Carmi pero wala akong karapatang magtanong ng mga personal na bagay. Knowing Celine magsasabi din un kung kinakailangan andito lang kami ni Amy para alalayan siya bilang kaibigan.

Pagkatapos kong ibigay ang mga papeles na pinapagawa ni Maam Carmi kanina at iremind siya sa meetings at appointment niya ngayong araw naging abala ako sa trabaho ko buong umaga sinilip ko ang orasan sa may gilid ng lamesa ko 11:35 na hinihintay ko lang magtext si Amy kung saan kami manananghalian minsan kasi niyayaya kami ng mga kasamahan niya sa finance department maglunch. Maya Maya'y nagtext na rin si Carmi magkita daw kami sa isang restaurant sa tabi din nitong building. Nauna na daw siya kasi mapilit daw si Miguel kaya di na siya nakatanggi. Natatawa nalang ako sa sinabi niya alam kong may gusto din siya kay Miguel nagpapakipot lang un at sinabi din naman ni Miguel sakin na matagal na niyang crush si Amy since nagstart kaming magwork dito 8 months ago. Nung binanggit ko yun kay Amy tawang tawa ako sa naging reaksyon niya kunwari pang nasusuka nakikipagpustahan pa siya sakin na hinding hindi siya magkakagusto sa binata pero mukhang matinik talaga si Miguel feeling ko konting push nalang susuko rin si Amy sa pagpapakipot niya.

Pagkatapos kong patayin ang computer ko inaayos ko ang lamesa ko at dali daling pumunta ng elevator para puntahan sila Amy sa restaurant. Umalis narin kanina si Maam Carmi sinundo siya ng daddy ni Celine. Medyo seryoso sila kanina ibinilin niya lang sakin ang opisina niya pagkatapos niyang icancel lahat ng appointments niya ngayong araw mukhang may importante ata silang lakad. Hindi na ako nagtanong pa at sumunod nalang sa mga bilin niya. Nakapasok na rin ako sa elevator na may dalawang babaeng sakay. Habang naghihintay ako na makababa na ang elevator biglang huminto eto sa 12th floor may pumasok na 3 babaeng empleyado pasara na sana ang elevator ng may biglang humarang "wait. wait." pumasok ang lalaking umaangos papasok sa elevator. Nagtilian ang tatlong babaeng pumasok kanina yung dalawa ko namang kasabay kanina ay nakanganga. Tinitignan ko naman yung lalaking pinagkakaguluhan nila na ngayon ay katabi ko nakasideview siya sakin medyo magulo ng bahagya ang buhok niya at may konting pawis sa noo niya dahil siguro sa paghabol sa elevator kanina, masasabi kong gwapo nga talaga siya at malakas ang sex appeal. Lumingon siya sa babaeng nasa kaliwa niya na kanina pa nakakatitig sa kanya at nginitian niya ito. Nakita ko kung paanong pinamulahan yung babae, talaga naman sa itsura at kilos ng lalaking ito malamang babaero ito. Ang mga babae namang itong sige pa rin ang pagpapakyut. Nakita ko pa yung ibang mga babae dito sa elevator yung nasa kanan ko naglilipstick, yung sa likod ko naglalagay ng foundation habang tinitignan yung lalaking katabi ko yung isa naman busy sa paghawi ng buhok niya. Tss.. Alam na alam ko pano kumilatis ng mga babaeng nagpapakyut pag nakakita ng gwapo dahil dati marami akong nakakasalamuhang mga babaeng nagpapapansin kay Oliver nung highschool at college kami. Bahagyang pinihig ko ang ulo ko naalala ko naman siya. Tsk! Deretso akong nakatingin sa pinto ng elevator diko na pinansin yung mga kasama ko. Biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami. Agad akong lumabas kasunod ko yung lalaki. Hindi ko nalang ulit tinignan. Nagmadali na ako papunta sa restaurant.

How did you know? (Tailing Mr.Manhid)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon