C-29

8.8K 341 14
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapahinga sa loob ng shop namin ng bigla na lamang tumunog ng phone ko. Salubong ang kilay na tinignan ko ang caller. Unknown number ito kaya naman hindi ko sinagot pero tumunog lamang ulit ang phone ko.

"Sino to?"

Isang katahimikan lamang ang narinig ko sa kabilang linya.

"I'm not up to any prank Mr or Ms whoever you are"- sabi ko at ibababa na sana ang phone ng makarinig ako ng isang tawa ng lalaki.

"What an impatient woman"

"Sino kaba?"

"Wag kang masyadong matapang bata..hawak ko ang pinakamamahal mo"- sabi nya at tumawa nanaman.

"Ano bang--"

"Ava Adeline Ambrosio..hmm familiar ba sayo iyon?"

"Anong ginawa mo sa kanya?!"- galit na tanong ko at tumayo na. Naagaw ko pa ang ilang atensyon ng mga nakain sa shop kaya mas pinili kona lamang na lumabas.

"Relax..wala pa sa ngayon. Pumunta ka sa lugar na itetext ko sayo. Ayaw ko ng may kasama ka. Gusto ko mag isa naiintindihan mo? dahil kung hindi bangkay mong aabutan ang babaeng to"- he said seriously at pinatay na ang tawag.

Napapadyak ako sa inis. Sino ba yun?!, bigla naman nagvibrate ang phone ko at yung address nga ng lugar ang nanduon.

Teka masyado na yun malayo sa syudad. Dali dali akong sumakay sa kotse at hindi kona nagawang magpaalam kay mama dahil sa kinakabahan na ako.

Habang nagdadrive ako narinig ko ang pagtunog ng phone ko sa dashboard. Si Jasmine ang tumatawag kaya naman sinagot ko.

"Billie si ate.."

"Alam ko pero please kumalma ka papunta na ako dun"

"Saan ka pupunta?"

"Kung nasan sya."

"Nababaliw kana ba?!, bakit ikaw lang?!"

"Jasmine makinig ka sakin , I want you to trace my phone okay?, tapos magsama nadin kayo ng pulis sa pagpunta duon"

"Billie--"

"Iuuwi ko sya pangako. Bye Jasmine"- pinatay kona ang tawag at hinigpitan ang kapit sa manibela at mas binilisan ang takbo ng kotse.

Tanaw kona ang papalubog na araw kaya naman dumidilim na ng paunti unti ang daan.

"Please be safe Ava"- paulit ulit na sabi ko sa isip ko.

After a long ride nakadating na ako sa isang abandoned house. Sira nadin ang gate at mas pinili kona lamang na iwanan sa labas sa mismong gilid ng daan ang kotse ko.

Lumabas ako at tinahak ang mapunong loob ng bakuran. Maingat ang bawat hakbang ko dahil madaming tuyong dahon at sa laki ng bahay wala manlang akong nakikitang ilaw masyado. Kakaunting ilaw lamang ang nanduon at yung iba ay nagpapatay sindi pa.

Am I in a horror house?!

Nakatungtong nako sa mismong harapan ng bahay at tinulak kona pabukas ang pinto. I sigh and I decided to walk inside kahit pa puro agiw ang nakikita ko.

"Ava!"- I called pero umecho lamang iyon sa buong bahay.

Nakakita naman ako ng hagdan kaya duon ako dumaan at habang umaakyat pa ako patuloy ang pagtawag ko sa pangalan nya.

I stop midstep when all of a sudden everything went black. Napahawak ako sa pader dahil sobrang dilim.

Nagsimulang mamawis ang mga kamay ko at nagsimula nadin bumigat ang mga paghinga ko.

My Tutor was my BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon