Prologue
|Hiraeth|
“Bilisan mo na nga, Hira!”
Masama ko siyang tinignan at padabog na isinilid lahat ng gamit ko sa aking dalang bag. Muli kong inayos ang suot kong damit bago muling dampian ng isang kulay pulang lipstick ang aking bibig.
“Susunduin mo ako sa school, Andeng. At wala kang choice doon.”
Tumayo na ako at kinuha ang mga pabaong libro niya sa akin at sumakay na sa kanyang dalang kotse. Nilingon ko siya at panay pa rin ang titig niya sa akin at sa aking ginagawa.
“What?!” Maarte kong sabi.
“Hira school ang pupuntahan mo hindi bar, tanggalin mo yang nasa labi mo. Bawal yan sa school na yun.”
Tinitigan ko lang siya pabalik at ginalaw galaw pa ang kilay ko. Hindi siya nagpatinag at pinitik ng malakas ang noo ko. Paimpit akong napasapo at agad siyang ginantihan ng isang malakas na batok.
“Hindi ko 'to tatanggalin Engineer Andrea Devone. My life, my body, my lips, my choices.”
Inismiran niya lamang ako at pinaandar na ang kaniyang kotse. Isinalpak ko na lamang ang headset ko at nakinig sa mga kanta sa aking cellphone. Ang pangit kasi ng music taste ni Andeng, maingay at napakalakas.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa nadadaanan naming mga puno at mangilan-ngilang bahay. Napakalayo sa nakagisnan kong lugar.
Binuksan ko ang pintuan ng kotse ng makarating na kami sa aking eskwelahan. Walang gana kong iginala ang aking paningin sa isang malawak na lupain at dalawang mataas na gusali sa aking harapan.
“Finally welcome back sa school life, Ms. Hiraeth?"
Tsaka ko lang naalala ang presensya ng aking kaibigan nang umimik ito. Inabot niya sa akin ang aking mga libro at muling pinitik ang noo ko.
“Okay, two years in this school. Two years lang and I'll be back home. Of course I can do it.”
Pumalakpak siya sa akin at matiim akong tinignan. Huminga ako ng malalim at hindi mapigilang yakapin ang aking nag-iisang kaibigan sa bayang ito.
“You're Hira, of course you can do it.”
Umalis na siya at nagsimula na rin akong maglakad papasok. Panay ang tingin ng mga tao sa akin dahil na rin siguro sa suot at itsura ko.

BINABASA MO ANG
Melancholic Epiphany
Teen FictionHiraeth Her name signifies longing for someone who's totally out of her league. A home she can't return to for it was never hers. A life circling in a inevitable series of rollercoaster scenarios, a mess. A found love in the most twisting point of h...