Minsan nakakainis ang panahon. Pabago-bago. Minsan maaraw at mainit. Minsan umuulan at malamig. Pero kadalasan talaga kapag panahon ang usapan, saksakan ng init.
Pero gaya ng panahon, ganyan rin pala ang pagmamahal. Ang pag-ibig. Minsan masaya. Minsan masarap kasi mahal ka rin. Pero kadalasan masakit lalo na kapag napagtripan ka ni Tadhana at pinaglaruan ka ni Kupido.
Naalala mo pa nung naapakan ko yung sapatos mo nung prom night? Kasalanan mo rin kasi inayaaya mo ako sumayaw alam mo namang hindi ako marunong. Ay! Hindi mo pala alam na hindi ako marunong sumayaw kakakilala lang pala natin nung gabing yun.
Alam mo bang ikaw lang ang nag-aya saken ng gabing yun kasi lahat sila hindi pa nakakalapit tinataasan ko na agad ng kilay? At kahit na naapakan ko yung sapatos mo hindi ka nagalit. Nagulat ako nung hiningi mo ang number ko at hinatid mo ako pauwi. Kinilig ako nun, hashtag KiligToTheBonesAko nun. Grabe! Ikaw pa lang ang nagtangkang pumunta sa bahay namin dahil anak ako ng isang general.
Lumipas ang mga araw na kasama kita. Lagi lagi kang anjan. Ikaw lang ang naging kaibigan ko buong buhay ko kaya sobra kong ipinagpasalamat na dumating ka. Feeling ko noon hindi ako tanggap sa mundo.
Araw-araw mo akong hatid-sundo. Walang palya. Kapag magkasama tayo ikaw ang nagdadala ng libro at bag ko. Kapag inaasar nila ko ipinagtatanggol mo ako. Tuwing breaktime ikaw lagi ang kasama ko. Lagi mo akong nililibre at kapag tinatanong kita kung bakit ayaw mong ako ang nagbabayad ang sinasabi mo lang ay, "Kasi babae ka. Ang lalaki dapat ang nagbabayad hindi ang babae. Saka, mahal kita ano!" At ngingiti ka ng malapad kasama ng pamatay mong kindat.
Lagi akong kinikilig sayo alam mo ba yun? Sa mga minsan mong pagyakap, pag-akbay sa akin, lalong lalo na kapag Holding Hands While Walking tayo at kapag nag-aI love you ka sa akin. Aaminin ko sayo, mahal na kita. Parang tumatalon ang puso ko tuwing nakikita ka. At naguguluhan na ako sa relasyon nating dalawa.
Tayo na ba? Boyfriend na ba kita? Kung hindi pa, kailan mo ako liligawan? Araw-araw ko na kasing iniintay.
Ilang araw pa ang lumipas na naging linggo at naging buwan. Pero hindi mo pa rin ako nililigawan, kasi may girlfriend ka na pala.
May girlfriend ka na pala. At dalawang araw na pala iyon. Hindi mo lang sinabi sa akin kasi Friday ka nya sinagot at hindi tayo magkasama sa Sabado at Linggo.
Parang gumuho yung mundo ko nun. Ang sakit sakit. Ang sakit sakit nun. Akala ko may 'tayo' yun pala ang mayron lang ang 'kayo'. Ang sakit sakit. Ilang araw ko rin yung iniyakan. Ilang gabi ko rin yan pinagpuyatang isipin.
Parang tumigil yung mundo ko nun. Alam mo namang buong buhay ko ay umikot sayo diba? Pero bakit ka naggirlfriend?
Lumipas ang mga araw at unti-unti ka ng nawala sa akin. Unti-unti ng nawala ang oras mo para sa akin. Hanggang sa wala ka ng oras para sa akin. Kapag nag-uusap tayo, hindi na tayo masaya puro nalang tayo away. Kaya napagpasyahan ko nalang na lumayo sa inyo ng girlfriend mo. Madali lang naman siguro yun.
Kumakain ako mag-isa sa canteen at kapag napapatingin ka sa kin umiiwas ako ng tingin. At kapag pakiramdam ko lalapit ka--kayo ng girlfriend mo. Umaalis agad ako. Pinanindigan ko ang pag-iwas sayo.
Maaga akong umaalis at super late na late na rin akong umuuwi para lang hindi ka makasabay. Alam mo ba kung gaano kahirap umiwas sa taong mahal mo? Ang tanga ko rin kasi eh, magbestfriend nga lang pala tayo at hanggang doon pang iyon. No more, no less.
Dumaan ang maraming buwan, 3? 5? 7? Hindi ko na alam pero hindi pa rin kita pinapansin. Hanggang isang Sabado pumunta ka sa bahay. Wala akong lusot nun kaya no choice kinausap kita. Kita ko sa mata mga mo ang saya na pinansin kita pero bakas rin ang kalungkutan roon.
BINABASA MO ANG
A Lover's Heartache(One-Shot)
RomanceWe met. We hang-out. I fall. I broke. I died. "I'm Sorry." ~*****~ Author's Note: My first One-Shot :) Hope you like it ^^