KABANATA 42

11K 380 44
                                    

[Adara]

"The prosecution having established beyond reasonable doubt of the following accused who are found to have acted as principal namely Don Frank Almendras, Governor Franco Almendras, and Mayor Brando Almendras..."

Nakatuon ang lahat ng camera sa tatlong lalaking inuusig sa harapan. Walang bakas ng pagsisisi sa mukha ng mag-amang Almendras. Hanggang sa huli ay nanatiling nakataas ang kanilang noo. Samantalang takot naman ang nangingibabaw sa kapamilya at kasabwat nilang alkalde.

"Your honor, the members of this jury find the defendants guilty and is sentenced to life imprisonment..."

Parang musikang nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang inanunsyo ng judge. Ilang sandali lang ay nakatayo na ang lahat. Pumapalakpak at binabati ako sa pagkapanalo ko sa kaso. Nag-unahan ang mga luha ko sa sobrang saya. Parang may mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko ang biglang nawala. Hindi ako makapaniwala. Salamat, Panginoon. Salamat sa ipinagkaloob Mong katarungan para sa mga mahal namin sa buhay.

Hindi ko mapigilan ang mga luha kong nag-uunahan dahil sa sobrang galak. Masaya akong niyakap ni Christian.

"You did it, baby!" Sobrang saya rin marahil ni Christian kaya't nagawa niya 'kong halikan sa gitna ng maraming tao. Agad din siyang humiwalay at niyakap ako nang mahigpit.

Walang pagsidlan ang saya ng puso ko. Sa wakas. Nakamit din namin ang hustisya. Hindi na sila parang mga kalat lang na pinatay. Dahil simula ngayon, araw-araw nang pagdurusahan ng mga Almendras ang ginawa nilang kasalanan.

Sinulyapan ko ang kinaroroonan nina Senyora Catalina at Elisse. Nakatulala ang mga ito at tumayo sila nang ibaba na ng mga pulis iyong tatlo. Sinalubong sila ng media. Maraming mga reporter mula sa iba't ibang istasyon ang tumungo rito para saksihan at ilabas nang live ang final hearing ngayong araw.

Huminto sila sa tapat ko. Nagawa pa ring ngumisi nang parang demonyo ni Franco sa harapan ko sa kabila ng natanggap nilang sentensya. Panginoon, haplusin Niyo po ang puso ng taong ito. Ibalik Niyo sa kanya ang takot na tila wala na sa pagkatao niya. Iyon na lamang ang tanging paraan para maging tao pa rin siya dahil ngayon, masahol pa siya sa hayop. Isa siyang demonyo.

Tumulak na sila palabas. Sumunod na ang lahat ng mga dumalo sa pagdinig.

"Adara?"

Nilingon ko ang babaeng tumawag sa 'kin.

"Ms. Amara!"

Nandito pala siya. Sa sobrang pagtuon ko ng atensyon sa mga Almendras ay hindi ko napansin ang kanyang presensya. Tumingin ako sa paligid at kami na lang pala ang narito sa loob. Mukhang kanina pa rin siya umiiyak dahil batid ko ang pamamaga ng kanyang mga mata. Medyo nagulat ako nang niyakap niya 'ko nang mahigpit at humagulgol siya. Ngunit naiintindihan ko ang emosyong nararamdaman niya ngayon. Dahil katulad ko, nagtagumpay rin siya pagbibigay katarungan sa kanyang ina. At isa siya sa mga dapat kong pasalamatan sa matagumpay na pagkamit namin sa hustisyang ito.

Ginantihan ko ang kanyang yakap at hinaplos ang kanyang likod.

"Salamat, Ms. Amara. N-Nagtagumpay tayo. N-nabigyan natin ng katarungan ang mga buhay nila."

Humiwalay siya ng yakap at hinawakan niya ang mukha ko. Medyo nawirduhan ako sa paraan ng paghawak at pagtingin niya sa 'kin. Napatingin ako kay Christian na nakatayo sa gilid.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong nito. Tumingin ulit ako kay Christian at tumango lang siya sa 'kin.

"S-Sige po."

Lumabas kami ng korte at pinagbuksan kami ni Christian ng kotse. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa ngunit parang alam ni Christian kung saan gustong pumunta ni Ms. Amara.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon