Nang nag gabi na ay agad na akong nag ayos. Ang plano namin ni Venus ay sa labas ng ballroom kami magkikita.
Naka low bun ang aking buhok at nilagyan ng pearl bilang dekorasyon.
Nang tapos na ako ay agad akong tumingin sa salamin. Namangha ako sa itsura ko ngayon. Ngayon lang ako nakasuot at nakapanamit ng ganito pero parang sanay na sanay na ang katawan ko sa pagdala ng kasuotang ito.
Nang nakita ko si Venus ay namangha rin ako sa ganda niya.
Naka silver spaghetti strap flowing gown siya at naka lugay ang kanyang buhok.
"Wow! Ang ganda mo! At yung gown, infairness maganda ha, may taste ang nagbigay niyan." puri niya.
"Eh? Ano ba naman ang binatbat ko sayo. Tinalo mo pa ang lahat ng Diyosa na nabubuhay." puri ko rin sa kanya.
"Che! Hali ka na nga, at hanapin na natin yung mga ingratang yun." sabay kalabit sa akin.
Pagpasok namin ay nakita agad namin ang mga estudyanteng nag gagandahan at naggugwapuhan.
"Uy babes!" nakita namin si Leo'ng papalapit sa amin.
"Stop calling me babes! Kung hindi buong taon kitang hindi papansinin." naiirita nanaman sa kanya si Venus.
Hindi ko maiwasang tignan na may something sa kanila. Palagi nalang nag-aaway parang may LQ lagi.
"Sorry, joke lang naman. Ito talaga hindi na mabiro."
"So ladies, may I escort you?" sabay offer ng kamay niya.
Agad akong umatras dahil alam kong si Venus ang gusto niya..... Gusto niyang iescort.
Ampangit naman tignan na sa dalawang kamay ay may pareho siyang hawak diba. So para romantic silang dalawa nalang.
Inilagay ni Venus ang kanyang kamay sa kamay ni Leo atsaka tumingin sakin. Lumiit ang kanyang mata nang makitang humakbang ako paatras mula sa kanila.
' This night is for them.'
Nang nagsimula na silang maglakad papunta sa magiging table namin ay humakbang narin ako at sinundan sila.
Ilang hakbang ang ginawa ko ay nagulat ako nang may biglang humaplos sa balikat ko. Naka offshoulder gown ako kaya ramdam na ramdam ko ang kamay nito.
Nang lumingon ako ay sumalubong agad sa akin ang isang lalaking nakangisi.
"Miss, pwede ba kitang maisayaw?" habang nakangiting aso parin.
"Hah? Ah eh... W-wag nalang. Nakakahiya eh." at saka hindi ko siya kilala.
"Segi na miss oh." pagkumbinsi nito sabay ipinadaosdos ang kanyang kamay mula sa aking balikat pababa.
Hindi ko maintindihan pero agad akong nakaramdam ng pagkairita.
"Ano ba?!" sabay hawi ko sa kamay niya pero agad niya naman itong ibinalik sa dating pwesto sa balikat ko.
"Wag ka nang magpakipot, alam ko namang gusto mo ring maisayaw ako."
"Ano ba! Ayaw ko nga, atsaka pwede ba! Bitawan mo ko!" hawi ko ulit.
Nakita ko ang pagkairita sa kanyang mukha at agad niya akong ikinulong sa mga bisig niya.
Pero bago pa man magdikit ang katawan naming dalawa ay natumba agad siya.
"Sabi ngang ayaw eh! Bingi ka ba? O sadyang may saltik ka!" pagkaangat ko ng ulo ko ay nakita ko si.... Hindi ko alam kung anong pangalan niya pero natatandaan ko siya. Siya yung lalaking mayabang sa training court!!
Agad niya akong hinila. Hindi agad ako nakabalik sa katinuan kaya nahila niya ako ng tuluyan.
"Bakit ka kasi nakikipag-usap sa kung sino sino?! Sabi nga diba 'Don't talk to danger'."
Agad namang tamang tumaas ang kilay ko.
"Ano?!"
Agad akong natawa.
"Don't talk to stranger yun! Hindi danger."
"Tsk! Pareho lang yun." tumingin siya sa akin at parang may hinahanap.
"O, asan na yung kasama mo?"
"H-hah? Ah! Nandun kasama yung isa ko pang kaibigan. Nauna na."
"Bakit ka nila iniwan mag-isa? Kung hindi ako dumating panigurado naharass ka na nung mokong na yun."
"S-salamat, ako nga pala si A-andrea." napansin kong natulala siya.
Agad kong winawagayway yung kamay ko sa harapan ng mukha niya.
"Oh? Anong problema mo?"
Sinundan ko kung saan yung line ng vision niya.
At nakita ko ang isang maputing babae. Naka tube champagne flowing gown ito. Nakalugay ang kanyang buhok na naka big curls. Napaka ganda niya tapos ang kinis pa. Para siyang may lahing banyaga.
"W-wala." agad bumalik ang tingin ko sa nagsalita.
"Ah ganun ba, okay! Sabi mo eh." inosente kung pagsang-ayon.
Ano ako tanga?! Pansin ko kayang may gusto siya dyan.
"Kung ganun... Anong pangalan mo?"
"H-hah?.... Aurora."
"Huh?"
"Ay!! Este! Fredrick! Rick for short." at dun na nagtatapos ang kwento. Hay sa wakas bumalik na siya sa sarili niya. Mukha yatang macocoma sa lagay niya kanina.
"Infairness hah, bumagay yung pangalan niya sa mukha niya. Maganda.... Katulad dun sa fairytale story na 'sleeping beauty' tapos ikaw yung princena hahalik sa kanya." habang naka tingin dun sa babae.. Aurora daw pangalan.
"Oo nga. Siguro sobrang lambot ng labi niya."
Medyo hindi ko narinig yung sinabi niya.. Ang narinig ko lang is yung part na 'oo nga' hininaan niya kasi.
"May sinasabi ka?"
Agad naman siyang umangal.
"W-wala no? Guni guni mo lang yun. Halika na. Puntahan na natin yung kaibigan mo." sabay hila sakin pero wala parin akong planong tigilan siya.
"Sus! Kung makakatitig ka nga parang matutunaw na yung tao." kutya ko.
"Hindi pa siya pwedeng matunaw. Magiging kami pa."
"Asus!! Corny mo!" at nakita na namin sina Venus.
"Uy asan ka galing?"
"Ha? Ah wala! Nawala lang ako." sabay suyod ko sa paligid. " ah ito nga pala... Si Fredrick.. Rick daw for short." pagpapakilala ko kay Venus.
"Hello!" at nagshakehands silang dalawa.
"Goodevening everyone! Buenos Noches! Welcome ladies and gentlemen! But before we start the ball dance it's my pleasure you to meet the Principal. Sir Xiano Quilter! Arround of applause please!" sabi ng host at may lumabas na lalaki sabay sa tunog ng mga palakpak.
Siguro ay nasa early 40's siya.
"Gracias! Thank you for this pleasant evening! For all this years I've been serving this Academy, for the first time, I'd like you to meet my pamangkin! And the Prince of Coundrey ----" bago paman matapos ng sasabihin ng Principal ay bigla nang nagdilim ang paningin ko..
To be continued........ ....
BINABASA MO ANG
CHARLOTTE ACADEMY: SCHOOL FOR MYSTICAL ABILITY
Gizem / Gerilim'Charlotte Academy' is well known as a Academy which train students who have supernatural or mystical ability. Andrea Grashion , an ordinary girl came from the poor family who live at the foot of the mountain. She discover that she has special abil...