Chapter 2

6 1 0
                                    

𝚃𝚘𝚢

Grandsons.... Seryoso? Lalaki? Di naman sa nagiging OA pero si kuya lang ang gusto kong makasama pagdating sa mga lalaki. Di ako yung tipo na basta pogi buka agad.

Pero dahil may tiwala naman ako sa lola ko ay kumalma ako, alam kong gagawin niya ang lahat para sa kaligtasan ko.

Ngingiti ngiti si Lolo Akean habang nililibot namin itong pool nila, inuna naming libutin ang nasa kulay pula at postpa muntik na akong matapilok dahil mukhang may Anghel yata na bumaba sa langit at napag isipang maligo sa lugar na ito. Kumurap kurap pa ako para makita kong totoo ngaba o hindi pero gosh! Babae paren naman ako! At na popogian ako sa adones na nasa harap ko ngayon.

"Orean iha, ayan si Vlad Qing, anak yan ng anak kong si Willam at asawa nitong si Vlinda, matanda yan sa iyo ng isang taon" Sabi ni lolo saakin habanv ngingiti-ngiti

Tumango ako dito at nilunok ang sarili kong laway, gosh ampogi! Makalaglag uban! Baka malaglag ang uban ko sa buhok! Ayt 19 palang pala ako! Kakastress! Gurl wala kapang uban ano ba!.

Napangiwi ako dahil pati sarili ko ay kinakausap ko na.

Di yata napansin nong Vlad my Angel ang presensiya namin kong kayat patuloy lang ito sa paglangoy, kaya pala iba iba ang pwesto nila kasi iba iba din ang gusto.

Pumunta kami sa kulay asul na pool at doon na ako tuluyang nawalan ng hininga at nawala sa mundo sa edad na 19.

Ang landi ko! Makalaglag ngipin itong isa! Ang abs na supper hot na dinadaanan ng mga tubig na sa tingin ko ngayon ay haliparot! Sana ako nalang ang tubig huhu.

"Siya naman si Clover Qing iha, kambal iyan ni Vlad, di sila magkakamukha kaya medyo magpinsan lang ag tingin ng ibang tao sa kanila"

Tumango tango ako habang pinapapantasyahan ang Anghel at Si Mr. Abs ngayon. Ang swerte ko yata dahil napapaligiran ako ng mga Gwapitong nilalang!

Tulad ni Vlad, di napansin ni Clover ang aming presensiya at lumangoy langoy lang ito na parang walang tao.

Pumunta kami sa kulay puting pool at doon na mismo tuluyang nahulog ang laway ko na tinatago-tago ko sa bibig. Napasinghap pa ako nang umahon ito sa tubig at lumundag lundag tapos ay nag dive ulit.

Laglag ang aking panga dito.

"Yan si Klive iha, childish yan pero di halata dahil seryoso yan sa panlabas na kaanyuan, ang ama niyan ay si Yuan na anak ko at mama niyan ay bestfriend ng mama mo na si tita Mylene mo"

Natatandaan ko si tita Mylene, siya iyong kaibigan ni mama na hindi mapaghiwalay sa isat-isa, magkapitbahay nga sila sa ngayon doon sa US eh.

Lumakad na kami ni Lolo Akean sa huling pool at yon ay yung itim ang kulay.

Nakita ko ang isang Greek God mismo sa harapan ko ngayon, nalaglag na ang panga ko, nawala na ang ngipin ko, bumaha na dahil sa laway ko at nawala na ang imaginary kong uban.

"Yan si Crunos iha, kapatid iyan ni Klive. Matanda nga lang si Crunos ng isang taon kay Klive samantalang si Klive ay ka edad mo"

Muntik na akong himatayin sa mganaggwa-gwapohang nilalang na tumambad saakin, ang popogi! Lumalabas ang 30 % kong pagiging malandi!

Crumpled ShitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon