𝙼𝚒𝚗𝚎
NAPAPABUNTONG hininga si Orean dahil sa malalim na pag-iisip. Apat na araw na siya dito at sa apat na araw na iyon ay marami siyang nalaman. Ang kinakaadikan ng apat. Si Klive ay adik sa mga Jersey na may perma ng kahit sinong sikat na Basketball Player katulad nina Stephen. Si Clover na adik sa bola na iba't ibang klase, di ito basta normal na bola, may mga football, softball at kahit basketball na may perma nang kahit sinong idol niya. Si Vlad na sobrang adik sa relo, dinisplay nga niya at pinaframe lahat eh! Gusto ko manghingi pero sabi niya pag dating daw ng birthday ko, medyo adik din kasi ako sa relo lalo na sa rollex na brand. Si Crunos na grabe ang kaadikan sa skate board, as in! Andaming klaseng skate board na iba't ibang design at kulay.
Doon ko lang din napagtanto na may iba't ibang talento sila. Akala ko kase mga mahangin lang sila at pag papagwapo lang ang alam pero mali pala. May banda sila at anim ang myembro, barkada nila ang dalawa. Si Vlad ang nag da-drum, si Clover na nagigitara, si Klive na Gitara din kaso Electric Guitar nga lang tapos si Crunos na siyang kumakanta and the rest know how to play violen and another one Vocalist like Crunos.
Minsan ang sakit sa puso lahat ng pang-iinsulto ni Crunos sakin at mga salita na harsh, umiiyak ako sa di malamang dahilan, siguro dahil ang sakit at ang talim talaga pag dating saakin ang mga salita niya. May sakit ako sa puso kaya bawal ako umiyak ng umiyak kase sumasakit ang dibdib ko pag nasosobrahan, kaso di ko naman maiwasan kase ang sakit talaga.
Pag umiiyak ako ay dito lamang sa kwarto, ayaw kong may makaalam sa kondisyon ko at kaawaan. Dinadala ko sa tabi ko ang inhaler at gamot ko para mabawasan ang paninikip ng dibdib ko.
Pagtapos na ako umiyak ay matutulog ako tapos mghihilamos, paglabas naman ay ngingitian ko sila. May nag-iba nga lang sa kanilang apat dahil nahahalata ko ang unti-unti nilang pala-utos saakin. Ginagawa ko naman ang utos nila dahil baka magalit. Minsan na akong nasinghalan ni Crunos dahil sa nabasag ko ang pinggan na may lamang pagkain. Sumikip kasi ang dibdib ko at nanghihina ako kaya mabuti nalang nakahawak ako sa pader.
Mabait naman sina Vlad at Clover saakin pati nadin naman si Klive, inuutusan nila ako pero di naman sobrang bigat na gawain, tulad ng pinapaluto nila ako or sasamahan sila sa panonood.
Tumigil ako sa kakaisip dahil may tatlong katok akong narinig sa pintuan.
"Orean iha, kain na"
"Sige po Manang Lyda, susunod po ako"
"Sige iha"
Napangiti ako dahil mabait ang Mayodorma nila dito, siya ang nagsisilbing gabay sakin minsan pag pinapaluto ako. Nagtataka ako dahil pinapaluto nila ako eh madami nmang katulong kaso kinibit balikat ko nalang iyon. Ayaw kong mag-isip ng marami.
Bumaba nako at naupo na malapit kay Clover. Nakita ko ang ulam at namutla ako. Madami ngang ulam kaso puros may halo iyong hipon, pano na to?. Nag umpisa na silang kumuha ng pagkain habang ako ay natulos lang sa kinauupuan. Umiisip ako ng paraan para di yon makain, ayaw ko namang masabihan na maarte lalo nat tinitingnan ako ni Crunos at inaabangan ang susunod kong gagawi.
"Orean? Kain na! Ayaw mo ba ng ulam?" basag ni Vlad sa katahimikan na meron kami
"H-hindi, g-gusto ko" pilit na sabi ko dito sabay ng isang pilit din na ngiti
"Then don't be such a brat, we're in front of the food and food means blessings, wag maarte" supladong sabi ni Crunos saakin.