Prologue

12 0 0
                                    

"Tumigil na sa pagtibok yung puso nya. Time of death 8:42 am. Condolence po."

Wait.

Ano daw?

C-condolence??

Tama ba narinig ko?

Prank ba to ng doctor na to?

Teka

"N-no. N-no! Hindi pwede! Hindi mo pa ako pwedeng iwan! No! Wag!"

Hindi ko alam kung totoo ba tong nakikita ko. Kung panaginip to, please wake me up. Ayoko nitong nakikita.

"P-please! W-wake up! W-wag mo ko iiwan, please?!"

This is the first time that i feel so helpless. Hopeless. Bakit? Of all people. Bakit ikaw yung kailangan mawala sakin? Bakit kailangan mo kong iwan?

"Wag ka namang ganyan! D-diba pangako ko sayo magiging engineer pa ako. D-diba sabi mo sakin hindi mo ko iiwan? D-diba nangako ka?!! Bakit ganito?"

"Please, ayoko! Hindi pa ako handang iwan mo! Hindi ko kaya. Hindi ko kayang wala ka."

"Paano na lahat ng pangarap natin? Paano na yung mga pangarap ko sayo? Hindi pa nga ako nakakabawi sayo eh."

"MAAA!! WAG MO KO IWAN! AYOKOOO! GUMISING KA NA PLEASE! PROMISE MAGIGING MABUTING ANAK NA AKO. MA PLEASE! GUMISING KA NA. SOBRANG MAHAL NA MAHAL KITA MA! "

Why do you have to leave me?

Bakit ngayon pa kung kelan malapit na nating marating yung mga pangarap nating dalawa.

Sobrang sakit makita na yung kaisa isang taong meron ako, yung nanay ko ay binawian na ng buhay. Wala man lang akong magawa kahit sa huling sandali man lang ng buhay nya.

Sobrang sama ko bang anak at kinuha na agad sya sakin? Sya na lang yung meron ako. Sya na lang yung nandyan para sakin. Pero kinuha pa din sya. Iniwanan din nya ako.

Maybe this is my karma for being a bad daughter.

"Excuse me po ma'am. Kailangan na po namin syang dalhin sa morgue."

-

The Regrets of a DaughterWhere stories live. Discover now