Yesha's POV
Wala na ba talaga akong pag-asang sumaya?? Minsan kasi nakakainis na eh kapag nagiging masaya ako lagi nalang may kasunod na problema. Ilang araw na nung magising si Klyde at ilang araw na din simula nung hindi na namin makausap si Mommy. Hindi ako sanay na nakikita siya ng ganito. Wala yung maingay at magulo kong Mommy........Kahit ako naiinis, nagagalit at the same time nalulungkot. Paanong may bumili nung shares ni Mommy?? Madalas na natatanong ko sa sarili ko. Wala naman kaming kaaway pagdating sa negosyo. Kaya nakakapagtaka kung sino ang walang puso nagagawa nito sa amin. Kapag nawala yung business alam ko na sobrang malulungkot si Mommy, ito nalang kasi ang tanging alaala na iniwan sa amin ni Dadsy kaya ginagawa namin ang lahat para mabalik lang ito....Kahit ano gagawin ko para maibalik ang dapat na sa amin. Ang dami ko nang iniisip mga problema na dumarating, minsan nga parang ayoko na na sumaya eh kasi laging may kaakibat na lungkot kapag masaya ako. Si R-Dane din hindi na nagparamdam simula nung namasyal kami. Hindi ko naman siya matawagan kasi sobrang busy ko talaga.
"So sino nga po ang bumili?? Sigurado ako na hindi lang sila basta-basta! Maimpluwensya ang taong yon ako na po ang nagsasabi sa inyo." , I know how to manage our business. Naturuan nanaman kasi ako ni Mommy kaya ngayon na wala siya ako muna ang napasok sa opisina since wala pa namang pasok. Dalawang araw nalang magpapasko na...ito ba ang regalo na matatanggap namin?? Problema?? Ngayon hinahanap namin kung sino ang bumili ng shares...Ang tanging meron kami para mapaandar ang negosyo namin kaso nawala na.
"Tinitignan pa namin ang bawat data...mga information na makakatulong sa atin para mas mapadali ang lahat", naiinis na din ako. Walang nangyayari, walang kumikilos!!! Ano sa tingin nila?? Babagsak na ng tuluyan yung negosyo namin kaya sila ganito?? Akala ko paan din!! Nakuuuuuuu kaya ako magpredict agad eh. Kasi kapag nag-aassume ako, lagi nalang akong nasasaktan.
"Sana naman...as soon as possible makilala natin kung sino ang may pakana nito. Malay natin mapakiusapan sila na ibalik na ang shares namin. Sana naman.", pero nagtataka talaga ako kung sino ang gagawa nun sa amin.
"Sige Ma'am kikilos kami agad-agad", hindi ko na din pinatagal at pinabalik ko na sila sa mga ginagawa nila. Kailangan talaga namin kumayod para sa ikakatatag ng business. Naalala ko nanaman si Dad. Oo workaholic siya pero hindi siya nawawalan ng time para sa amin ni Mommy...naaalala ko pa nga noon nung bata pa ako, madalas niya akong isama dito sa office niya kapag wala akong pasok sa hapon. Gusto niya daw ipakita sa akin kung ano ang ginagawa niya kapag wala siya sa bahay...Yung mga ginagawa niya para magkaroon ako ng magandang future.
*beep*beep*
Hindi ko namalayan na may mga luha na palang tumutulo sa pisngi ko. Pero nagulantang ako nung may nareceive akong text. Finally nagparamdam na din siya. Sa wakas pagkatapos ng ilang araw na hindi niya pagpaparamdam. Pero bakit parang hindi maganda yung feeling ko. Parang may hindi magandang mangyayari.
Alam niyo yung instincts?? Malakas kasi yung pandama ko.
From: R-Dane
Meet me. Sa meeting place natin. Ngayon na kung pwede.
Pagkabasa ko nung text niya feeling ko namutla ako. Sobrang cold kasi nung dating sa akin, hindi ko alam kung nagpapacool lang ba siya o talagang walang emosyon yung message na binigay niya. Ano bang nangyayari?? Sobrang naguguluhan na ako =___= Pero si R-Dane yun eh, yung lalaking pinakamamahal ko. Yung lalaking nangako sa akin na hindi niya ako iiwan. Si R-Dane yun eh. Kaya dali-dali akong pumunta. Gusto ko na siyang makita. Gusto ko na siyang mayakap...Sobrang namiss ko talaga siya.
Pumunta ako sa lugar kung saan lagi kaming napunta kung gusto naming mapag-isa. Ang lugar na nakasaksi kung gaano ko kamahal ang lalaking yun. Pagdating ko doon nakita ko na may lalaking nakaupo doon. May hawak siyang gitara, yung gitara na bigay sa kanya ng mommy niya. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakita. Hindi ko muna siya tinawag, gusto ko na mapagmasdan siya. Gusto ko lang na titigan siya, ayoko na mawala siya sa paningin ko. Nagulat ako nung nagstrum siya ng gitara at nagsimulang kumanta
BINABASA MO ANG
Two Is Better Than One
JugendliteraturSa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ~Ayesha Blaire Montaire Diba mahirap mamili? Lalo na akung ang pagpipilian ay parehong...